Kabanata 69

18K 311 17
                                        

Kabanata 69

"PIOUS, are you sure na gusto mong sumama sa 'kin?" Naninigurong tanong ni Elaine.

Umalis na sina Alegria at Rafael, kasama na ng mga ito si Azalea na tuwang-tuwa habang karga-karga ni Alegria. Hindi masisi ni Elaine ang pamangkin, ngayon lang kasi nito naranasan ang makarga. Kinakarga rin naman niya ito pero iba pa rin talaga ang hawak ng isang ina.

"Bakit po? Ayaw niyo po ba akong kasama?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi sa ganoon. Iniisip ko lang kasi ang Mama mo. See, she's crying. Ayaw mo kasing sumama. Nami-miss ka niya."

"Pero kasama naman niya si—"

"I think you're jealous." Nakangiting putol niya sa sasabihin ng bata. "Si Rafael ang palagi mong dinadahilan. Anyway, hindi mo dapat na pagselosan si Raffy. Believe me, he's a good man. All you have to do is to make up with him. Saka sa tingin mo ba, aayain ka ng Mama mong sumama sa kanya kung hindi ka niya gustong makasama?"

Natahimik si Pious. Sa totoo lang ay isa iyon sa dahilan. Natatakot siyang baka maisapwera siya kapag kasama na siya ng mga ito.

"Pero paano po kayo?"

"I can take care of myself. Isa pa, kailangan mo ng mga magulang na gagabay sa'yyo. Bata ka pa, dapat na maranasan mo ang buong pamilya."

Napayuko na lang si Pious.

"Pero nasa iyo pa rin ang desisyon. If you want to come with me, then okay lang din." Nakangiting sabi niya saka hinaplos ang buhok nito...

_____

KINABUKASAN ay huling araw na ni Adolf. Lahat ng mga kamag-anak nila ay nakiramay. Hindi rin nawala sina Zandro at Seran. Nandoon din si Alegria at Rafael.

Si Alegria ang pinakamatagal na tumitig sa kabaong ni Adolf. Umiiyak ito kaya naman lumapit si Elaine rito.

"Are you okay?"

"No. Actually, hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga matanggap itong ginawa niya pero sa kabila niyon ay nagpapasalamat ako dahil nandito ako dahil sa kanya. Malaki ang utang na loob ko sa Kuya mo." Nakangiti niyang sabi.

"If he's here, matutuwa iyon. Anyway, huwag ka ng umiyak. Binalita sa 'kin ni Raffy na buntis ka pala, baka makasama sa 'yo 'yan."

Napangiti na lang si Alegria sabay haplos sa impis niyang puson. Ilang saglit pa silang naroon mayamaya lang ay may dumating na pulis mobile. Iniluwa niyon si Lorraine.

Napatitig si Alegria rito. Wala na ang mga kolorete sa mukha nito, nawala na rin ang marangyang pananamit nito bagkos ang suot nito ay iyong orange shirt na may printed na 'P'. Ang pulso nitong dati ay may mamahaling relo ngayon ay posas na. Ang dating ilaw ng kasikatan ay wala na rin, ngayon ay ang escort nito ay ang mga pulis. Lumapit ito sa kanila at parang walang pakialam na binangga sila para lang masilayan nito ang kabaong ni Adolf.

"Are you okay?" Bulong ni Elaine kay Alegria dahil sa pagkakabangga ni Lorraine.

"Yes. I'm okay."

Samantala, ang naroong si Lorraine ay umiiyak habang nakatitig sa mukha ng kapatid. Marahan niyang hinaplos ito kahit na may nakapagitang salamin sa kanila.

"Kuya, I'm sorry... 'di ko akalain na mangyayari ito..." punong-puno siya ng pagsisisi dahil sa nangyaring ito.

Sa totoo lang, habang nasa kulungan siya ay napagtanto niya ang mga bagay-bagay. Hindi ito sana mangyayari kung hindi dahil sa kanya. Tama ang sinabi ni Elaine, naging inggitera siya, naging madamot at makasarili.

Pero hindi naman siya magiging ganoon kung hindi dahil kay Alegria. Hindi naman kasi siya dapat gagawa ng mga ganoong bagay kung wala ito sa landas niya.

Kung sana ay walang Alegria na dumating, buo sana ang pamilya niya, buhay pa sana si Adolf. Sa huli ay sinisisi pa rin ni Lorraine si Alegria kung bakit ito nangyayari sa kanya ngayon.

Napatingin siya kay Alegria. Nakatitig ito sa kanya na para bang awang-awa sa kanya. Napangisi siya. Awang-awa ito sa kanya? Baka ang ibig ipahiwatig ng mga titig na iyon sa kanya ni Alegria ay kasiyahan? Kasiyahan dahil ngayon ay nakikita siya nitong miserable.

Biglang naningkit ang mga mata niya. Napakagaling talagang umarte ng babaeng ito. Tingnan mo nga, pati ang kakambal niya ay nagagawa nitong lokohin. Bigla niyang nakuyom ang kamao. Ang mga uri ng babae na tulad ni Alegria ay hindi na dapat pang mabuhay.

Napatingin siya sa kabaong ni Adolf. Kung mamamatay si Alegria ngayon ay siguradong matutuwa ang kapatid niya dahil magkakasama na ang mga ito. Napangiti siya. Tama! Ito na ang pagkakataon niya para makabawi sa kapatid. Tutal ay mahal ni Adolf si Alegria kaya tama lang na sumunod na ang babaeng iyon sa Kuya niya!

Pasimple siyang tumingin sa pulis na nasa gilid niya tapos ay sa baril na nakasukblit sa baywang nito. Palinga-linga ito sa paligid at doon ay kinuha ang pagkakataong iyon para kunin ang baril nito. Nang makuha niya ay ubod ng lakas niya itong itinulak at itinutok ang baril kay Alegria.

Nagsigawan naman ang mga tao, ang iba ay lumabas ng chapel na iyon. Si Alegria ay tila itinulos naman sa kinatatayuan. Hindi siya nakagalaw dahil sa baril na nakatutok sa kanya.

"Sige! Subukan niyong maglabas ng mga baril!" Tukoy niya sa mga pulis na akmang bubunot na sana ng baril. "Kundi papatayin ko ang babaeng 'yan!"

"Lorraine! Ano ka ba? Hindi pa ba sapat ang nangyari kay Kuya? Mas dinadagdagan mo pa ang kaso mo!" Sabi ni Elaine sa kapatid.

"Damn you, Lorraine! Kapag may itinuloy mo 'yan, I swear, ako ang papatay sa 'yo!" Sigaw ni Rafael, katabi nito si Azalea na umiiyak dahil sa kaguluhang nagaganap.

"Oh, really? Sa tingin mo ba Rafael, natatakot pa ako sa banta mo? Can't you see? Nahuli na ako ng mga pulis. At hindi ako natatakot na patayin mo basta ba mapapatay ko ang babaeng 'yan!" Madiin ang mga salitang bitaw ni Lorraine.

"Lorraine, please, huwag mo namang bastusin ang burol ni Adolf. Huling araw na ito ng kapatid mo, igalang mo naman siya." Sabi ni Alegria.

"Shut up! I don't care about this—urgh!" Natigilan ito sa ibang sasabihin dahil biglang lumusob si Pious. Mabilis itong tumakbo sa kinaroroonan ni Lorraine at iniumpog ang ulo sa sikmura ng babae. "You—No! No!" Sa lakas ng impact ng ginawa ni Pious ay natapilok siya dahilan para ang hawak nitong baril ay mabitawan.

Doon ay nagsilapitan na ang mga pulis at pinagtulungan si Lorraine para maitayo, nagwawala pa rin ito habang galit na minumura si Alegria.

Samantala ay napailing na lang si Seran habang si Zandro ay kay sama ng titig sa babae.

Damn that woman! May araw ka rin sa 'kin." Bulong ni Zandro.

Si Alegria naman ay walang pakialam kung minumura man siya ng babae, mabilis siyang lumapit sa anak at ini-check ang katawan nito.

"A-ayos ka lang ba? Anong masakit sa 'yo? May sugat ka ba, ha?" Tanong nito habang walang patid ang pagtulo ng luha.

"W-wala po..."

"God! Thank you..." napayakap na lang siya rito.

"Alegria, are you okay?" Napalapit naman si Rafael dito.

"Yes." Sagot niya. "Lemuel, thank you for saving me." Nakangiting baling niya sa anak pero imbis na sagutin siya nito at yakapin ay lumapit ito kay Elaine, at doon ay niyakap ito ng mahigpit.

Napayuko na lang si Alegria. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis pero mas nangingibabaw sa kanya ang kaligayahan dahil kahit na papaano ay nagawa siyang ipagtanggagol ng anak...

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon