Kabanata 54

14.6K 308 22
                                        

Kabanata 54

"GALIT ka ba? Pasensya na, ha. Ayoko na kasing pinapakilos si Lola, umaatake kasi ang rayuma niya kapag nasosobrahan ng trabaho."

"No. Hindi ako galit. Come, yakap ka muna sa akin..." lumapit nga si Alegria rito at yumakap sa kanya. Inakbayan niya ito at inamoy-amoy ang kanyang buhok. "Alam mo gusto ko ng sabihin kay Lola at Lemuel ang pagiging kasal natin para hindi na natin patagong ginagawa ito pero pinipigilan ko pa ang sarili ko. Ang gusto ko kasi, kapag sinabi natin ay kasal na tayo sa simbahan."

"Pero kasal naman tayo, 'di ba?"

"Sa papel lang iyon, Alegria. Ang gusto ko ay kasal tayo sa simbahan. Anyway, mahal mo naman ako, 'di ba?"

"Oo naman! Mahal kita!"

"Yeah, and I love you too kaya gusto ko na makasal na tayong dalawa sa simbahan. Kapag kasal na tayo, mas magkakaroon ako ng karapatan na protektahan kayong mag-ina laban sa Adolf na iyon. Kapag kasal na tayo, hindi ko na hahayaan na makalapit ang hayop na iyon kay Lemuel."

"K-kasal? Sa simbahan?" Tila natuliling ang tainga ni Alegria sa narinig.

"Oo. Bakit? Ayaw mo ba akong pakasalan sa simbahan?"

"Gusto! Gustong-gusto ko!"

"Then we'll get married. Pakakasalan kita para maging legal na tayo sa mata ng lahat at para wala ng kahit na ano ang makakapaghiwalay sa ating dalawa."

Napangiti si Alegria pagkuway siya na ang umamot ng halik rito.

"I love you..."

"Hey, marunong ka ng mag-english?" Natatawang sabi ni Rafael habang inihihiga siya muli. "Hindi pa pero palagi ko kasi naririnig iyon sa iyo."

"Great! And, I love you too..." iyon lang at muli niya itong hinalikan at inangkin...

Another glimps of images...

Marahang binuksan ni Cassandra ang mga mata. Panaginip ba iyon?

Hindi! Siya rin mismo ang bumawi sa naisip. Totoo iyon. Alam niyang totoo iyon.

Napatingin siya sa lalaking katabi niya ngayon. Pero nagulat na lang siya dahil nakatitig pala ito sa kanya. Kanina pa ba ito nakatitig sa kanya?

"Good morning!" Nakangiting bati ni Rafael sa kanya.

"Good morning, kanina ka pa ba gising?"

"Actually, kanina pa nga. Hindi ako natulog, magdamag kitang tinitigan lang, binabantayan..." sagot nito tapos ay hinaplos ang buhok niya.

"At bakit naman?"

"Natatakot ako na baka paggising ko ay wala ka na. I just wanna make sure na hindi ka na mawawala sa paningin ko."

Napangiti na lang si Cassandra saka masuyong yumakap dito.

"Matulog ka na, I promise, hindi na ako mawawala sa tabi mo." Pag-aalo niya rito saka ito hinalikan sa pisngi.

"What do you mean? Naaalala mo na ba—"

"Wala pa akong naaalala pero palaging may sumusulpot na imahe sa isip ko na kasama kita. Tulad ngayon, pakiramdam ko ay nangyari na ito."

"Hindi ka pa rin naniniwala na ikaw si Alegria..."

"Rafael, naniniwala nga ako sa 'yo pero wala akong maalala, e."

"Paano mo naman nasasabi na naniniwala ka sa 'kin kung wala kang maalala?"

"Ang ginawa natin kanina. You proved to me that I'm no longer a virgin dahil totoo ang sinabi mong matagal nang may nangyari sa 'tin."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon