Kabanata 59

12.2K 263 19
                                        

Kabanata 59

DAMN! Nasasayang ang oras ko dito sa hospital... iritadong bulong ni Adolf. Kakatapos lang siyang i-check ng nurse niya at nang tinanong niya ito kung kailan siya maaaring makalabas, ang sabi nito ay kapag daw nawala na ang cast na nasa braso niya.

Nagkaroon kasi ng fracture ang braso niya dahil sa pagkakabugbog sa kanya.

Marahas siyang napabuntong-hininga. Dalawang araw pa lang siya rito nakaratay sa ospital ay nabuburyong na siya, paano pa kaya kung tumagal pa siya ng ilang linggo?

Shit! Baka kapag nagtagal pa ako rito ay maunahan ako ni Rafael kay Alegria.

Napailing siya. Akala pa naman niya ay dadalawin siya ni Alegria dahil ito nga ang tumulong sa kanya pero hindi. Nasasayang lang tuloy ang oras niya.

Mariin siyang napapikit. Mayamaya lang ay biglang tumunog ang calling alert ng kanyang cellphone.

"Yes, Lorraine?" Sagot niya.

"Hey! Why so serious naman? Ang aga-aga. Anyway, kasama ko ang anak mo. We are on our way to the hospital."

"Okay. I'll wait for you." Agad ay binaba niya ang phone.

Bigla siyang napangiti. Talagang ang anak na lang nila ni Alegria ang nagpapalakas ng loob niya.

Naisip niya tuloy na kung sana ay nasa tabi niya si Alegria para—

Natigil siya sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok roon ang isang tao na naka-over all black suit, naka-shades at naka-cap.

"Who are you?" Pagkuway galit niyang sabi at lihim na naghanda. Paano kung isa ito sa mga dumukot sa kanya at narito ngayon para tuluyan na talaga siya?

"Sshh..." nag-sign pa ito sa kanya para tumahimik tapos ay nakarinig pa siya ng mahinang pag-click ng pinto tanda na ni-lock iyon ng pangahas.

"Sino ka sabi—" kusa na siyang natigilan dahil tinanggal na nito ang suot na shades at cap. "Alegria?"

"Yes. It's me." Nakangiti niyang sabi saka umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ng hospital bed ni Adolf. "How are you?"

"I'm okay... but, wait. May naaalala ka na ba? Bumalik na ba ang alaala mo?" Puno ng pangambang sabi niya.

"No. Hindi pa. Someone told me about my past and I learned that you raped me."

"Alegria—"

"You have nothing to worry, Adolf. I don't remember anything kaya hindi ako natatakot sa 'yo."

Napanganga na lang si Adolf. Hindi makapaniwala na ganoon lang nito kadali na natanggap na ni-rape niya ito noon at hindi rin niya akalain na mabilis itong naniwala sa kung sino man ang nagkwento rito.

Sino kaya ang nagsabi sa kanya? Si Rafael!

"Anyway, I'm here dahil gusto kong makita ang anak ko. Si Pious, he's my son, right?"

"Yeah. He's our son."

"So, can you call him?"

"No need. Pupunta rin siya dito. They are on their way."

"Great!"

"Alegria, totoo bang wala ka ng nararamdamang takot sa 'kin?" Tanong niya. Napatango naman ang dalaga. "Kung hindi ka na pala natatakot sa 'kin, pwede bang maging okay na tayong dalawa? I mean—"

"You want me to be your wife?" Agad ay nahulaan na ni Cassandra ang gustong sabihin ni Adolf. Naisip na niya noong una palang na maaaring magsabi ito sa kanya ng tungkol dito, at hindi nga siya nagkamali. Tama rin ang sinabi ni Rafael sa kanya na malaki ang gusto nito sa kanya.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon