Kabanata 41

17.9K 305 53
                                        

Kabanata 41

3 years later...

PRENTENG nakaupo si Lorraine sa mahabang sofa bed habang tila walang kagana-ganang nililipat ang chanel ng TV.

"What are you doing?" Tanong ni Elaine na pababa ng hagdan.

"Changing stupid channels," sagot niya na hindi na nag-abalang tingnan ang kakambal.

"Hindi ka pa rin ba tinatawagan ng modelling agency na ina-applayan mo?" Tanong nito nang makalapit sa kanya saka naupo sa tabi niya.

"Huwag mo ngang ipaalala 'yan. They are all stupid."

"Why?"

"Hindi nila ako tinanggap kasi mas focus sila hot model ngayon na si Cassandra."

"Never heard."

"Really? I searched for her and I found out that the girl was Alegria. She's one of the top models of America."

"How come? I mean, ang huli nating balita sa kanya ay noong naaksidente siya. And, Kuya Adolf told us she's in a coma." Gulat nitong sabi.

"I don't know and I don't care about that bitch. Sana hindi na lang siya nagising or better na namatay na lang siya. Do you wanna know why? Dahil sa kanya naging lame ang spotlight sa akin. At ang nakakapagpakulo pa ng dugo ko, sa tuwing pupunta ako sa mga malls wala ng nakakakilala sa 'kin, can you believe that? Super model ako and na-feature sa mga sikat na magazine as the most beautiful woman in the Philippines pero ngayon wala na. Lahat ng attention ay nasa babaeng iyon na bigla na lang sumulpot na parang kabute!" Mahabang litanya nito.

"Okay. Relax Sis. Makakakita ka rin ng modelling agency. Tyaga ka lang." Alo ni Elaine sa kakambal. "Anyway, akin na nga ang remote. Ako na ang maghahanap ng channel."

"Makakahanap? Hindi dapat ako ang naghahanap. Ako ang dapat nilang hanapin. Tyaga? No way! Dapat pinag-aagawan nila ako!"

Hindi na lang sumagot si Elaine sa mga sentemyento ni Lorraine. Alam niya kasi na kahit anong pag-aalo ang gawin niya rito ay hindi mababago ang mataas nitong pride.

"Naging malas lang naman ang buhay ko noong nagbuntis ako. Kung alam ko lang na hindi naman pala ako papanagutan ni Rafael, sana pinalaglag ko na lang ang batang 'yon." Inis niyang sabi. Paano, matapos ang aksidenteng nangyari kay Alegria ay bigla na lang din itong nawala na parang bula.

"Don't say that, Lorraine. Azalea is cute. And I really like her." Tukoy nito sa anak ni Lorraine kay Rafael.

"Whatever."

"Please find time to know your daughter. And believe me, you will love her." Payo niya kay Lorraine pero inirapan lang siya nito.

"Mommy! Mommy!" Tawag ng isang batang babae kay Lorraine.

"Oh, no... please Elaine entertain her. I don't have time for her craziness!" She said in greeted teeth.

Elaine sighed. Wala na yatang matinong payo ang tatalab sa kanyang kakambal.

"Mommy! Look, I draw you..." at pinakita ng bata ang drawing kay Lorraine. Pero tinaasan lang iyon ng kilay ng babae. "And this is me. Look, you are hugging me here! And, and look! We are inside this heart shaped. Mommy, I love you, because... Ahm..." bigla ay napayuko ang bata, nawala rin ang pagiging masigla sa boses nito.

"Because?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lorraine.

"B-because this is my gift. Tomorrow is your birthday so..."

"Okay. I got it. Is this your gift for me?" Tumango lang ang bata. Kinuha ni Lorraine ang papel na pinag-drawing-an ni Azalea. Inusisa nito iyon saka nilukot at tinapon sa kung saan.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon