Kabanata 65

13.6K 257 18
                                        

Kabanata 65

MABILIS na pinagana ni Seran ang lahat ng koneksyon na meron siya. Lahat ng mga karanasan niya bilang isang secret agent ay ginamit niya para lang mahanap nila kung saan naroon ngayon si Cassandra. Heto nga ngayon at kakatapos lang niyang i-hacked ang mga properties na meron ang mga Eleazar. Doon ay nalaman nila na may dati itong bahay sa Maynila.

Sa nalaman ay napamura na lang si Rafael. Nasa dunggot lang pala ng ilong niya mahahanap ang mga ito!

"Let's go. We need to hurry!" Intense na sabi ni Zandro.

Agad naman ay pinaharurot ni Rafael ang sasakyan habang si Seran naman ay tinatawagan na ang mga pulis para sumunod sa lokasyon na pupuntahan nila.

Samantala ay hindi mapakali si Rafael. Kinakabahan siya sa isiping kasama ni Adolf si Alegria. Damn! Alam na ba ni Lorraine na ginahasa ng kapatid nito ang dalaga kaya ito ang naisip na paraan para makaganti?

Damn her! Kung iyon man ang dahilan nito ay hindi magandang plano iyon. Naalala niya noon si Alegria kung gaano ito ka-traumatized. Sariwa pa sa isip niya ang araw na nagsabi ito sa kanya tungkol sa pang-aabusong inabot kay Adolf. Hindi niya makakalimutan ang bawat butil ng luha nito pati ang panginginig ng boses habang nagkukwento sa kanya.

Hinding-hindi niya makakalimutan iyon dahil iyon din ang araw na pinangako niya sa sarili na poprotektahan ito laban sa lalaki pero ito ngayon, wala siya sa tabi ni Alegria. Paano kung may ginagawa ng katarantaduhan ang lalaking iyon sa dalaga? Baka kung ano na ang ginagawa nito!

Bigla niyang nakuyom ang kamao, bahagya rin niyang nadiinan ang pagkakatapak sa silinyador ng sasakyan.

"Easy, baka sa gigil mo ngayon ay mamatay na lang tayo sa daan na hindi man lang naililigtas ang pinsan ko." Seryosong saway sa kanya ni Seran nang mapansing nagiging mabilis ang patakbo nito ng sasakyan.

"I'm sorry."

Napabuntong-hininga siya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili.

Alegria....please wait for me... ililigtas kita sa hayop na 'yon. Bulong niya at piping nagdasal na sana ay ligtas ang kanyang mahal.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa dating bahay ng mga Eleazar. Doon ay nakumpirma nilang naroon nga si Adolf dahil na rin sa kotseng nakaparada sa loob ng bakuran. Nakita pa nilang bukas ang pinto ng kotse nito na ewan nila kung bakit.

"Pasukin na natin!" Sabi ni Zandro na handang-handa na talaga.

"Hindi pwede, kailangan na hintayin natin ang mga pulis. Baka kapag pumasok tayo ay mapahamak lang lalo si Cassandra." Pigil ni Seran rito.

"But Alegria need help! Paano kung—" hindi na naituloy ni Rafael ang sasabihin dahil bigla silang nakarinig na alingawngaw na putok na baril.

Nagkatinginan silang tatlo at iisa lang ang takbo ng isip nila; nanggaling sa loob ng kabahayan ang putok ng baril. Kaya naman kahit wala pa ang mga pulis ay nagpumilit silang pumasok. Dumeretso sila sa isang kwarto na bahagyang nakaawang. Binuksan nila iyon at isang kagimbal-gimbal na eksena ang nakita nila.

Sagana sa dugo ang ngayon ay umaagos sa ulo ng walang buhay na katawan. Nasa kama ito kaya kitang-kita kung gaano na karaming dugo ang nawala rito.

"Oh, God! A-alegria..." gimbal na sabi ni Rafael habang nakatingin sa dalaga...

_____

NAPAPIKIT na lang si Cassandra nang makitang nakaamba ang kamao ni Adolf sa kanya. Alam na niyang sa oras na iyon ay wala siyang magagawa kundi ang tumili, wala siyang lakas para pigilan ito.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon