Kabanata 20
ISANG linggo ang lumipas at patuloy pa rin sa pagpapadala ng mga bulaklak ang kung sino man misteryosong kaibigan ni Lemuel. Mabuti nga at hindi pa siya tinatanong ni Rafael kung bakit laging may dalang bulaklak si Lemuel. But she doubt, siguradong magtataka na ito.
Natatakot na nga si Alegria dahil noong minsang nagpasama siya kay Lola Toryang para sunduin ng personal ang anak ay nakita niya itong kausap ang lalaking iyon. Hindi naman niya namukhaan ang lalaki dahil lagi itong nakasumbrero at naka-shades. Noong tinangka niyang lumapit ay naramdaman ng lalaki ang presensya niya at agad itong umalis. Nagtataka siya kung bakit ayaw nitong magpakilala sa kanila.
Mukha naman mabait ito dahil magiliw na nakikipagkwentuhan ang anak niya doon sa lalaki. Iyon nga lang ay wala pa rin siyang tiwala rito lalo na at hindi pa niya ito kilala ng lubusan.
"What's wrong?" Tanong ni Rafael. Kasalukuyan silang nasa study room. Tinuturuan naman niya itong magbasa ngayon. "Kanina ka pa tulala dyan. Alam mo bang ayaw kong may tumutunganga sa klase ko?" Nakangiting sita niya rito. "Tell me, anong problema mo?
"W-wala naman. Pasensya na..."
"Sigurado ka?" Tumango lang ito bilang sagot. "Anyway, palagi kong napapansin na tuwing hapon ay may dalang bulaklak si Lemuel."
"O-oo nga, e..."
"Sa kanya ba talaga galing iyon o may nagbibigay sa kanya para maiabot sa iyo?"
Napalingon siya rito. Bahagya rin siyang napalunok. Ang timbre ng boses nito ay seryoso at kung magtanong ito ay akala mo ay may ginawa siyang masama. Sabi na nga ba, e. Mapapansin ni Rafael ang mga iyon lalo at wala namang mga tanim na rosas ang garden ng school ni Lemuel nang pumunta siya roon. Halatang binili ang mga iyon.
"R-rafael..." pipiliin na lang niyang maging tapat. Ayaw niya kasing mag-isip pa ito ng kung ano-ano. Siguradong malalaman din nito ang totoo. "Pakiusap, huwag ka magagalit. Ang totoo niyan, may nagpapabigay ng mga bulaklak na iyon. Hindi ko siya kilala pero kaibigan siya ng anak ko." Saglit niyang tiningnan ang hitsura nito. Blangko. Iyon ang nakita niya. Para tuloy ayaw niyang magsalita.
"Go ahead. Hindi ako magagalit."
"N-natatakot kasi ako. Baka masamang tao iyon. Ayoko na kasing mangyari ang—" natigilan na naman siya. Hindi! Hindi niya sasabihin iyon!
"Anong ayaw mong mangyari?" Bahagyang kumunot ang noo ni Rafael. Nararamdaman niya na may gustong sabihin si Alegria pero sinadya nitong pigilan iyon.
"A-ang ibig kong sabihin, a-ayaw kong mangyari ang mga... k-kidnapping ba iyon? 'Yong kinukuha ang mga bata? Ayaw kong mangyari iyon sa anak ko."
Naningkit bigla ang mga mata ni Rafael. Hindi sapat ang mga sinabi ni Alegria. Parang may kulang pa, e. At gusto niya itong pigain pero paano? Mukhang ayaw nitong sabihin iyon.
"Ah, Rafael, sunduin natin mamaya si Lemuel. Siguradong kasama na naman niya ang lalaki iyon. Gusto ko lang na siguruduhing mabuting tao ang kaibigan ng anak ko."
Tumango lang si Rafael. Kitang-kita niya ang pagkabahala sa mukha nito kaya hindi na rin niya masabi na may isang sasakyan ang umaaligid sa lugar nila. Baka mas lalo lang itong mag-alala...
______________
"WE'RE here..." sabi ni Rafael matapos i-park ang kotse. Nasa school na sila ngayon. Nagpasya silang pumunta roon isang oras bago ang uwian ng mga bata para magmatyag sa paligid. Alam nila na baka nasa paligid lang ito. "While waiting, here. Uminom ka muna." Inalok siya nito ng can beer.
"H-hindi ako umiinom saka 'di ba dapat hindi ka naglalasing dahil magmaneho ka pa?"
Biglang natawa si Rafael. "Lasing agad? Nagpapainit lang ako. Saka pinapainom lang kita niyan para ma-relax ka. Masyado kang tense." Sabi niya habang binubuksan ang can beer ni Alegria. "Inumin mo na ito."

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Ficción GeneralWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)