Kabanata 52

13.7K 318 25
                                        

Kabanata 52

"DAMN! Pinatayan na niya ako ng phone!" Halos ay ibato na ni Zandro ang cellphone nang biglang mag beep tone ang cellphone ni Cassandra.

Samantala ay naiiling na lang si Seran habang nakatutok siya sa  kanyang laptop.

"I told you, galit siya sa 'yo dahil sa ginawa mo. Na out of control ka dahil sa kalasingan mo, nagpabaya ka at hinayaan mong lumabas ang totoong damdamin mo sa kanya na alam naman nating mali. Kasalanan mo itong lahat." Seryosong sabi ni Seran.

Napahilamos na lang ng mukha si Zandro at pabalang na napaupo sa katapat na upuan ni Seran.

"I know its my fault. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa." Sagot niya rito. "Nakuha mo na ba ang location niya? Na-track mo na ba ang GPS ng cellphone niya?"

Napatingin si Seran dito at saglit na uminom na kape.

"No. Hindi ko nakuha ang location niya. Nasira yata ang tracking device na ini-install ko sa cellphone niya. But I am trying, don't worry, mahahanap din natin siya."

"Yeah. You should. Sayang na lang ang pagiging secret agent mo kung hindi mo magagawa ng maayos ang ganitong simpleng kaso."

Naiiling na napangisi na lang si Seran. What he said a while ago was a lie. Kanina pa niya na-track ang location ni Cassandra, infact, noong umalis ito kanina ay sinubaybayan na niya ang GPS location nito at ngayon nga ay nalaman na niyang nasa teritoryo ito ni Rafael.

I think this is the right time. Kailangan na naming harapin ang katotohanan...

_____

PAGPASOK pa lang ni Cassandra sa loob ng bahay ni Rafael ay iba na ang pakiramdam niya. Parang nakarating na siya rito. Tiningnan niya ang sofa, ang mga wallings, ultimo ang pagkakaayos ng mga vase at paintings. Ganitong-ganito ang settings na nakita niya sa mga imaheng pumapasok sa isip niya.

"Upo ka muna." Aya sa kanya ni Rafael.

"I-ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong niya nang makaupo.

"Kanina, oo, pero hindi na na ngayon. Kasama kita, e."

Napatango na lang si Cassandra saka napatingin banda doon sa kusina. Parang nakikita niya ang sarili na nagluluto doon, may nakikita rin siyang bata na naglalaro ng kotse-kotsehan.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Rafael.

"Actually, no. This place seems familiar. Parang—"

"Parang nakarating ka na rito? Yes. Nakarating ka na talaga dito. Because you are Alegria."

Bigla namang natawa ang dalaga. "Hindi naman porque sinabi ko na parang pamilyar sa 'kin ang bahay mo ay—" natiigilan sa ibang sasabihin si Cassandra dahil biglang tumayo si Rafael at pumasok sa isang kwarto. Paglabas nito ay may dala na ito. "What's that?"

"Photo album. Tingnan mo para makita mong ikaw si Alegria."

"I know Alegria. Kamukha ko siya, 'di ba? That's why you're calling me Alegria."

"I'm calling you Alegria because you are Alegria. Here, look at these pictures." At isa-isa na ngang pinapakita ni Rafael ang pictures sa kanya.

Minasdan naman iyon ni Cassandra. Isa-isa pa nga. May solo picture ang babae, meron din na nakayakap ito sa lalaki. Habang pinagmamasdan ito ng dalaga ay hindi maipagkakaila na magkamukha sila ng babae. Kahit saang anggulo ay kuhang-kuha, para silang pinagbiyak na bunga.

Ini-check pa niya ang ibang pictures. Napapangiti na lang siya kapag nakikita ang ngiti ng babae sa pictures. Sa mga mata nito kasi ay kitang-kita ang saya rito. Napakaganda din ng mga ngiti nito at talaga namang kumikinang ang mga mata nito.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon