Kabanata 37
"N-nandito ka pa pala..." sabi ni Alegria nang mabungaran si Adolf sa loob ng kwarto ng anak. Lihim siyang nainis. Akala pa naman niya ay umalis na ito, anong oras na ba? Pasado alas-dies na ng gabi. Dapat pala sumunod na lang siya sa hiling kanina ni Lola Toryang na doon na matulog. Pero pwede naman siyang umalis ngayon. "S-sige, dito ka na lang muna. Doon muna ako sa—"
"Alegria, come here." Seryoso nitong sabi.
"B-bakit?" Tanong niya. Hindi rin siya umaalis sa tabi ng pinto para kung sakaling may gawin si Adolf sa kanya ay makakatakbo siya agad.
"Wala akong gagawin sa iyo Alegria, 'wag kang mag-alala. Saka nandito ang anak natin, sa tingin mo ba kaya kita saktan dito?"
Agad namang nakumbinsi si Alegria, may point naman ito. Pero nagtataka siya kung bakit napaka-seryoso ng boses nito. Magkaganoon man ay lumapit pa rin siya.
"Dito ka..." sabi Adolf habang tina-tap ang katabing upuan.
Napasunod naman si Alegria, kahit ayaw niya ay naupo pa rin siya.
"M-may sasabihin ka ba?"
"Yeah. Meron nga," sagot nito pagkuway bigla itong humarap sa kanya at tinitigan ang kanyang mukha. "Alegria, I want you to marry me. Pakasalan mo ako."
"A-ano?" Sa gulat ay akma sana siyang tatayo pero pinigil siya ni Adolf. "B-bitiwan mo ko..." mahinang sita niya rito habang pilit na kinakalas ang kamay nito sa kamay niya.
"Sshh... huwag kang maingay. Ikaw din, baka magising si Lemuel. Baka makita niya na nag-aaway tayo, sigurado na magtatanong iyon. At anong sagot ang sasabihin mo kung sakali?"
Napatingin naman agad si Alegria kay Lemuel. Kay himbing pa rin ng tulog nito. Walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanila ngayon ni Adolf.
Napakagat-labi siya. Ngayon lang niya napagtanto na tila ginagamit ng lalaking ito ang kanyang anak para mapalapit sa kanya. Ginagamit nitong pang-blackmail ang tungkol sa panggagahasang ginawa nito. Iyon ang mga alas nito. At ayaw ni Alegria ng mga iyon. Ayaw niyang palagi na lang tinatakot ng kung sino. Lalo na ni Adolf.
Ngayon ay buo na ang desisyon niya. Sasabihin na lang niya kay Lemuel na isang masamang tao si Adolf. E, ano ngayon kung malaman na nito kung saan ito galing? Hindi rin naman niya maitatago iyon ng matagal. Isa pa ay para naman sa kanilang mag-ina iyon, kapag nalaman na ni Lemuel ang totoo magiging malaya na siya. Sigurado iyon!
"Pakasalan mo ako. Iyon lang ang gusto kong sabihin sa iyo." Muli ay sabi nito.
"Nasisiraan ka na ba? Bakit naman ako magpapakasal sa iyo? Sa iyo na laging laman ng mga bangungot ko?"
"Why not? Ako ang ama ni Lemuel at may karapatan ako sa inyo."
"Hindi!" Madiin niyang sabi. Minsan lang siyang maging matapang at ngayon lang ang pagkakatong iyon. "Ayokong magpakasal sa isang tulad mo!" Pagkasabi niyon ay marahas niyang pinagpag ang kamay niya para makawala sa pagkakahawak ni Adolf.
"Sigurado ka na ba dyan sa sagot mo? Baka pagsisihan mo 'yan." Nakangisi nitong sabi sa kanya.
Bigla siyang kinilabutan sa ngiting iyon ng lalaki. Naaalala na naman niya ang mga sandaling marahas siya nitong inaangkin.
Bakit ba sila nito pilit na ginugulo? Bakit ba pilit itong pumapasok sa buhay nila, e, ayaw nga niya rito.
"Pwede ba Adolf, ang dami mo ng kasalanan sa akin tapos nangangarap na magugustuhan kita? Na papayag akong magpakasal?"
"E, kaya nga gusto kitang pakasalan dahil gusto kong bumawi sa inyo ng anak natin. Mahirap bang intindihin iyon? Mahirap bang intindihin na mahal kita kaya lahat ay gagawin ko para pumayag ka lang."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
