Kabanata 58

13.3K 272 14
                                        

Kabanata 58

MASAYANG pinagmamasdan ni Lola Toryang ang bughaw na kalangitan. Nasa ilalim siya ngayon ng isang mayabong na puno habang ang nurse na kasama nito ay nandoon sa malayo at nakikipag-text sa textmate nito.

Tatawa-tawa ang nurse na iyon nang maabutan ito ni Cassandra. Agad ay nilapitan niya ito at sinabihang iwan na nito ang matanda sa kanya.

"Lola..." tawag ni Cassandra rito at tila doon lang din siya napansin nito.

"Ay, ikaw pala Aleg—e, C-cassandra pala..." alanganing ngumiti ito sa kanya.

Napabuntong-hininga naman ang dalaga pagkuway lumunod sa harapan nito saka ito niyakap.

"Tawagin niyo na po akong Alegria kung 'yan po ang nakasanayan niyong itawag sa 'kin..."

"A-ano?" Gulat na sabi nito. "T-teka lang, apo. Anong—"

"Nagkita po kami ni Rafael, sinabi niya ho sa 'kin ang lahat, nagkwento siya tungkol sa nakaraan ko."

"Ibig ba sabihin ay may naaalala ka na? Bumalik na ba ang alaala mo?" Naiiyak na tanong nito saka masuyong hinawakan ang mukha niya.

"W-wala po, e. Pero may mga imaheng pumapasok sa isip ko ang kaso hanggang doon lang. Gusto kong maalala lahat. Lola, ang sabi ni Rafael ay may anak ako."

"Si Lemuel! Oo anak mo 'yon. Nasa poder siya ni Adolf. Pasensya na dahil wala akong nagawa para maisama siya." Malungkot na sabi nito. "Pero sabi ng kapatid mo ay kukunin niya daw ang anak mo para—"

"Hindi niya ho gagawin iyon. Pero huwag ho kayong mag-alala, Lola. Pupuntahan ko siya. Actually, nakita ko na pala siya." Bigla siyang napangiti nang maalala ang unang pagkikita nila ng bata. "Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa batang iyon, anak ko pala siya."

"Hija, paano mo kukunin ang apo ko? Nasa poder siya ni Adolf... ang lalaking—"

"Gumahasa sa 'kin? Hindi ho ako natatakot sa kanya. Actually, nagkita na kami at wala naman akong naramdamang takot. I think, nagbago na siya."

"Pero, hija..."

"Kahit ako hindi makapaniwala na I was raped pala before pero wala akong naramdaman na takot or what basta ang gusto ko lang ngayon ay magkita kami ng bata."

"Paano si Zandro? Alam na ba niya?"

"No. Wala siyang alam kaya dapat po ay wala kayong sasabihin sa kanya." Paalala niya rito...

_____

MALALIM na ang gabi nang maalala niyang dapat ay tatawagan niya pala si Rafael. Mabilis ay dinampot niya ang cellphone at dali-daling ini-dial ang number ng lalaki.

"Rafa—"

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Nag-aalala na ako sa 'yo dito. Damn! I'm glad you called dahil kung hindi ay susugod ako sa bahay ni Zandro para kunin ka." Galit na bungad ni Rafael.

"Oh! You're so sweet naman!" Napangiti siya pagkuway umupo sa kama saka kumuha ng unan at niyakap iyon.

"I'm dead serious, Alegria." He sighed. "Kumusta ka dyan? Bakit ngayon ka lang tumawag?"

"I'm sorry na nga. E, kasi naman nawili ako sa pagkukwento ni Lola Victoria about my past. Alam mo para pala akong si Cinderella noon."

Natawa naman si Rafael.

"Hindi ka man lang ba nabigla na dati kang naging taong grasa? Na natutulog ka pala sa sa kalye?"

"Not really. Wala naman akong naalala e."

"Alegria..."

"But I'm admiring my past. Biruin mo, nakayanan ko ang lahat ng iyon? My God! Isipin ko pa lang ang lahat ng iyon ay feeling ko hihimatayin na ako. O, bakit natahimik ka? Di mo ba ako nami-miss?" Untag niya rito.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon