NAPALUNOK na lang si Alegria matapos isara ni Adolf ang pinto ng hotel room.
"Come here..." hinila na siya nito para maupo sa gilid ng kama.
Hindi niya alam kung paano sila nakarating dito na hindi man lang siya tumututol, hindi niya alam kung paano ngayon ay katabi niya ito habang isa-isang binubuksan ang butones ng kanyang damit. Napapikit na lang siya nang mariin. Nababaliw na siya.
"You smell good..." sabi nito matapos amuyin ang leeg niya saka hinalikan iyon.
Napalunok na lang siya nang maramdaman ang labi nito sa leeg niya. Sinisimulan na rin nitong hubarin ang suot niyang blouse, sinunod na rin nitong ibaba ang strap ng kanyang brassiere.
"Pretty shoulder..." nangislap ang mata nito nang makita ang balikat niya pagkuway hinalikan din nito iyon. "...and I love your cleavage..." at bumaba ang halik nito sa pagitan ng kanyang dibdib. "I also love your natural skin tone. A filipina's skin..." dagdag pa nito saka siya inihiga sa kama.
Nakapikit pa rin si Alegria. Wala siyang pakialam sa sinasabi nito, para nga siya wala ng naririnig. Nagmimistula na siyang bingi, tila wala na rin siyang buhay habang nararamdaman ang halik nito. Nanlalamig ang mga kamay niya at kay lakas ng kabog ng kanyang puso.
"I always dream making love with you, do you know that?" Tanong nito pagkuway hinalikan ang kanyang labi. "Do you hear me?" Muling tanong nito at hinalikan ulit ang labi ng babae pero nananatili iyong tikom, mariing nakatikom habang naninginig pa. "Alegria?" Tinitigan pa niya ito at nagulat pa siya sa nasaksihan. Ang katawan nito ay nanginginig habang ang mga mata nito ay may lumalabas ng luha kahit pa nga mariin rin iyong nakapikit.
Napabuntong-hininga siya pagkuway umalis na sa pagkakadagan rito. Itinayo rin niya ito at siya na mismo ang nag-ayos sa damit nito.
Samantala ay nabigla naman si Alegria sa ginawa nito. Napatitig na lang siya sa mukha nito na bakas ang pamamawis sa noo dahil sa naudlot na pagnanasa.
"Hindi dapat kita pinilit ngayon. Patawarin mo ako." Sabi nito pagkuway napa-face palm at nag-iwas ng tingin sa kanya.
Mas lalong nabigla si Alegria sa narinig dito. Is he acting? If yes then he is a good actor. Napapaniwala na siya nito! Pero sa tingin naman niya ay hindi ito umaarte. Ngayon pa nga lang ay pwede na siya nitong sapilitang angkinin, wala siyang laban lalo na at nandito sila sa loob ng kwarto. Pero anong nangyari? Bakit ito tumigil?
"Tara. Aalis na tayo dito." Tumayo ito at inalalayan pa siyang makababa ng kama. Tinitigan pa siya nito ng ilang sandali pagkuway pinunasan ang luha na nasa gilid ng kanyang pisngi. "Let's go." At inakay na siya nito palabas ng kwarto.
Dumeretso sila sa parking lot ng hotel at sumakay ng kotse. Hindi ngayon alam ni Alegria kung saan siya nito dadalhin. Dapat ay natatakot siya. Paano kung patayin siya nito? Napailing siya sa huling naisip. Kung balak man siya nitong patayin ay siguradong pagsasawaan muna siya nito. Ganoon naman ang mga utak demonyo, 'di ba?
"We're here..." bumaba ito ng kotse at pumunta sa pwesto niya para pagbuksan siya ng pinto. Muli ay inalalayan siya nitong makalabas. Nakapagtataka talaga ang ugali nito ngayon. Malayo sa kaninang Adolf na bina-blackmail siya.
"A-anong gagawin natin dito?" Tanong ni Alegria. Paano ay nasa tila isang bakanteng lote sila, hindi naman nakakatakot kahit sabihing bakante dahil natatanglawan ng liwanag ng buwan ang buong paligid. "T-teka..." sabi niya pero hinila na siya nito sa harapan at doon ay naupo sila sa ibabaw ng sasakyan. Wala pa naman itong ginagawang masama sa kanya pero hindi niya maiwasang kabahan. Nasa bakanteng lote silang dalawa, paano kung tama ang hinala niyang baka patayin siya nito dito? Baka nga dito na siya ilibing pagkatapos patayin. "A-adolf..."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
