Kabanata 67
PATINGIN-TINGIN si Lorraine sa kanyang relo. Paano ay halos kalahating oras na siyang naghihintay. Ang sabi niya kay Elaine ay dumating ng saktong ala-sais ng gabi pero 6:30 na ay wala pa rin ito.
Napahampas siya sa kanyang manibela. Kailangan na niya ang kanyang plane ticket papuntang France para makaalis na siya. Hindi naman siya papayag na mahuli ng mga pulis rito. Sira na nga ang career niya, mas masisira pa lalo. Hindi siya papayag!
Marahas siyang napabuntong-hininga, nangangawit na siyang umupo rito sa loob ng kanyang kotse. Urgh! Kung hindi lang dahil sa mga pulis na kanina ay dumating sana ay nasa loob siya ng kanyang kwarto at nakahiga.
Napabuntong-hininga siya saka napasandal sa kinauupuan niya. Mabuti na lamang at nakita niya agad ang mga pulis na iyon kaya siya nakatakas. Dumaan siya sa likod bahay at doon ay pinaharurot ang kotse palayo sa bahay.
Kanina ay sinubukan niyang tawagan ang kanyang kapatid na si Adolf dahil may hinala siyang ito ang nagsumbong sa mga pulis tungkol sa pag-kidnap niya kay Alegria.
Imposible naman kasing ang babaeng iyon. Ni hindi nga niya nakita ang mukha ko.
Pero hindi niya ito ma-contact. Sa tingin nga niya ay nagtago na ito at iniwan na siya. Ang magaling niyang kapatid! Iniwan na lang siya basta!
Ilang sandali pa siyang naghintay at dumating na rin si Elaine. Mabilis siyang lumabas ng kanyang kotse para salubungin ito pero nang makalapit na siya ay isang mag-asawang sampal ang binigay nito sa kanya.
"What the heck?!" Galit niyang sigaw rito. "What's your problem?"
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kaya ka hinahanap ng mga pulis?"
"Of course I know! Sinabi lang naman ni Kuya Adolf na—"
"Stupid! Paano ka ipapahamak ni Kuya kung patay na siya?" Galit na sabi ni Elaine saka muling nangilid ang luha.
"You're joking, right?" Natatawang sabi ni Lorraine anyong hindi naniniwala.
"I'm not. Kakagaling ko lang sa morge. Wala na siya. Nagpakamatay siya para hindi niya masaktan si Alegria." Pigil na pigil si Elaine para hindi kumawala ang halo-halong emosyon sa kanyang dibdib.
Bigla namang napalunok si Lorraine sa sinabi ni Elaine. Minasdan niya ito ng maige para tingnan kung tinitrip lang siya nito o baka naman nasa paligid lang si Adolf at ginu-good time siya pero hindi. Totoong mga luha ito.
"N-nagpakamatay? Pero bakit niya gagawin iyon?"
"Dahil mahal niya si Alegria," sagot nito saka pinahid ang sariling luha. "Alam mo, Lorraine, hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko sa 'yo ngayon dahil ni minsan hindi ka naman totoong nagmahal."
"Hindi totoo 'yan! Minahal ko si Rafael!"
"You never loved Rafael. It is just your pride kaya mo nasasabing mahal mo siya at gusto mo siyang bumalik sa 'yo. If you really love Rafael then you should love Azalea. Anak niyo siya 'di ba? But you never love her. Palagi mo siyang sinasaktan, sinisigawan, at sinasabihang malas siya. Simula noong pinanganak mo si Azalea ay kami ni Kuya Adolf ang nag-alaga sa kanya. You never really care about what Azalea would feel. Tell me, kailan mo ba siya huling niyakap?" Tanong niya pero bigla na lang siyang natawa. "Mali yata ang tanong ko. Ni minsan pala hindi mo siya nagawang yakapin, kahit noong baby pa. Ni hindi nga siya nakatikim ng breastfeed mula sa 'yo dahil natatakot ka na baka malosyang ang mga dibdib mo."
"Elaine..."
"Ngayong wala na si Kuya Adolf sino na lang ang iiyakan niya kapag sisigawan at sasaktan mo? Paano na ang anak ni Kuya kay Alegria? Paano na si Pious? Siguradong iiyak ang mga iyon. God! Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila. Napakabata pa nila pero kailangan na nilang maranasan ito. This is all your fault. Kung hindi ka sana nainggit, kung hindi mo sana pinairal ang pagganti mo sa kanya sana ay buhay pa si Kuya. Dapat sana ay kasama natin siya."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
