Kabanata 24
NILIMI ni Rafael ang mga salitang narinig mula kay Alegria. Tama ba ang narinig niya? Alegria was rape?
"Hindi ko iyon sinabi dahil natakot ako na baka mas lalo mo akong pandirihan, kung iyon ngang iniisip mong isa akong babaeng bayaran ay minamaliit mo na ako; paano pa kaya kung malaman mong binaboy ako ng isang lalaki..." nakayuko niyang sabi, ayaw niyang makita kung ano ang hitsura nito habang nagkukwento siya. "Noong napunta ako rito sa Maynila, naghanap agad ako ng trabaho. Ang swerte ko kasi nakakuha ako agad, naging kaibigan ko pa ang may-ari ng tindahan doon sa palengke. Tapos inalok niya akong magtrabaho bilang katulong, pumayag ako kasi malaki ang sweldo pero kalbaryo para ang mapapala ko doon..." nagsimula na naman siyang maiyak. "Mabait ang may-ari ng bahay pero hindi ang anak niya. Palagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin pero hindi ko lang pinapansin, hindi rin ako nagsumbong kasi hindi naman niya ako inaano. Pero mali pala ang pinabayaan ko iyon. Isang gabi, bigla siyang pumasok sa kwarto ko at... at... p-pinilit niya ako... wala akong magawa, hindi ko siya kaya..." napahagulgol na naman siya ng iyak.
"Tahan na, tama na ang narinig ko sa iyo..." pag-aalo ni Rafael dito. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig mula rito. All the while, ang iniisip niya ay isa itong masamang babae, isang puta na ang laman lang ng isip ay makakuha ng pera. Mali! Maling-mali ang lahat ng inisip niya.
Napabuntong-hininga siya. Naalala niya ang mga oras na sinasabihan niyang wala itong pinag-aralan, mang-mang at kung ano-ano pa. Mas lalo siyang nasundot ng guilt dahil sa pagpaparamdam niya rito na isa itong bayaran. Hindi niya dapat sinabi at pinaramdam iyon. Isa pala itong biktima ng pang-aabuso ng isang lalaki! Damn! Kung noon lang niya nalaman ito, kahit isipin man lang na masamang babae si Alegria ay hindi niya gagawin.
Nakuyom niya ang kamao. Hindi pa man tapos ang kwento ni Alegria ay gusto na niyang lumipad para patayin ang lalaking umabuso rito.
"K-kaya ko ito. Magkukwento pa ako." Pagsamo niya rito.
Napatango na lang si Rafael.
"H-hindi ko nagawang lumaban sa kanya dahil habang pinagsasamtalahan niya ako ay may nakatutok na baril sa ulo ko. Natakot akong patayin niya, ayaw ko pang mamatay ng mga oras na iyon kaya kahit ayoko ay nagpaubaya ako. P-pagkatapos niyon ay umalis na ako agad, hindi ko na hinintay na magising siya dahil baka patayin na niya ako. Alam mo ba kung ano ang nangyari sa akin noong umalis ako? Naging pulubi ako, naging taong grasa..." mapait siyang ngumiti. "Pinandidirihan ako ng mga tao. Alam mo ba, tao akong nanghihingi ng pagkain sa kanila; kahit tubig man lang pero hindi nila ako binibigyan, akala nila sa akin ay masama akong tao kaya tinataboy nila ako. Nakakasama ng loob ang ganoon tapos nalaman ko pang buntis ako, nabuntis ako ng lalaking bumaboy sa akin. A-ayoko sa batang iyon dahil siya ang bunga ng kahayupan ng lalaking iyon. Binalak ko siyang patayin pero hindi ko pala kaya. Naisip ko kasi na wala naman siyang kasalanan at siguro kaya hinayaan ng Diyos na magbunga iyon ay para magkaroon ako ng pag-asa... binuhay ko ang bata, kahit hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko noon kinaya ko pa rin para may makain kami... tapos dumating si Lola Toryang, inampon niya ako. Kahit hindi niya ako kilala ay tinuring niya akong isang apo. Inaalagaan niya ako hanggang sa pinanganak ko si Lemuel. Alam mo, mahal na mahal ko ang batang iyon kahit na nanggaling siya sa pang-aabuso sa akin kaya nga lahat ay gagawin ko para sa kanya..." mahabang kwento niya saka tumitig sa mga mata ni Rafael.
"Siguro sa mga kinukwento ko hindi ka naniniwala pero gusto ko pa rin magsalita. Hindi ako naging bayarang babae. Siguro noong una tayong nagkita dito, oo, naging bayaran mo ako pero iyon ang una at huling beses. Napilitan akong gawin iyon dahil kay Lemuel, kailangan niya kasi ng mga gamot sa sakit niyang hika. Ganoon kasi ang isang ina, lahat isasakripisyo para sa kaligtasan at kaligayan ng kanyang anak..."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)