Kabanata 66
KITANG-KITA ni Rafael ang gimbal at pagkagulat sa mukha ni Alegria habang nakatitig sa katawan ni Adolf. Agad ay napalapit siya rito at mabilis na niyakap.
"Don't look at him!" Utos niya rito at lihim ay napamura siya. Nakadilat pa rin si Adolf at tila nakatitig pa rin ang mga mata nito sa kanila.
"He's gone." Naiiling na sabi ni Zandro nang mapulsuhan ito. "Why did he took his life away? What a waste."
"Its my fault..." naiiyak na sabi ni Cassandra at bigla ay nawalan ito ng malay.
"Alegria!"
"Dalhin niyo na siya sa hospital. She's in shock," sabi ni Seran. "Ako na ang bahala rito."
"Okay," sagot ni Rafael at akmang bubuhatin ang dalaga pero natigilan siya dahil sa kadenang nakatali sa kamay nito. "Damn!"
"Let me..." si Seran na ang gumawa ng paraan para makalas ang kadena sa kamay ng dalaga.
Nakuyom na lang ni Rafael ang kamao. Anong pahirap itong ginawa ni Lorraine kay Alegria? Para itong ginawang aso! Minasdan pa niya ang dalaga at doon ay napansin niya ang tila latay ng sinturon sa braso nito at sa pisngi nito. Nagkukulay ube na nga ang iba.
"Damn that Lorraine! Hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang ito!" Nanggigigil na hinubad niya ang suot na jacket at itinaklob iyon sa katawan ni Alegria.
Ilang saglit pa ay nakalas na rin ni Seran ang kadena nito at doon ay mabilis na binuhat ni Rafael si Alegria para makaalis na sa lugar na iyon.
Dumeretso sila ng hospital at doon ay masusing inasikaso ni Zandro ang kapatid. Nasa maayos na ang kalagayan nito, nagamot na rin niya ang mga sugat na natamo nito.
Malamlam ang mga matang napatitig siya sa mukha ng kapatid. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nitong may bakas ng tinamo nitong hirap.
Nakuyom na lang niya ang kamao. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Kung hindi dahil sa kanya ay 'di naman mangyayari ito, 'di nito sana nararanasan ang hirap na iyon. Pero may nabubuo man guilt sa puso niya ay gusto pa rin niyang magalit sa babaeng nagpahirap rito.
That slut! Ni sa pangalan ay hindi niya kayang banggitin ang babaeng iyon. Nagagalit siya rito. Sagad sa buto. "I promise, Cassandra, we will get even. Ipapakulong natin siya at kahit na nasa loob na siya ay gagawa ako ng paraan para mas mahirapan pa siya roon." Pangako niya sa kapatid. Bahagya siyang yumukod at akmang hahalikan sana ito sa noo pero natigilan siya dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rafael.
"What are you trying to do?" Nagdidilim ang mukhang tanong ni Rafael.
"Do I lose the right to kiss my sister on her forehead?"
Biglang napangisi si Rafael.
"Malay ko ba kung balak mo siyang halikan sa labi niya," sagot niya saka lumapit sa kinaroroonan nito. "I know you had feelings for her..." bigla ay naging seryoso ang tinig niya.
"Who told you?"
"I just learned and you're so obvious, Zandro. Kahit noong una pa lang kayong nagkita ni Alegria hanggang ngayon, hindi nagbago ang klase ng pagtitig mo sa kanya. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit bigla na lang lumayo ang loob niya sa 'yo na naging dahilan para pumunta siya sa akin pero wala na akong pakialam doon. Maybe I should be thankful. Kung hindi dahil sa ginawa mo ay 'di siya sana lalapit sa 'kin. Pasensyahan na lang tayo Zandro pero akin na muli si Alegria. Hindi na ako papayag na maulit ang ginawa mo noon. Kung kinakailangan na iposas ko ang mga kamay namin ay gagawin ko para hindi mo siya magawang dalhin sa kung saan."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Aktuelle LiteraturWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
