Kabanata 1

58.8K 764 24
                                        

NOTE
WARNING

READER'S BELOW EIGHTEEN YEARS OF AGE SHOULD NOT READ THIS BOOK. IT CONTAINS SOME EXPLICIT SCENE THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.

SO, YEAH, I DID WARN YOU.

THANK YOU.

Kabanata 1

MARAHANG binuksan ni Alegria ang pintong iyon.

Nandito siya ngayon sa pad ng isang lalaking magbabayad sa kanyang serbisyo ngayong gabi.

Ito ang silid kung saan ibibigay niya ang sarili sa lalaking hindi niya kilala.

Ayaw niyang gawin ito. Labag ito sa loob niya pero ano ba naman kung ibenta niya ang katawan kung ang kapalit naman ng makukuha niyang pera rito ay para sa buhay ng anak niya?

Hindi na siya nagdalawang-isip nang alukin siya ng isang baklang bugaw sa lugar nila na magbenta ng katawan. Isang beses lang naman niya gagawin, pagkatapos wala na. Basta makuha lang niya ang pera.

Kailangan ng gamot ng kanyang anak para sa sakit nitong hika. Ang sabi ng doctor ay kailangan ng maintanance lagi ng kanyang anak para kung sakaling sumpungin ito ng sakit.

At wala siyang pera para sa mga gamot ng anak. Hindi sapat ang paglalabada niya na kumikita lang siya ng 500 sa isang araw, sapat para pangkain nilang mag-ina, kasama si Lola Toryang na siyang umampon sa kanila.

At ito lang ang alam niyang paraan para sa kailangan ng anak. Lumapit na siya sa mga institution kung saan tinutulungan ang mga mahihirap na tulad niya pero ang dami pang kailangan na ibigay na requirements.

Kesyo kailangan ng birth certificate, baranggay ID, NBI. Bakit ba kailangan pa ng mga ganito? Ang gusto lang niya ay makakuha ng pera para sa gamot ng anak.

Napabuntong-hininga siya. Isa pa iyon, hindi pa niya napapa-rehistro ang pangalan ng anak niya, kahit nga siya ay wala ring matinong dokumento.

Hindi niya alam kung paano, wala siyang alam, siguro ay matatawag siyang mang-mang dahil hindi siya marunong magbasa at magsulat.

"Hoy! Ano pang tinatanga mo dyan? I-lock mo na ang pinto at pumunta ka doon sa kwarto ng customer!"

"A-ah, o-oo..." napasimangot siya. Madaling-madali na ang baklang iyon na matapos ang trabaho niya. Paano ay may makukuha itong 10 thousand kapag binayaran na siya.

Fifty thousand ang perang sinabi na kailangan niya. Malaking pera para sa isang gabi lang, nagpapasalamat siya dahil tinanggap naman ng customer ang hiling niya.

"Galingan mo, ha? Para makaulit ka pa." Habol pa nito bago niya sinarado ang pinto.

Anong makaulit? Hindi na niya ulit gagawin ito! Kailangan lang talaga niya ng pera kaya napasubo rito.

Napailing na lang siya saka pinahinahon ang sarili. Mayamaya ay naglakad na siya.

Unang bumungad sa kanya ang marangyang sala. Sa tingin niya ay mamahalin ang mga gamit rito.

Napaisip siya. Kung magnakaw na lang kaya siya? Muli siyang napailing. Hindi! Baka makulong siya.

Muli ay humakbang siya hanggang sa nakarinig siya ng tila pagkalansing ng bote.

Napatingin siya agad roon sa bukas na pinto. Bahagya iyong nakaawang kaya sumilip muna siya. Nakita niya ang isang lalaking nakaupo patalikod sa kanya habang umiinom ng sa tingin niya ay alak.

Inusisa niya ang lalaki. Sa tingin niya ay malaking tao ito dahil na rin sa malapad ang balikat nito. Sa tingin pa nga niya-

"Come inside." Buo ang baritonong sabi nito nang maramdaman ang presensya niya.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon