Kabanata 11
"ALEGRIA?" Napatayo agad si Althea mula sa pagkakaupo sa puntod ng anak nang makita ang babae. "Is that you?" Marahan niyang kinuha ang kamay nito at pinisil iyon. "It's you! What happened to you? Bakit nawala ka sa isla noon? Pinuntahan kita pero wala ka doon." Sunod-sunod ang naging tanong niya.
"U-umalis ako doon. Wala na kasi akong kasama kaya nagdesisiyon akong umalis na."
"So, ano ng nangyari sa iyo? May kasama ba ngayon?" Saka napatingin si Althea doon sa kotseng nakaparada hindi kalayuan sa kanila.
"O-oo, may dinalaw lang din kami rito. P-paalis na sana kami kanina pero nakita kita kaya pinuntahan kita." Pagsisinungaling niya. Lihim siyang napangiti. Kahit ganito lang gusto niyang maging asawa si Rafael— kahit pa nagsisinungaling siya.
"May asawa ka na? Sino? Si Rafael ba?"
Oo... pero sa panaginip lang. Gusto niyang sabihin pero sinarili na lang niya. "H-hindi. Hindi ko pa kasi siya nakikita."
"What? Sayang naman. Akala ko pa naman kayo ang magkakatuluyan sa huli." Bigla ay naging malungkot ito. "But then, I'm happy for you. Sa tingin ko nasa maayos ang kalagayan mo. Anyway, gusto mo bang mag-lunch tayo? Actually, kasama ko ngayon si Brix, remember him? 'Yong nagligtas sa akin sa isla? Isama mo na rin ang asawa mo para makilala namin."
"H-hindi na. Nagmamadali kasi kami."
"Ganoon ba? Sayang naman. Anyway, here's my calling card. Please, tawagan mo ako kapag may problema ka." Makahulugang sabi nito.
"B-bakit naman?"
"C'mon, Alegria. I know you're lying. Pero kung sino man ang kasama mo ngayon. Sana ay inaalagaan ka niya."
Napayuko na lang si Alegria. She is really not good on lying. Bali-wala rin pala ang pagsasabi niya na may asawa na siya dahil alam nito na nagsisinungaling siya.
"Salamat dito. Ah sige, mauna na ako." iyon na lang ang nasabi niya. "Hinihintay niya kasi ako."
"Alegria, kapag may problema ka just tell me, okay? Remember, kaibigan mo ako,'di ba?"
Ngumiti lang si Alegria saka umalis na roon. Hindi na niya kayang makipag-usap pa kay Althea. Madali kasi nitong nakikita ba nagsisinungaling lang siya at talagang nahihiya siya dahil agad nitong nahuli na wala talaga siyang asawa.
_____
"KUMUSTA? Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Rafael, bumibiyahe na sila pauwi ngayon.
"Wala naman. Kinumusta lang niya ako." Sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Binanggit ba niya ako?"
"Ah—" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat.
"Damn! May bagyo ba ngayon? Ang lakas ng ulan, ah."
"Rafael, tawagan mo naman sina Lola Toryang sa bahay. Nag-aalala kasi ako kay Lemuel, alam mo takot iyon sa kulog at kidlat."
"Sshh, don't worry. I'll call them, okay?" Sabi ni Rafael saka kinuha ang phone at ini-dial ang telephone number ng bahay. Ilang sandali pa niyang hinintay na may sumagot niyon. "Hello? Lola? Si Rafael po ito."
"Ay! Señorito! Napatawag ho kayo? May problema ho ba?" Sagot ng matanda.
"Malakas po kasi ang ulan dito sa labas. Kumusta po kayo dyan? Malakas po ba ang ulan?"
"Ay hindi naman pero medyo madilim ang langit. Siguro ay uulan din."
"Ganoon po ba—" medyo na-interrupt si Rafael dahil hinihiram ni Alegria ang phone, gusto nitong kausapin ang matanda. "Wait. Lola, kakausapin po kayo ni Alegria." Agad ay binigay niya ang phone sa dalaga.

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Ficción GeneralWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)