Alegria on multimedia. Is she pretty?
Kabanata 34
NAGPASYA si Alegria na tingnan ang kalagayan ni Lorraine. Well, kahit naman napakasama ng ugali nito at kahit pa nga sinaktan sila nito the fact is, kasalanan niya kung bakit dinugo ito kanina. Hindi niya masasabi na nag-aalala siya para kay Lorraine pero nag-aalala siya para sa batang dinadala nito. Kahit naman papaano ay ayaw niyang mawalan ito ng anak, isa pa ay anak ni Rafael ang dinadala nito. Ayaw naman niya na sa pangalawang pagkakataon ay mawalan ito ng anak. Ayaw niyang maging doble ang sakit na nararamdaman nito sa pagkawala ng dapat ay anak nila.
She made a deep breath. Nasa tapat na siya ng pintuan ni Lorraine. Ang totoo niyan, kahit gusto niya at bukal sa loob niyang tingnan ang kalagayan nito ay naiinis pa rin siya dahil sa ginawa nito sa lola niya. Kahit naman siguro sino ay magagalit kapag sinaktan ng kung sino ang mga taong mahalaga sa iyo.
Muli ay napabuntong-hininga siya. She was about to knock nang marinig niya ang tila galit na boses ni Lorraine.
"Nakita mo ba ang ginawa ng babaeng malandi na iyon? Muntik malaglag ang anak natin! Pasalamat siya dahil gusto talaga ng baby natin na mabuhay." Sabi nito habang masuyong hinahaplos ang puson. "'Di ba baby? Don't worry, gaganti tayo sa babaeng iyon." Bahagyang lumambot ang boses nito nang kausapin ang anak.
"Dapat ay nawala na lang siya." Walang emosyong sabi nito. "I'm sure na kung mabubuhay siya ay hindi rin siya magiging masaya, with a mother like you? Impossible..." naiiling na sabi ni Rafael. Punong-puno ng disgust.
Samantala si Alegria naman na nasa labas at patuloy pa rin nakikinig ay nanlamig sa sinabi nito. How could Rafael said those words? Dapat nawala na lang ang bata? Ang batang inosente na wala pang kaalam-alam sa nangyayari ngayon?
"Are you serious? Talaga seryoso ka sa sinabi mo noong dapat ay mawala na ito? My God, Rafael! Baby mo ito! Baby natin!"
"I know! But in the first place, hindi dapat nabuo iyan!" Nakasinghal nitong sabi.
"You're impossible!" Napailing na lang si Lorraine. Mukhang hindi na niya pwedeng ipanakot na ipapalaglag ang bata dahil ito mismo ay tinutulak na siya para gawin iyon. "Kamamatay lang ng anak mo tapos ito, gusto mo ulit mamatayan?"
"Wala na akong pakialam kung anong gusto mong sabihin at gusto mong gawin sa batang iyan. But make sure na hindi mo gagamitin 'yan para ipanakot sa akin. Tulad ng sabi ko, wala na akong pakialam sa inyo."
Napaiyak na lang si Lorraine. And her cry was not fake. Nasaktan siya sa sinabi nito. Oo nga at noong una ay binalak niyang ipalaglag ito pero unti-unti na rin niyang natatanggap ito, para sana sa pagmamahal niya kay Rafael pero ngayong sinasabi nitong wala na itong pakialam sa kanila, that breaks her heart into pieces.
Samantala, si Alegria na patuloy pa rin nakikinig ay napakagat-labi na lang. Hindi siya makapaniwala na masasabi iyon ni Rafael. Masama ba itong tao? Mali ba ang pagkakakilala niya rito o sadyang nagbago na ito? Hindi rin niya alam ang tamang sagot. But the fact is, mali ang mga sinasabi ni Rafael. Hindi nito dapat sinasabihan si Lorraine ng ganito dahil sa kalagayan nito. Mali iyon. At ngayong naririnig niya ang paghikbi nito, parang gusto niyang pumasok sa loob para aluin ito.
"Stop crying. Hindi mo ako makukuha sa ganyan. Alam ko na umaarte ka lang." Sabi ni Rafael. Wala man lang emosyon. Napakalamig ng boses nito.
"I'm not acting! I'm hurt..." gumagaralgal na sabi nito.
Napailing na lang si Rafael. "I'm don't believe you..." Iyon lang at lumabas na si Rafael ng kwarto pero laking gulat niya nang mabungaran roon si Alegria.
_____
AGAD na napalayo si Alegria sa may pinto nang maramdaman na lalabas si Rafael. Ang totoo niya ay binalak niyang tumakbo kanina, parang ayaw niya muna kasing makita ito dahil sa mga narinig mula rito. Pero naisip niya na dapat niya itong harapin, dapat niya itong kausapin. Dahil kahit na saang anggulo tingnan ay mali pa rin ang mga sinabi nito. Kahit pa nga hindi sinasadya ang pagkakabuo ng batang iyon, the fact is, may nadadamay na isang inosenteng bata.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Ficción GeneralWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
