Kabanata 21
"OH, my God, Zandro! Sino 'yang dala mo?" Gulantang na sabi ni Amor—Ina ito ni Alejandro, Zandro ang tawag nito sa kanya—nang pagbuksan ito ng pinto. "And... yuck! Bakit ang baho niya?" Napatakip ito ng ilong dahil sa amoy ng babaeng dala ng anak. "Manang Ising, paki-spray nga ng air freshener itong sala natin. Ano ba 'yan, anak! Ang baho!"
"'Ma, pakipaliguan naman siya and change her clothes." Sabi niya saka akmang ilalapag ang babae sa sofa.
"Oh, my God! I-deretso mo na sa bath tub!"
"Okay." Nagpunta na nga siya sa banyo at inilapag ang babae sa bath tub. "So, ikaw na ang bahala sa kanya. Maliligo na rin ako."
"Hey, bakit ganyan ang hitsura niyan? Napulot mo sa basurahan? Ano bang sakit niyan?"
"Wala siyang sakit, 'Ma. Nahimatay lang siya dahil kanina muntik ko na siyang masagasaan, don't worry." Pa-cool na sabi nito habang naghuhubad ng damit.
"What?"
"'Ma, please paliguan mo muna siya okay? Mamaya na lang ako magkukwento." At lumabas na siya ng banyo.
Samantala ay naiwan namang naiiling si Amor pagkuway sinimulan ng paliguan ang walang malay ng babae...
_____
"SO, who is she?" Tanong ni Amor kay Zandro. Tapos na niya itong paliguan, binihisan na rin niya ito pero ang pinasuot niya rito ay ang over-sized T-shirt ng anak. Hindi kasi siya nagpapahiram ng mga damit dahil puro mga branded ang sinusuot niya.
"She's Rafael's wife." Maiksing sagot niya habang hinahaplos ang buhok nito.
"Rafael's wife? So, totoo pala ang balita?"
"Yeah. Actually, um-attend ako ng party ng restaurant niya and there, pinakilala siya bilang asawa."
"So, how come na nakita mo siya sa highway and bakit ang baho niya?"
"I don't know. Pero kanina, nakita ko siyang takot na takot and maybe that's the reason kaya siya nahimatay." Sagot niya na hindi pa rin inaalis ang paningin sa magandang mukha na nakahiga ngayon sa kama.
Napangiti siya. Kung hindi lang ito asawa ni Rafael ay liligawan na niya ito. Actually, unang nakita palang niya ito, noong nabangga niya ito sa pasilyo ng restaurant ay na-mesmerized na siya rito. Well, parang love at first sight. Lihim siyang natawa. 36 na siya pero nararamdaman pa rin niya ang mga ganoon na para lang sa mga kabataan.
"Hey, Zandro, don't tell me you like that girl. Baka nakakalimutan mo, she's already taken."
"I know. You have nothing worry, 'Ma. I know my limitations."
"Great. Now, tawagan mo na si Rafael para masundo na siya rito. Anyway, ikaw na ang bahala. Inaantok na ako." Sabi nito saka lumabas na ng kwarto.
Naiwan na si Zandro kasama si Alegria.
Tawagan? Maybe later... at hindi niya napigilan na nakawan ito ng isang halik...
_____
BIGONG umuwi si Rafael sa bahay nila. Hindi pa rin niya mahanap si Alegria.
Damn! Nasaan ka na ba? Gustong-gusto na niyang tawagan si Adolf para tanungin kung kasama nito si Alegria.
Kanina kasi ay naisip niya na baka noong iniwan niya sa kotse ito ay nagkita sina Adolf at Alegria. Baka inaya ng una ang asawa niya para magkape saglit tapos ay—
Nakuyom niya ang kamao. Kung ano-ano namang eksena ang pumapasok sa utak niya. Pinilit niyang iwaksi ang mga iyon ang kaso wala na siyang maisip na ibang dahilan. Wala sa sariling tumayo siya at pumunta sa mini bar. Kumuha siya roon ng brandy at deretso ng ininom, hindi na siya gumamit ng baso man lang.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)