Kabanata 36
"WHY are you here?" Mataray na tanong ni Lorraine nang makitang papasok si Rafael sa kanyang kwarto. "Doon ka na sa babaeng malandi na iyon."
"Lorraine, don't call her that way. Dapat ka pa ngang magpasalamat sa kanya. Kung hindi dahil kay Alegria ay wala sana ako dito."
"So?"
"I'm here to apologized for all the words I said. I realized na mali ang mga sinabi ko."
"Oh? Really? So, are you here kasi sasabihin mo na naman na aakuin mo na itong baby ko? Na pananagutan mo na ako, iyon nga lang hindi mo ako pakakasalan kasi mas mahal mo si Alegria?" Sarcastic na sabi nito. "Know what, Rafael? There are two words I want to say right now. Damn you! I don't need you anymore kung 'yan lang din ang sasabihin mo. Anyway, pwede ka na nga umalis ngayon. Iwan mo na ako. Promise, hindi ako susunod." Dagdag pa nito habang nagkakalikot sa cellphone nito.
Bigla namang nangunot ang noo ni Rafael. Ano na namang kalokohan ang meron sa babaeng ito?
"Lorraine, wala akong panahon para sa mga kalokohan mo ngayon."
"Kalokohan? Ano ka ba? Seryoso kaya ako sa sinasabi ko." Natatawa nitong sabi. "Umalis ka na. I'm pretty sure naman na after mong sumama sa kanya ay makakaganti rin ako on my own ways."
Mas lalong nangunot ang noo ni Rafael.
"Ano bang sinasabi mo ngayon? Makakaganti ka kay Alegria?"
"Yes! Look at this..." at itinapat nito ang cellphone sa kanya. "Watch it. Siguradong matutuwa ka."
At pinanood nga ni Rafael ang nasa cellphone. Hindi nagtagal ay kinuha na rin niya iyon at pinakatitigan ng maige. Tama nga ang nakikita niya. Sila ni Alegria ang nasa video. Ito ang unang araw na nakita niya itong muli.
Damn! Paano niya nakuha ito? Bulong niya. Nagtataka siya dahil ang alam niya at ini-delete na niya ang video na iyon.
"Alam ko na nagtataka ka. Saan ko nakuha iro?" Nakangising sabi ni Lorraine saka kinuha ang cellphone kay Rafael. "Well, sa tingin mo sasabihin ko?"
"Damn you! Give that phone to me!" At akma na sana niya itong kukunin pero biglang nilayo ng babae ang phone.
"And why?" Natatawa nitong sabi. "Balak mo ba i-delete ito?" Tinaas pa niya ang cellphone at talagang inaasar siya. "O, sige, okay lang. I already have the copy. Take note, I have a hundred of copy. Alam mo, balak ko ito ipamigay... o, ibenta ko na lang kaya?"
"Mapapatay kita kapag ginawa mo iyon." Seryoso nitong sabi. Damn! Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung paano nito nakuha ang video. He already deleted the video. Hindi naman niya kasi gawain na kumuha ng video ng mga nakakatalik niyang babae. He knew it was a rude. At hindi na rin niya kailangan ng mga video na iyon pero noong muli silang nagkita ni Alegria ay naisipan niyang kuhanan ng video ang pagtatalik nila. Pang-asar lang sana niya iyon para kay Alegria pero hindi niya akalain na hahantong sa ganito. Hindi niya akalain na babaliktad ang sitwasyon at siya ang maiipit ng dahil sa unethical video na ginawa niya.
"Really?" Pero hindi pinansin ni Lorraine ang pagbabanta nito. Tumawa pa nga ito. "Then gawin mo na ngayon. But I'm warning you. Sa oras na patayin mo ako ngayon, kakalat ang video niyo ng malanding babae na iyon. So, what now?"
Pigil na pigil si Rafael sa kinatatayuan niya habang kuyom ang kamao. Anong karapatan nito upang takutin siya? Anong karapatan nitong pagbantaan si Alegria? Lorraine is a perfect witch. A witch who can destroy anything he have. Si Alegria ang meron siya ngayon at hindi siya papayag na masira sila ng babaeng ito. Kung kinakailangan na patayin niya ang babaeng ito ay gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
