Kabanata 26
"ARE you ready, guys?" Tanong ni Rafael na nag-aabang na sa loob ng kotse.
"Oo. Ah, anak. Sakay ka na dali, baka ma-late ka pa sa school mo." Sabi ni Alegria.
"'Nay, bakit po si Tito Rafael ang maghahatid sa akin? Hindi ko po ba hihintayin ang school bus ko?"
"Hindi na muna, anak. Simula ngayon ay ihahatid sundo ka ni Rafael sa school mo."
"Pero bakit po?"
"Lemuel—"
"Just hop in. Baka ma-late ka na." Puno ng authority ang boses ni Rafael nang putulin ang ibang sasabihin ni Alegria.
Nagkatinginan na lang ang mag-ina.
"Sige na, anak. Sakay ka na."
Napanguso na lang si Lemuel. Dati ay gustong-gusto niya si Rafael pero unti-unti ay nagbabago iyon. Nawawala na ang amor niya rito. Pakiramdam niya ay gusto nitong hawakan ang leeg niya. Bakit ba? Anong karapatan nito? Hindi naman niya ito ama.
Muli ay napatingin siya sa kanyang ina. Sa mga nasasaksihan niya, simula nang araw na unang nakita niya na hinalikan nito ang kanyang ina ay nagiging sunod-sunuran na rin ito sa mga gusto ng kanyang Tito Rafael. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang kanyang ina pero hindi siya papayag na manipulahin nito ang buhay nila.
"Lemuel?" untag ni Alegria sa anak.
"Ah, sandali lang po. May nakalimutan po ako sa kwarto, kukunin ko lang po." Paalam ni Lemuel saka muling pumasok sa loob ng bahay.
"O, apo? Bakit nandito ka pa? Aba'y baka mahuli ka sa klase." Puna ni Lola Toryang na nagliligpit ng pinagkainan sa lamesa.
"Sandali lang po ako, Lola!" iyon lang at dumeretso na siya sa kwarto.
Wala naman siyang kukunin sa loob. Ang gagawin lang niya ay iti-text niya ang kanyang Daddy Adolf na huwag tatawag dahil ihahatid siya ni Rafael.
"Lemuel, halika na..." tawag ni Alegria mula sa labas. Pinipihit din nito ang knob ng pinto. "Bakit naka-lock ito? Buksan mo ito, anak. Ano bang ginagawa mo dyan?"
"S-sandali lang po!" Naging alerto naman ang bata at agad na pinasok ang kanyang cellphone sa loob ng bag. Isasarado na niya sana ang zipper ng kanyang bag pero bigla naman itong nagloko. "Hala! Nasira yata ang zipper!" Pinipilit niya pa rin ayusin pero nasira na yata talaga.
"Lemuel, open the door." Si Rafael na ang tumatawag mula sa labas.
Mas lalo namang kinabahan ang bata. Hindi nito dapat malaman na may cellphone siya. Kaya naman kinuha niya ulit ang phone at nilagay iyon sa loob ng brief niya. Pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto.
"What happened to you? Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?" Naiinis na sabi ni Rafael.
"Anak, bakit? May problema ba?"
"Sorry po, Nay. Nasira po kasi ang zipper ng bag ko po. Ito po, o." Pinakita niya ang bag na nasira. "Pasensya na po..." nakayuko niyang sabi. He's lying. Alam naman niyang masama iyon pero kapag nakita nito na may cellphone siya ay siguradong pagagalitan siya nito kung bakit iyon tinatago. At naisip din niya na okay lang siguro ang maglihim, ang kanyang ina nga ay may lihim na hindi sinasabi sa kanya, siya pa kaya? Maliit na bagay lang naman ang paglilihim na may cellphone siya kaysa rito na palihim na nakikipagkita tuwing gabi sa kanyang Tito Rafael.
"Ganoon ba? Sige aayusin na lang natin habang nasa biyahe tayo. Mahuhuli ka na kasi sa klase."
"Sige po..."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)