Kabanata 51

12.5K 262 5
                                        

Kabanata 51

DRIVING non-stop ang ginawa ni Cassandra, hindi niya alam kung saan ang punta niya. Basta ang gusto lang niya ay makalayo sa realisasyong tumusok sa kanya. Ang sarili niyang kapatid ay may pagnanasa kanya? What the fuck? Hindi ba ito nandiri sa isiping iyon? Siya nga, ni minsan at kahit kailan ay hindi niya naisip iyon, ni hindi nga pumasok sa utak niya iyon pero ang kanyang Kuya Zandro?

Napailing na lang siya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin siya. Ngayon nga ay parang gusto niyang maligo para mawala ang bakas ng halik at laway ng sariling kapatid. Nandidiri talaga siya.

Napatingin siya sa kanyang cellphone na nasa dashboard ng sasakyan. Tumutunog ang calling alert niyon. Inirapan na lang niya ang cellphone, maaaring si Seran o ang kanyang kapatid ang tumatawag. Pinabayaan na lang niyang tumunog iyon, ayaw niya munang kausapin ang alin man sa mga ito.

Napabuntong-hininga siya. Mabuti na lang at maganda ang calling ring tone ng cellphone niya, hindi siya masyadong maiirita kahit na paulit-ulit pa iyon. Sa katunayan ay sinasabayan pa niya ang kanta roon.

Please forgive me
I know not what I do.
Please forgive me
I can't stop lovin' you

Don't deny me,
this pain I'm going through...
Please forgive me
if I need you like I do.

Please believe me,
every word I say is true...
Please forgive me
I can't stop loving you...

Pagkatapos kantahin ni Cassandra iyon ay parang may sumaging imahe sa isip niya. Na para bang nangyari na itong sakay siya ng kotse habang pinapatugtog ang kantang ito. Pero ang imahe sa isip niya ay iba, parang may isang lalaki na kinakatahan siya...

"Ang ganda ng lyrics ng kanta, 'di ba? It suits our lovestory then." Nakangiti nitong sabi. "Accoustic version 'yan pero para sa 'kin mas maganda ang original. Alam mo ba kung sino ang original na kumanta niyan? Si Bryan Adams. Rock ang original na genra niya. Pero maganda rin naman ang accoustic, ikaw kasi ang kasama ko, mas maganda kung sweet ang music natin."

Bigla siyang napapikit sa kudlit ng alaalang iyon. Parang totoo. Parang nangyari na talaga pero alam niyang imposible naman. Dinilat niya ang mga mata para lang magulat dahil pa-ekis na pala takbo ng sasakyan niya. Mabilis niyang tinapakan ang preno at nang huminto ang sasakyan niya ay ramdam niya ang panlalamig pati ang lakas ng kabog ng puso niya.

And this same feeling. Muli ay may kudlit na alaalang sumagi sa isip niya.

"H-hindi puwede. Ayokong malayo sa anak ko! Ibalik mo na itong sasakyan!" Utos niya rito pagkuway tinanggal ang seatbelt... "Rafael!" Tawag niya rito dahil hindi siya pinapansin nito.

"Bakit ba gusto mo pa manatili doon? Dahil ba sa batang 'yon? Damn it! Isasakripisyo mo ang sarili mong kaligayan nang dahil sa batang iyon? Ang batang 'yon na malayang ginagamit ni Adolf para makuha ka."

"God! Ano ba ang mga imaheng iyon? Adolf? Tapos may isang bata at... si Rafael?"

Napasandal siya sa upuan. Malinaw na hindi lang basta imahe ang mga iyon. Parang totoong nangyari. At gusto niyang malaman ang kahulugan ng mga imaheng iyon.

Tandaan mo, ako lang ang makakatulong sa'yo para maibalik ang mga alaala mo...

Naalala niyang sabi ni Rafael.

"Ano kaya ang ibig niyang sabihin..." sandali siyang nag-isip saka kinuha ang tarhetang binigay nito sa party. Pupuntahan na lang niya ito...

_____

Hindi pa rin makatulog si Rafael. Nakailang shots na rin siya ng iniinom niyang alak pero hindi siya dalawin ng antok. Paano ay umaasa siyang tatawagan siya ni Alegria, ang kaso ay inabot na siya ng alas-kwatro ng umaga pero wala pa din.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon