Kabanata 33

17.6K 309 32
                                        

Kabanata 33

"ALEGRIA!" Si Rafael ay agad na napalapit sa kanya at inusisa ang hitsura niya. "Oh, God! Ang dami mong sugat sa mukha."

"H-hindi ko sinasadya..." pero walang pakialam si Alegria sa kung anong hitsura niya ngayon, maluha-luha siya habang nakatingin sa mga hita ni Lorraine  na inaagusan ng dugo.

"I know. Don't cry..." alo niya rito pagkuway mahigpit itong niyakap.

"Damn it, Lorraine! Ano na naman kasing kagagahan ang ginawa mo?" Sita ni Adolf sa kapatid.

Napasugod siya dito matapos siyang i-inform ng isang nurse tungkol sa away ng mga ito. Mabuti na lang at kilala siya ng mga ito kaya agad siyang natawag. Si Rafael naman ay nakasalubong niya sa pasilyo, agad din niya itong sinama para may kasama si Lorraine.

"Oh, my God! I'm bleeding!" Samantalang si Lorraine naman ay namumutla habang hawak ang sariling puson. "Bitch! Kapag may nangyaring hindi maganda sa baby ko, I swear, gaganti ako sa iyo! Oh, my! Can someone help me!"

"It's your fault! Bakit ba kasi nasa labas ka at nang-aaway?!"

"Oh, God Kuya! Stop scolding me! I'm having a miscarriage, can't you see?" Nakangiwi nitong sabi habang tinitiis ang sakit ng puson.

"Damn!" Napamura na lang si Adolf habang may pagmamadaling binuhat na niya ito at inihiga sa stretcher na kadarating lang. "Save them, please!" Habilin niya sa mga nurses na naghatid sa kanyang kapatid.

Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin niya dahil idineretso na ng mga ito si Lorraine sa E.R. Saka lang niya napansin na yakap-yakap pala ni Rafael si Alegria na umiiyak habang sinasabi na hindi nito sinasadya ang nangyari. He breathed harshly. Dapat pala nang makasalubong niya ito kanina ay hindi na niya ito sinama, 'di sana siya ngayon ang umaalo sa babae.

"Hoy! Bakit hindi ka sumunod doon?" Baling niya kay Rafael. "Nasa panganib ang mag-ina mo."

Wala na sanang balak na pansinin ni Rafael ang sinasabi ni Adolf pero bigla namang kumalas ng yakap si Alegria sa kanya.

"Why?" Takang tanong ni Rafael.

"Puntahan mo na siya. Kailangan ka niya..." nakayuko niyang sabi.

"What? Ano bang—"

"Rafael, alam ko na. Ikaw ang ama ng dinadala ni Lorraine."

"No! Mali ang—"

"Stop lying at her." Salo ni Adolf sa ibang sasabihin ni Rafael. "C'mon! Huling-huli ka na, lumulusot ka pa." Nakangisi niyang sabi.

"Damn you!" Akmang susugurin ni Rafael ang lalaki pero bigla namang humarang si Alegria.

"Sige na, pumunta ka na roon..." pakiusap niya. Wala namang nagawa si Rafael kundi ang sumunod na lang. Hindi rin naman niya alam kung paano magpapaliwanag ngayon. Damn! Paano nito nalaman ang tungkol roon? At bakit tila hindi siya pinapaniwalaan nito? Napailing siya. Masama man isipin pero dinadalangin niya na sana ay napahamak si Lorraine, ayaw niyang ito lang ang maging dahilan para mahiwalay sa kanya si Alegria...

_____

"PASENSYA ka na apo, napaaway ka pa tuloy ng dahil sa akin..." naiiyak na sabi ni Lola Toryang habang hinahaplos ang nasugatang pisngi ni Alegria.

Nakahiga na sa hospital bed si Lola, kanina nang makaalis na si Rafael ay bigla naman itong nahimatay, sabi ng doktor na tumaas lang daw ang dugo nito.

"Ayos lang po ako, Lola. Saka dapat lang na ipagtanggol kita. Mali naman po kasi ang ginawa ng babaeng iyon..."

"Salamat, apo..."

"Alegria, Lola, ako na ang humihingi ng despensa sa ginawa ng kapatid ko. I'm really sorry sa inasal niya."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon