Kabanata 55

14.6K 279 9
                                        

Kabanata 55

"SHIT!" Mabilis na bumangon si Rafael nang hindi niya nakapa si Alegria sa kanyang tabi. Agad ay tumingin siya sa wall clock pero mas lalo lang siyang napamura dahil alas-sinco na pala ng hapon. "Damn! Sabi ko na nga ba! Dapat hindi ako natulog!"

Umalis na siya agad sa kama at lumabas ng kwarto. Kailangan niyang ibalik sa kanyang poder si Alegria. Hindi na siya papayag na mawala pa ito.

"Damn! Nasaan na ba ang—" natigilan siya sa ibang sasabihin nang makarinig ng tila nagsasang-kutsa. Pinakinggan niya kung saan nanggaling iyon at nang mapagtanto ay agad siyang napasugod sa kusina.

Doon ay nakita niya ang babaeng hinahanap. Nakatalikod ito mula sa kanya habang naghahalo ng niluluto sa kaldero.

Biglang napahilamus ng mukha si Rafael. Damn! Ang lamig ng pawis niya. Takot na takot kasi siya kanina nang makitang wala ito sa tabi niya. Akala niya talaga ay umalis na ito pero hindi, nandito sa kusina si Alegria at nagluluto ng ulam. Tulad ng ginagawa nito noon—noong si Alegria pa ito.

"You're awake. Sandali na lang ito. Malapit na itong maluto." Nakangiting binalingan siya nito pero agad ay nawala iyon nang mapagmasdan siya ng maige. "Are you out of your mind? Bakit ka lumabas ng nakahubad lang?" Nakataas ang kilay na sabi niya, gusto niya sana itong tarayan pero sa pagkabigla niya ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "Hey-hey, anong balak mo, ha? Don't tell me balak mo namang may mangyari sa 'tin dito?"

"No."

"No?"

"I mean, gusto ko sana pero mamaya na lang."

"Naughty! Magbihis ka na mga doon!" Natatawang tinutulak pa niya ito.

"Ang totoo niyan, natakot akong mawala ka sa paningin ko. Kanina nga, noong nagising akong wala ka sa tabi ko—"

"You have nothing to worry about, Rafael. I came here para marinig ang kwento mo tungkol kay Alegria."

"Hanggang ngayon ba naman hindi ka naniniwala?"

"I believe you pero kailangan ko pa rin marinig ang kwento mo. Hindi naman sapat na basehan na napatunayan mo sa 'kin na hindi na ako virgin, siguro naman ayaw mo rin na doon ang maging basehan ko para maniwala ako, 'di ba? Kaya nga ako nandito? C'mon, fix yourself then after natin kumain. Makikinig ako sa kwento mo."

Napatango na lang si Rafael. Somehow, may point ito.

"Basta, dito ka lang at 'wag kang aalis dito, okay?"

"Opo." Natatawang sagot ni Cassandra pagkuway hinarap na ang nilulutong pagkain...

_____

MATAPOS kumain ay mabilis na nagkwento si Rafael kay Cassandra.

Magmula noong nakuha niya ito sa bar, doon sa isla, pati ang tungkol kay Althea at sa pagkakakulong niya. Sinabi rin niya rito na hinanap niya ito para magantihan sana pero nangialam ang tadhana at tuluyan na siyang nahulog rito.

Hindi rin niya itinago ang tungkol sa sex video na ginawa niya noon. Maski ang tungkol kay Adolf at sa ginawa nito ay ikinuwento rin niya. Nagbabaka-sakali siya ng maging dahilan iyon para makaalala ito.

Hindi rin niya inilihim ang pagkakaroon ng anak kay Lorraine pati ang pagkakalaglag ng dapat anak nila noon ay sinabi din niya.

"I was raped by that Adolf? And we had a son named Lemuel? Ahm, as I understand, you and I had a baby before pero nalaglag ito?" Gulat na sabi ni Cassandra. Anyong hindi naniniwala. "And you said na nasa custody ni Adolf ang bata and now bago na ang pangalan nito?" Tumango si Rafael bilang sagot. Bigla namang napagtagni-tagni ni Cassandra ang mga sinabi nito. "Wait, don't tell me na ang bagong pangalan ni Lemuel is Pious? And the name of your child on Lorraine's side is Azalea?"

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon