Kabanata 64

12.7K 240 16
                                        

Kabanata 64

"DAMN! Ano pa bang ginagawa ng pinsan mo? Dapat ay pasukin na natin ang bahay ng mga iyan, siguradong dyan nila tinatago si Alegria!" Iritadong sabi ni Rafael habang pasilip-silip sa bahay ng mga Eleazar.

Nasa 'di kalayuan sila nakapwesto sapat para makita nila kung sino ang maglalabas-pasok sa bahay na iyon.

"Alam ni Seran ang ginagawa niya. We just need to wait for him," sagot ni Zandro at tumitingin din sa bahay na iyon.

Nasa loob kasi niyon si Seran. Palihim itong pumasok roon at hindi nila alam kung bakit kailangan na palihim pa kung pwede namang pasukin na lamang iyon. Pero ang sabi kasi ng binata sa kanila kanina ay may naisip itong paraan para malaman nila agad kung nasaan si Alegria na hindi na kailangan pang tanungin ang mga ito. Damn! Paano naman nila magagawa iyon?

Napailing na lang si Rafael saka napahampas sa manibela. Ilang saglit pa ay nakita nilang may dumating na pulang kotse. Minasdan nila iyon at doon ay nakita nilang bumaba si Lorraine.

"Damn! Baka mahuli si—" natigilan si Rafael sa ibang sasabihin dahil biglang sumulpot si Azalea. Masuyo itong yumakap kay Lorraine pero tila nandidiring tinulak nito ang bata dahilan para matumba ito sa lupa.

"Shitty kid! Dudumihan mo po itong dress ko!" Mataray na sabi ni Lorraine saka nilagpasan si Azalea na umiiyak.

Nakuyom na lang ni Rafael ang kamao. Bigla niyang naisip kung dati na ba ganito si Lorraine sa kanilang anak? Kung oo man ay napakalaki pala ng kasalanan niya sa anak dahil hinayaan niya itong lumaki sa piling ni Lorraine. Damn! Wala siyang kaalam-alam na ganito ang sinasapit ng kanyang anak sa babaeng iyon.

Minasdan pa niya ang anak pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Ni wala man lang tumutulong rito para makatayo mula sa pagkakahandusay sa lupa. Umiiyak pa rin ito at ayaw niyang makita na nasa ganoong sitwasyon ang anak kaya naman lalabas siya at itatayo ito, yayakapin niya ito ng buong higpit at pupunasan ng daliri niya ang munting pisngi ng anak.

"Where the hell do you think you're going?" Pigil sa kanya ni Zandro.

"Damn! Hindi mo ba nakita? Itatayo ko ang anak ko!"

"Kapag lumabas ka at tinulugan ang batang iyon baka may makakita sa loob ng bahay na iyan. Masisira ang plano ni Seran!"

"Pero—"

"Mas mahalaga ngayon si Cassandra. Kailangan na mahanap natin siya agad at mabawi."

Naging tikom na lang ang bibig ni Rafael habang buong higpit ang hawak sa manibela. Pinigil niya ang sarili para hindi lumabas sa kotseng iyon. Tama naman kasi si Zandro. Mas mahalaga sa ngayon si Alegria.

I'm so sorry, Azalea. Hindi man lang kita kayang itayo dyan... I'm sorry, anak... but I promise, babawiin kita sa babaeng iyon. Kung ganyang sinasaktan ka pala niya ay mas mabuting kunin na talaga kita.

Mayamaya ay nakahinga na rin ng maluwag si Rafael may dumating na kasing maid at tinulungan si Azalea para makatayo.

"Your daughter is cute. I'm quite sure someday a lot of men will try to get her heart up." Puri ni Zandro sa anak ni Rafael.

Napatango na lang si Rafael. Ilang sandali pa ay dumating na si Seran. Mabilis itong pumasok sa sasakyan at inutusan si Rafael na paandarin na ang kotse palayo sa lugar na iyon.

"Paano si Alegria?" Tutol ni Rafael.

"Trust me, makikita rin natin siya."

Wala ng nagawa ang binata kundi ang sundin ito.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon