Kabanata 62
MAHIMBING ang tulog ni Rafael nang bigla siyang maalimpungatan dahil sa paulit-ulit na pag-ring ng cellphone niya. Mabilis niyang kinuha iyon at kahit mahapdi pa ang mata ay pinilit niyang aninagin ang kung sino mang tumatawag sa kanya.
Si Lola Toryang. Bakit kaya? Agad siyang tumayo at sinagot ang tawag. "Yes, Lola? May problema po ba?"
"Naku, hijo! Si Alegria, nahimatay at dadalhin ni Zandro sa hospital!" Intense na sabi sa kabilang linya.
Bigla ay nagising ang inaantok niyang diwa sa narinig na balita sa matanda.
"Hijo! Pumunta ka na sa hospital ni Zandro! Baka kung ano na naman ang gawin niyon sa kapatid niya."
"Sige Lola, salamat po."
Agad ay ibinaba na niya ang phone at mabilis na nag-ayos sa sarili.
Sumakay siya sa kotse at mabilis iyong pinaharurot papunta sa hospital. Ilang sandali pa ay nakarating na siya roon pero sa malas ay wala daw na dumadating pasyente tulad sa kaso ni Alegria, wala din daw sa hospital si Zandro dahil off daw nito.
Napamura na lang siya sa nalaman. Naisip niya kasi na baka may balak si Zandro na ilayo si Alegria sa kanya. Damn him! Kaya pala sa loob ng isang buwan ay hindi sila nito pinapakialaman, 'yon pala ay may binabalak ang gago.
Sa sobrang galit na nararamdaman ay madiin niyang inapakan ang silinyador ng sasakyan. Wala siyang pakialam kung over speeding na siya, wala rin siyang pakialam kung makabangga man siya o ano, ang mahalaga sa kanya ay mabilis na makarating sa bahay ng mga ito.
Nagbabakasakali siyang maabutan pa ito. Patingin-tingin siya sa mga kasabayang sasakyan dahil baka madaanan niya si Zandro. Pero wala. Mayamaya ay napansin niya sa kabilang lane ang isang kotseng nakatirik. Nag-U turn siya para mapuntahan ito at doon nakita niya si Zandro na nakahandusay sa lupa. Anyong wala ng buhay pero wala siyang pakialam dito.
Pinagbubuksan niya ang pinto ng kotse habang tinatawag ang pangalan ni Alegria pero wala ito roon. Napapamura na lang siya ng malutong habang iritableng napapahilamos sa mukha.
"Damn you, Zandro! Anong ginawa mo!" Ang sama ng titig niya kay Zandro na kulang na lang ay may dala siyang kutsilyo para masaksak ito.
"Ahh!" Bigla ay gumalaw si Zandro. Hirap itong tumayo habang sapo ang dumudugong ulo. "A-anong—"
"Gago ka! Saan mo dinala si Alegria!" Hindi pa man nakaka-recover si Zandro ay agad na siyang binigwasan ni Rafael.
"What the—" doon ay natigilan siya pagkabanggit ng pangalan ni Alegria. Parang biglang naglaho ang hilo at sakit ng ulo niya dahil biglang gumapang ang pag-aalala sa puso niya. "Damn! Si Cassandra! May dumukot sa kanya!" Parang batang sumbong nito kay Rafael pero muli lang siya nitong sinuntok.
"Puta! Ikaw ang kidnapper dito, Zandro!" Galit niyang bulyaw rito saka hinablot ang kwelyo nito para makatayo. "Huwag ka ng umarteng hayop ka! Saan mo tinago si Alegria?"
"Hindi ko nga alam! Basta may bigla na lang humarang sa daraanan namin at may humampas sa ulo ko. Tapos wala na akong maalala."
"Damn!" Pinakawalan na ito ni Rafael at inis na sinipa ang gulong ng kotse nito. "This is all your fault! Kung hindi mo sana nilabas si Alegria, hindi siya mapapahamak! Shit! Baka kung ano na ang nangyayari sa kanya!" Hindi maiwasan ni Rafael ang mag-isip ng masama.
Samantalang si Zandro ay napa-face palm na lang. Tama naman kasi ang sinabi ni Rafael. Kung hindi niya sana binalak na dalhin sa ibang bansa ang kapatid at kung hindi sana siya naging makasarili dapat ay nasa bahay niya ito at mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
