Kabanata 63

12.7K 242 9
                                    

Kabanata 63

MABILIS ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Adolf papunta sa dati nilang bahay sa Maynila. Tumawag kasi si Lorraine sa kanya kanina at ang sabi nito ay nakuha na daw nito si Alegria kaya wala na daw siyang magiging problema.

Damn! Anong walang magiging problema? Itong pagkuha pa lang niya kay Alegria ay problema na at sa tindi ng galit nito kay Alegria ay malamang kung ano-ano na ang ginawa nito sa dalaga.

Subukan lang niya!

Naging mahigpit ang hawak niya sa manibela. Nagagalit siya sa kapatid. Hindi sa ganitong paraan niya gustong kunin si Alegria, sa klase ng katayuan at pag-iisip meron ito ngayon ay alam niyang hindi na tatalab rito ang mga pangba-blackmail na ginawa niya rito noon.

Kaya nga may naisip siyang ibang paraan. Balak niya sanang mag-propose na rito ng kasal, yes, alam niyang malabong sagutin siya nito pero sa tulong ni Pious na palagi nitong nakakakausap ay alam niyang may pag-asa siya. Mapapasakanya rin ito pero ngayon na nangyari ito. Nasira na ang plano niya. Paano kung iniisip na ni Alegria na magkasabwat sila ni Lorraine?

Hindi! Hindi siya kasama sa plano nito. Hindi nga niya alam na ganitong plano pala ibig sabihin ni Lorraine pero sinong maniniwala sa kanya? Magsabi man siya ng totoo ay huhusgahan at pagbibintangan pa siya.

Napailing siya. Kung sabagay hindi niya rin masisisi ang mga ito. Sa kasamaan at pangba-blackmail na ginawa niya noon sa dating Alegria, wala talagang maniniwala sa kanya. Pero sa huli ay umaasa siyang sana ay paniwalaan siya ni Alegria. Kahit si Alegria lang.

Napabuntong-hininga siya. Ngayon ay nakahinto ang sasakyan niya dahil naka-red light ang traffic light. Kinuha niya muna ang cellphone saka nag-compose ng text kay Lorraine.

I'll be there. Please, don't do something stupid to Alegria.

Matapos i-send ay ibinalik na niya ang cellphone sa dashboard.

Lihim siyang nananalangin. Sana lang talaga ay walang ginawa ang kapatid niya kay Alegria kung hindi ay— Napahampas siya sa manibela. Halo-halo na ang nararamdaman niya.

Ilang saglit pa ay nag-go signal na ang traffic light. Agad ay pinaandar na niya iyon. Mayamaya lang ay nakarating na siya sa village kung saan naroon ang dati nilang bahay.

Nang mai-park na niya ang sasakyan ay agad siya lumabas at pumasok loob habang tinatawag ang pangalan ni Alegria pero ang kapatid niyang si Lorraine ang nakita niya. Pawisan ito at may hawak pang sinturon.

"Nasaan si Alegria? Anong ginawa mo?" Intense niyang tanong rito at nang makalapit ay niyugyug niya ang balikat nito.

"Relax! Wala akong ginagawa sa kanya okay? Actually, she's sleeping. Don't worry, pinakain ko na siya at nasa malambot siyang kama. She's waiting for you there..." tukso nito sa kanya. Alam niyang may ibang ibig sabihin ito roon.

"Tumigil ka na, Lorraine. Kung ano man ang balak mo—"

"Wait! Huwag mong sabihing ayaw mo sa idea ko? I know, gusto mo ito, 'di ba? You like my idea."

"I want Alegria to be mine but not in this way! Sa ginawa mo ay mas lalo niya akong lalayuan dahil iisipin niyang pakana ko ito. Damn!" Bulyaw niya rito pero tinawanan lang siya nito.

"Huwag ka ngang OA, Kuya Adolf. I didn't abduct her, well, let say, bisita natin siya and I only did this para magkausap kayo ng sarilinan, 'yong kayong dalawa lang. I mean, hindi kasi kayo nagkakausap personally kasi laging si Pious ang kausap niya so, ito ang naisip kong way para makausap mo siya."

"Where is she? Gusto ko siyang makita." Sabi niya at akma sanang lalagpasan ang kapatid pero pinigilan siya nito. Nakangunot ang noong binalingan niya ito.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon