Kabanata 7
ILANG araw rin tumagal ang bagyo at ngayon ay natapos na ito. Tulad ng inaasahan ay puro mga negative ang binabalita sa news. Mga bahang lugar, mga namatay dahil sa baha, mga nasalantang bayan pero ang mas nakapukaw sa atensyon niya ay nang makita si Rafael na ini-interview ng reporter sa TV.
"Nanay! 'Di ba po si Tito Rafael'yon?" Tanong ng bata.
"Oo anak. Siya nga iyan." Bigla siyang natigil sa pagwawalis nang marinig ang salitang sinabi ng anak. "Pero teka, anong tinawag mo sa kanya? Tito?"
"Opo. Iyon po kasi ang sabi ni Tito Rafael."
Napatango na lang si Alegria at pinanood si Rafael na kalmanteng sinasagot ang mga tanong rito...
"Sir! Bakit niyo naman po naisipan na paliparin ang helicopter niyo?" Tanong ng reporter rito.
"Well, gusto ko lang ipakita sa publiko na nagbago na ako from demon Rafael to angelic one. Kung nakita niyo ang footage, may niligtas akong tao. And for me, mas okay na ganito ang mga itinatanong sa akin kaysa naman 'yong about sa criminal case ko before, right?" Natatawang sagot niya kaya pati ang mga reporters ay natawa na din.
"Nasaan na po pala ang mga niligtas niyo?" Dagdag na tanong ng isang reporter.
"Confidential iyon. At saka ayaw ko na rin magulo pa sila sa mga interview niyo."
Napatango-tango naman ang mga reporters na parang sumasang-ayon sa sinabi niya.
Samantala ay napangiti naman si Alegria.
"Hija, bakit nakangiti ka habang pinapanood mo si Seniorito?" Tanong ni Lola Toryang.
"Ay, wala naman po..." bigla niyang iniwas ang tingin sa TV.
"Alegria, sabihin mo nga sa akin. Siya ba 'yong lalaking sinasabi mong una mong minahal?"
"Ah..." napatingin si Alegria sa anak. Mabuti na lang at busy ito sa panonood ng TV. "Opo. Pero matagal na po iyon." Sabi na lang niya kahit ang totoo ay hindi naman nawala iyon.
"Nanay! Tingnan mo! May humalik po kay Tito Rafael!"
Agad ay napatingin sina Alegria at Lola Toryang sa TV. Doon ay nakita nila si Rafael habang may kahalikang babae.
Sa anyo ng mga ito habang magkalapat ang mga labi ay akala mo nasa private room ang mga ito dahil wala silang pakialam kahit na nagkikislapan na ang mga lens ng camera at kahit pa live interview iyon.
Sa nakita ni Alegria ay parang sinaksak ang puso niya. Kanina lang kasi, bago ito umalis ay hinila siya nito sa kwarto at masuyong hinalikan. Hindi pa ito nagkasya roon at muli naman siyang inangkin nito. Ginawa niya ang lahat kanina para ma-satisfy ito pero hindi pa yata sapat iyon dahil wala pa ngang 24 hours matapos siyang angkinin nito ay ngayon meron na itong kahalikan.
Then anong mangyayari pagkatapos ng eksena ng mga ito sa TV? Pupunta ang mga ito sa hotel at doon itutuloy ang dapat na mangyari?
Napailing siya. Yes. She's jealous. Pero wala siyang karapatan para maramdaman ito. Wala naman silang relasyon ni Rafael. Well, maybe just in his bed. Hanggang doon lang.
Agad niyang kinuha ang remote control at nilipat ang channel sa cable para makapaniod ito ng cartoons.
"Nanay..."
"Hindi dapat nanonood ang mga bata ng mga ganitong eksena."
Napanguso na lang si Lemue. Kapag ganito ang asal ng anak ay alam niyang nagtampo ito.
"Sige na anak, manood ka na lang ng cartoons, ha? Tapos mamaya ipagluluto na lang kita ng meryenda."
Marahan lang na tumango si Lemuel.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)