Kabanata 23
TAHIMIK lang na nagda-drive si Rafael. Ayaw niyang magsalita, dahil kapag nagsalita siya ngayon panigurado ay hindi niya makokontrol ang sariling emosyon. Galit siya. Galit na galit. Pakiramdam niya kanina, noong nakita niya si Alegria na pababa ng hagdan habang naka-expose ang mga hita nito ay tila siya isang tanga. Pakiramdam niya ng sandaling iyon para siyang pinaglaruan, para siyang bata na kinukuha ang laruang hiniram.
"T-teka, hindi yata ito ang pauwi sa atin..." unti-unti ay naglaho ang boses ni Alegria dahil sa sama ng titig ni Rafael sa kanya nang binalingan niya ito.
"Just shut up. Huwag ka na lang magsalita." Mahinahon pero dama niya sa timbre ng boses nito ang tila pigil na galit nito.
Napayuko na lang si Alegria. Sabi na nga ba at ganito ang mangyayari. Kahit hindi nito sabihin ay alam na alam na niya ang tumatakbo ngayon sa utak nito.
"Baba na." Utos nito sa kanya nang huminto ang sasakyan nila.
Tumingin lang siya saglit rito saka tumingin sa labas ng bintana. Nasa parking lot sila, nang ilibot pa niya ang mata sa paligid ay nakita niya ang isang malaking building. Pamilyar sa kanya ang lugar na ito.
Bigla siyang napakurap. Ito ang condominium building kung saan una silang nagkita ni Rafael. Sa pad nito na siyang dahilan kung bakit isang masamang babae ang tingin nito sa kanya.
"Bakit tayo nandito?" Tanong niya pero imbis na sumagot si Rafael ay hinampas nito ang manibela saka padabog na lumabas ng kotse. Nagpunta ito sa pwesto at binuksan ang pinto saka siya marahas na nilabas ng sasakyan. "A-aray!" Ang higpit ng hawak nito sa braso niya.
Ngayon ay hinahatak, ay mali, kinakaladkad na siya nito papunta sa entrance ng building. Nakakakuha na nga sila ng atensyon dahil para siyang isang kriminal habang hawak ng isang pulis. Nahihiya na nga siya dahil pakiramdam niya ay isa siyang kawawang babae.
"Give me the key for penthouse." Sabi nito sa receptionist ng building.
Ilang saglit saglit pa at nakapasok na sila sa elevator. Pinindot ni Rafael sa system ang 'P' ibig sabihin ay penthouse. Mahaba-haba ang biyahe nila dahil nasa 25th floor ang penthouse nito.
Habang sakay ng elevator ay parehas lang silang tahimik. Si Rafael ay nasa tapat ng pinto, mirror type ang pinto kaya nakatitig ito kay Alegria na nasa sulok lang habang hinahaplos ang brasong nasaktan.
Pansin ni Alegria na nakatitig ito sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin pero binawi rin niya iyon at yumuko na lang. Napakagat labi siya, sa bawat haplos niya ay ramdam niya ang pananakit roon. Bakit ba ganito? Bakit lagi na lang siyang nasasaktan? May gawin man siya o wala lagi na lang ay may nananakit sa kanya.
"Anong ginagawa mo sa bahay ng lalaking iyon?" Bigla ay tanong nito.
"R-rafael, kung ano man ang iniisip mo, mali iyon. Wala kaming ginagawa. Tinulungan lang niya ako." Paliwanag niya pero ngumisi lang ito habang napapailing na para bang nagsisinungaling siya. Nagsasabi siya ng totoo. Bakit ayaw nitong maniwala?
"Sa tingin mo Alegria, maniniwala ako sa iyo? Sa suot mong iyan?" Bigla ay humarap ito sa kanya.
Agad namang napaatras si Alegria, mas lalo pa siyang sumiksik sa sulok na para bang makakapagtago siya mula sa mga mata nitong nag-aalab sa galit.
"R-ra—ay!" Napatili siya dahil bigla nitong hinablot ang suot niyang damit, sinira nito iyon hanggang sa mahati sa gitna. Nakita niyang ngumisi ito habang nakatingin sa dibdib niyang walang anumang suporta.
"See? You wore nothing but a piece of clothe." Tukoy nito sa underwear niya. "Tell me, sinong nagpahiram niyan?" Sabi nito saka siya niyakap ng mahigpit. Mas isiniksik pa siya nito sa sulok. "Ang lalaking iyon ba? Pinasuot niya sa iyo 'yan o siya ang nagsuot sa iyo?"

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Fiksi UmumWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)