Kabanata 60

13.9K 279 10
                                        

Kabanata 60

PUMUNTA sina Cassandra at Pious sa isang french restaurant habang si Rafael ay nasa paligid lang din.

Kanina noong lumabas siya sa kwarto ni Adolf ay sinenyasan na niya ang lalaki na sumunod na lang sa kanila.

"Parang ang mahal naman po yata dito, 'nay." Nahihiyang sabi ni Pious.

"Yeah. Medyo mahal nga dito pero masarap naman ang pagkain. Anyway, anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa bata matapos kunin ang menu na inabot ng waiter.

"Hindi ko po alam kung paano basahin ang mga ito." Alanganin ang ngiti ng bata nang ibaba ang hawak na menu.

"Then, ako na lang ang mag-o-order... hmm, let see... I want this appetizer, amuse-gueule then for our main dish homard à l'armoricaine. What else? Ah, I want this bavaroise and bavarois for our dessert. Anong gusto mong drink?"

"Kahit ano po."

"Okay. So, I want mango juice, lemon iced tea and blanc de blanc. So, that's all. Thank you." Nakangiti niyang sabi sa waiter. "O, bakit parang namamangha ka dyan?" Puna niya sa anak dahil kitang-kita sa mukha nito ang pagkamangha.

"E, kasi po marunong na kayong magbasa tapos nagsasalita na rin po kayo ng english."

"Bakit ka naman nagtataka doon? Hindi ba ako marunong magbasa noon?" Tanong niya. Umiling lang ang bata bilang sagot. "Really? Hindi ako marunong magbasa noon? God! Ganoon pala ako katanga noon."

"Pero kahit na ganoon po kayo, mahal na mahal ko po kayo..."

"Thanks, Pious."

Ilang sandali pa silang nag-usap, mayamaya ay dumating na ang in-order nilang pagkain.

"'Nay, hindi niyo po ba tatanggalin yung suot niyong salamin at sumbrero? Sabi niyo po sa 'kin noon, masama po ang ganyan."

"E, kasi kapag tinanggal ko ito. Makikilala nila ako. Kapag nangyari iyon, hindi natin ma-e-enjoy itong food natin. Sige na, kumain na lang tayo then papasyal tayo sa mall. Ibibili kita ng maraming toys."

Napatango na lang si Pious at nagsimula ng kumain.

Pero ang totoo niyan ay pinipilit na lang Pious ang kumain. Pakiramdam niya kasi ay ibang tao ang kasama niya. Oo nga at ito ang Nanay niya pero nag-iba na ito.

Dati, kapag kumakain sila ay katabi niya ito at ito pa ang nagpapakain sa kanya. Ito rin ang nag-aalis ng tinik kapag pritong isda ang ulam nila, ito rin ang nag-aasikaso sa kanya kapag may nakitang tirang sauce sa gilid ng bibig niya.

Nine years old na siya ngayon at alam ni Pious na hindi na dapat niya inaasam na gagawin pa iyon ng ina dahil ang sabi ng kanyang Daddy Adolf ay dapat na umasta na daw siyang parang binata dahil may balak ang kanyang ama na sa kanya ipamana ang kompanya nito.

Pero masama ba ang umasang gagawin ng ina ang dati nitong ginagawa noong six years old pa lang siya? Masama bang umastang parang bata pa rin sa harap ng ina? E, sa na-miss niya ito. Tatlong taon din siyang nangulila dito.

Napabuntong-hininga siya.

"Something wrong? Hindi ba masarap food?"

"Masarap po."

"Great. Anyway, ano pa bang gusto mo?"

"May banana cue po ba dito? Kasi iyon po ang niluluto niyo sa 'kin kapag—"

"This is a french restaurant, Pious. Walang banana cue dito." Natatawang sabi ni Cassandra. Napanguso na lang si Pious. "Anyway, you can change your dessert if you want. So, gusto mo ba?"

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon