Kabanata 22

22.6K 382 22
                                        

Kabanata 22

NASA sala ngayon si Alejandro habang umiinom ng whisky. Kakatapos lang niyang kausapin si Rafael sa telepono. Napangiti siya matapos ibaba ang phone. Halatang napikon ito dahil sa sinabi niya. Ano kayang iniisip nito noong sinabi niyang napagod ang asawa nito? Napangiti siya. Sayang at hindi niya nakita ang hitsura nito.

"Why do you need to say those words? Baka kung anong isipin ni Rafael." Sita sa kanya ni Amor na galing sa kusina at may dalang gatas.

"Akala ko ba natutulog na kayo?"

"Hindi ako makatulog. May nakita kasi ako kanina."

"Multo?"

"That's funny, son. Anyway, bakit mo sinabi iyon?" Muli ay tanong nito.

"I was just teasing him. Wala namang masama doon." Natatawang sagot niya rito. "And its up to him kung ano man gusto niyang isipin basta wala akong ginagawa."

"Really?" Sarcastic na sabi nito saka lumapit sa kanya. "I saw you kissing that girl right on her lips. Ano bang pumapasok dyan sa utak mo?" Iyon ang dahilan kaya hindi na siya dinalaw ng antok.

Kanina kasi, noong lumabas na siya ng kwartong pinagdalhan sa bisitang babae ay may nakalimutan siya sa loob ng banyo roon kaya nagpasya siyang bumalik. Hindi na siya nag-abalang kumatok dahil bahay naman nila iyon, and there, nakita niyang hinahalikan ni Zandro ang babae. And that kiss was an erotic one. Parang naghahanap ng katugon pero bigo ito dahil wala pa rin malay ang babae.

Hindi na siya dinalaw ng antok kaya lihim siyang nagbabantay rito, mahirap na, baka mas higit pa roon ang gawin nito.

"Sa tingin ko sumusunod ka sa yapak ng namatay mong ama."

"'Ma, magkaiba naman kami. Siya, nakipag-relasyon sa isang babae kahit may asawa na. Ako naman, walang asawa—"

"Pero pumapatol sa babaeng may asawa na. Walang pinagkaiba iyon." Naiiling na sabi nito. "Please naman. Huwag sa babaeng iyon. Asawa siya ni Rafael and God knows kung ano ang puwede niyang gawin." Nag-aalalang sabi nito pero tinawanan lang siya ng binata. "I'm serious. Stop laughing!"

"Okay. I'm sorry. Anyway, hindi naman ako gagalawin ni Rafael kung wala kayong sasabihin tungkol sa  nakita niyo. And 'Ma, bakit ganyan kayo sa kanya? Inaanak niyo siya 'di ba? Dapat mabait ka sa kanya."

"Urgh! Puwede ba, Zandro. Hindi ko inaanak iyon, ni hindi nga ako tinatawag na ninang ng isang iyon. By the way, kumusta ang paghahanap mo sa bastardo ng Papa mo?"

"Wala pang balita. Iba na ang may-ari ng establishment na sinasabing pinagtrabahuan daw ng mistress ni Papa. And about his bastard, wala rin lead kung nasaan na iyon." Sa isang saglit lang ay naging seryoso ang usapan ng mag-ina.

Nagkaroon ng affair ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito at sa kinasamaang-palad ay nagbunga pa iyon. Dapat sana ay wala na silang pakialam sa kabit at bastardong anak nito pero nag-iwan kasi ng last will and testament ang kanyang ama. Dapat daw ay mahanap nila ang anak nito sa labas bago ito sumapit sa edad na trenta para makuha nila ang naiwang ari-arian nito.

Napailing siya. Kung sakaling mahanap nila ang anak nito ay maswerte ito dahil instant milyonarya ito kung nagkataon. Paano ay pinamanahan din ng kanyang ama ang anak nito sa labas and unfortunately, mas malaki ang binigay nito roon kaysa sa kanya na legal na anak. Muli siyang napailing. Hindi siya naiinggit roon pero ang unfair lang kasi. Anyway, wala na siyang magagawa. Nagawa na ang last will and testament nito kaya kailangan na gawin nila ito.

Sa tingin nga niya sa testamentong iniwan nito ay mahal talaga nito ang anak sa labas, hindi naman mag-iiwan ng ganitong tagubilin ang ama kung hindi.

"Kailangan mahanap na natin ang bastardo niya. Four years na lang ang natitirang panahon sa atin. Kung hindi pa natin mahanap ang anak niya, mga madre ang makikinabang sa perang iniwan ng Papa mo para sa kanya."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon