Kabanata 31
NAPANGITI si Adolf matapos makita ang eksena nina Lorraine at Rafael doon sa garden, he also took a video of it para ipakita kay Alegria kapag nagising na ito. He sighed, hindi pa niya nadadalaw ito dahil lagi itong binabantayan ng kinikilalang Lola nito. Pero okay lang may oras naman sa lahat ng bagay.
Muli siyang napangiti. Unti-unti na niyang ginagawa ang mga hakbang para mapaghiwalay ang dalawa, ni hindi pa nga niya ginagamit ang kanyang alas. And speaking of his alas, papunta siya ngayon sa kwarto ng kanyang anak. Gusto niyang siya ang una nitong makita kapag nagising na.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa kinaroroonan ng kwarto nito. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang matigilan, narinig niya kasing may nagsasalita sa loob. Nang tingnan niya ay nagulat na lang siya dahil nakita niyang naroon si Alegria. Bigla siyang napalunok, nagtatalo kasi ang utak at puso niya; kung lalapitan ba ito o aatras na muna.
Alegria... he sighed, natatakot siyang baka tumakbo ito palayo sa kanya. Noong huling magkita nga sila ay nagtatakbo ito palayo sa kanya, ni hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag kung ano talaga ang nangyari ng gabing iyon. Hindi rin malayong mangyari na tumakbo rin ito ngayon pero ito na ang pagkakataon niya. Solo niya si Alegria ngayon, wala si Rafael na mangingialam sa kanila at higit sa lahat, nandito sila sa loob ng kwarto ng kanilang anak.
He breathed deeply. Tama! Ito na ang pagkakataon niya. Kaya naman bago pumasok ay inayos niya muna ang kanyang sarili. Lihim siyang napangiti, para namang makikipagkita siya sa babaeng nililigawan.
"Alegria..." tawag niya rito. Agad ay lumingon ito sa kanya at doon ay nakita niyang muli ang takot sa mga mata nito...
_____
HINDI alam ni Alegria kung ilang minuto na siyang naroon sa kwarto ng kanyang anak basta ang gusto lang niya ay ang makita at kausapin ito ng kausapin para magising na. Hindi kasi siya mapanatag na nasa ganitong sitwasyon si Lemuel, hindi niya kayang hindi nakikita ang mga ngiti nito at ang mga lambing nito. Gusto niyang maramdaman muli ang munting yakap nito sa kanya.
"Anak, gumising ka na. Miss ka na ni nanay..." sabi niya habang masuyo na hinahaplos ang buhok nito at pisngi nito.
"Alegria..." natigilan siya nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Kahit hindi siya lumingon ay alam na niya kung kaninong boses iyon.
Unti-unti ay lumingon siya sa pinagmulan ng boses at hindi nga siya nagkamali. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa ni Adolf rito at kung paano nito nalaman ang pagkaka-aksidente nila.
"A-anong ginagawa mo rito?" Nagsimula na siyang maging alerto lalo at lumalapit ito sa kanya.
"Please, huwag ka matakot. Gusto lang kitang kausapin." Mahinahon nitong sabi pero hindi naniniwala si Alegria kaya naman kumuha siya ng bwelo, mabilis niyang pinagulong ang wheelchair paabante kaya naman nabunggo niya si Adolf pero sa malas ay bumangga sa kanto ang gulong ng kanyang sasakyan kaya tumaob siya.
"Ah!" Napaigik siya sa sakit dahil mas lalong nalamog ang pasa niya sa may binti.
"Oh, God! Are you okay? Saan ang masakit?" Agad ay napalapit sa kanya si Adolf, mabilis nitong sinisipat kung nagkaroon ba siya ng sugat.
"L-lumayo ka! H-huwag mo akong hawakan! Tulong!" Nagsimula na naman siyang maiyak. Hindi niya talaga kayang makasama sa iisang lugar ang lalaking naging laman ng mga bangungot niya sa gabi. "Huwag mo akong—" natigilan siya dahil bigla siyang kinabig ni Adolf para yakapin.
Nanlalaki ang mga mata ni Alegria nang maramdaman ang init ng katawan nito sa kanya, pati ang mga kamay nitong nasa likod niya. Pakiramdam niya ay niyayakap siya ng isang halimaw.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
