Kabanata 61
KAHIT namumugto ang mga mata ni Cassandra sa kakaiyak ay pinilit pa rin niyang makauwi. Kanina nga ay inaya siya ni Rafael na sumama na rito pero hindi siya pumayag. Buo ang desisyon niyang bumalik sa bahay ni Zandro.
"What the hell was that scene?" Galit na bungad ni Zandro sa kapatid nang makauwi na siya.
Nanatili lang na tahimik si Cassandra at deretsong pumasok saka umupo.
Napabuntong-hininga siya. Alam na niya kung ano ang ikinagagalit nito. Kumalat na sa mga TV stations ang eksenang nangyari sa restaurant. Kanina nga habang nasa biyahe sila ay walang tigil sa pag-ring ang cellphone niya, sunod-sunod ang mga text messages na natatanggap niya kaya naman ini-off na niya iyon, pati sa mga radio stations ay panay pangalan niya at ni Rafael ang bukang-bibig.
"Cassandra!"
"I'm tired. Please, not now." Tumayo siya at akmang tatalikuran na ito nang bigla na naman siya nitong tinawag.
"Alegria..."
Natigilan siya sa pangalang tinawag nito sa kanya.
"May naaalala ka na ba? Tell me."
"If I will say no. Would you believe?"
"Cassandra—"
"And now you're calling me Cassandra. Ano ba talaga ang totoo kong pangalan?"
Napalunok si Zandro sa tanong na iyon ng kapatid. Wala na. Huling-huli na siya nito.
At ang napanood niyang news tungkol sa nangyari rito kanina sa restaurant ay nagpapatunay na may alam na ito. Kasama pa nito si Lemuel at Rafael.
Damn! Si Rafael! Nasabi na niya kay Cassandra ang totoo...
"So? Wala ka masabi? Ako meron akong sasabihin." Sabi nito saka inilang hakbang ang lalaki at isang malutong na sampal ang binigay niya sa pisngi nito.
"What the—"
"Alam mo bang kulang pa 'yan sa nararamdam kong sakit ngayon? Ito, itong puso ko masakit dahil ni isang alaala sa anak ko, hindi ko maalala. Ni hindi ko alam kung anong paborito niyang laruan, pagkain, kung ano ba ang gusto niyang kulay. Ni hindi ko man lang maalala kung paano siya lumaki sa piling ko."
"Listen, I have reasons to—"
"What are your reasons? Tell me. Dahil ba gusto mong ilayo ako kina Adolf at Rafael? Alam mo dahil sa ginawa mong 'yan, pati ang anak ko nilayo mo sa 'kin. Bakit? Bakit hindi mo siya kinuha? Bakit naglagay ka ng ibang memory sa isip ko?"
Hindi makapagsalita si Zandro. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan ang ganitong pagkakataon, hindi niya napaghandaan ang ganitong komprontasyon.
"Alam mo ba kung gaano ako kagalit sa 'yo? Galit na galit ako pero pinili kong umuwi pa rin dito dahil gusto kong malaman mo na alam ko na ang lihim mo."
"Casa—"
"Tell me, paano maibabalik ang mga alaala ko."
"Your case is permanen. Wala na akong magagawa sa sitwasyon mo."
"Liar!" Bulyaw niya rito. "Doctor ka 'di ba? Ikaw ang gumawa sa 'kin nito."
"I said its permanent! Damn it! Bakit ang hina ng ulo mo ngayon?" Tuluyan na rin nag-burst out si Zandro. "Bakit mo pa gugustuhing bumalik ang alaala mo? Masaya ka na bilang si Cassandra. Gusto mo bang bumalik ka sa dati na palaging inaapi at inuuto ng kung sino? Gusto mo ba iyon? Gusto mo bang maging mahina ulit?"
"Ang gusto ko lang ay maalala ko ang anak ko. Mahirap ba ibigay iyon?"
Marahas na napabuntong-hininga si Zandro saka napakamot sa ulo.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Ficción GeneralWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
