Kabanata 14

25.2K 425 23
                                        

Author's Note: Sana mabasa niyo po ang Unwritten Memories. Sa lahat ng story na ginawa ko, ito ang pinakamahaba na umabot ng 100+ chapter. 🤣 Maganda yong story, syempre gawa mo iyon, e. 😅🤣 Basahin niyo, please. Salamat. 😘

Kabanata 14

MADALING natupok ng apoy ang nanlalamig na gabi nina Rafael at Alegria. Ngayon ay kapwa na sila hubad sa ibabaw ng kama habang masuyong humahaplos sa katawan ng isa't isa.

"Ohh..." napaungol na lang si Alegria nang maramdaman niya ang kamay nitong humahaplos roon.

Pero iba naman ang nasa isip ni Rafael. Habang hinahalikan niya ito, habang hinahaplos niya ang katawan nito ay naitatanong niya sa sarili kung ilang lalaki na kaya ang nakakita ng katawan ni Alegria? Ilang lalaki na ba ang nakasama nito? Lahat ba ng halik at haplos na ginagawa niya rito ay nagawa na ng mga iyon? Ang mga ungol at daing ba na naririnig niya mula rito ay narinig na ng mga lalaking iyon? Lihim niyang nakuyom ang kamao, nagagalit siya sa isiping iyon.

"Ah!" Bahagyang naitulak ni Alegria si Rafael dahil masyadong madiin ang pagkakakagat nito sa isang dibdib niya. Pakiramdam niya tuloy ay may sugat siya roon dahil kumikirot pa rin iyon. "Ang sakit, baka magkasugat ako."

"I'm sorry..." patuloy pa rin ito sa ginagawa. Ngayon ay marahan nitong dinidilaan at sinisipsip ang nipple niya.

Gusto ni Rafael na alisin sa kanyang utak ang isiping alam na ni Alegria ang amoy at laway ng iba't ibang lalaki pero hindi niya magawa. Nagpapatunay na isang masamang babae itong nasa ilalim niya dahil sa lumabas na result ng DNA.

Hindi niya anak si Lemuel. Wala ni isang patak ng dugo niya ang nananalantay sa ugat nito. Bakit ba kasi siya umasa na positive ang magiging resulta? Bakit ba siya umasa na baka anak niya ito? E, anak pala ito ng ibang lalaki.

Isa pa iyon sa ikinagagalit niya. Ang isiping baka nagsisinungaling lang si Alegria noong sinabi nitong nagkaroon daw ito ng nobyo at nang malamang nabuntis siya ay hiniwalayan na. Pakiramdam niya ay nanggaling si Lemuel sa isa sa mga naging customer nito, baka nadale ito. Hindi ba at minsan na siya nitong naging customer kaya posible ang iniisip niya.

Muli na naman ang pagbangon ng galit sa puso niya kaya nakagat niya ulit ang dibdib nito.

"Aray!" Napabangon na si Alegria. Tiningnan niya ang kinagatan nito. May bakas pa iyon ng ngipin nito at may dugo rin.

"I'm sorry." Napasuklay na lang ng buhok si Rafael nang makita ang isang dibdib ni Alegria na may sugat. "Pagod lang siguro ako. Balik ka na sa kwarto mo," iyon lang at umalis na siya sa kama at dumeretso sa banyo.

Samantala ay nasundan na lang ni Alegria ng tingin si Rafael. Ibang-iba ito ngayon. Pakiramdam niya ay ibang tao ang humahalik sa kanya. Bakit ganito ito ngayon? Kanina ay napakalambing nito at bawat halik sa kanya ay may sinasabi itong sweet nothings pero ngayon ay tahimik lang ito. Kung kakagatin man siya nito ay hindi iyong masakit at nakasugat na.

Pabuntong-hininga siyang umalis sa kama at hinagilap ang mga damit niyang hinagis nito habang hinuhubaran siya. Lumabas na siya ng kwarto, hindi na siya nagpaalam rito.

_____

"OH, Damn!" Napasuntok na lang si Rafael sa tiles ng banyo. Hindi niya alam kung saan ibubunton ang galit na nararamdaman niya. Umasa siya sa wala! Sabik na sabik na siyang magkaroon ng anak. "Shit!" Muli niyang sinuntok ang tiles.

Marahas siyang napabuntong-hininga. Ano bang kagaguhan ang ginagawa niya? Punching this tiles? Wala naman itong maitutulong sa kanya. Naiiling na binuksan niya ang shower. Pumikit siya at hinayaang dumaloy sa kanyang katawan ang tubig.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon