Kabanata 42

17.4K 468 37
                                        

Kabanata 42

YOU'RE finally back, my Alegria... bulong ni Rafael habang pinapanood ang balita tungkol kay Cassandra na dumating na sa Pilipinas. You are still beautiful as ever...

Naging malamlam ang mga mata niya habang tinititigan ang maamo nitong mukha pati ang ngiti nito sa mga tagahangang nag-aabang.

"So, she's back..." biglang sabi ni Philip nang makita ang anak na nanonood ng balita. "What are your plans now she's finally here? Don't tell me bigla ka susulpot sa harapan niya at sasabihin na ikaw ang asawa niya?"

Bigla namang napangiti si Rafael sa sinabi ng ama.

"Only a stupid man will have the guts to do that. And sadly, I'm not stupid."

"Great. Akala ko ay gagawa ka na naman ng katarantaduhan para lang makuha mo ang gusto mo," sarcastic na sabi nito.

"I had enough. Tama na ang nangyari noon. Kailangan ko nang kumilos ng maayos at sigurado." Sabi niya saka biglang nalungkot ang mga mata. Paano ay nahahip ng camera sina Zandro at Alegria habang masayang nagtatawanan.

Damn! Ano kayang ginawa ni Zandro at hindi ako makilala ni Alegria? I know Cassandra is Alegria but...

Nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. Noong nakaraang taon ay nagpunta siya sa America para makita si Alegria, pero laking gulat niya noon dahil ibang tao na ang kaharap niya. She's not Alegria anymore. Classy, elegant, and liberated. Ito si Cassandra ngayon.

Noong nagkaroon ng authograph signing sa isang magazine kung saan ito ang cover doon ay sinubukan niyang magpakita. Nagpapirma siya rito, akala niya ay magugulat ito o 'yong tipo bang parang naalala man lang siya pero wala. Nginitian lang siya nito at sinabihang, Thank you for liking my magazine...

At iyon pa ang ikinagulat niya. Marunong na itong magsulat at magsalita ng english. Nagtagal pa siya roon sa America para matyagan ito at pag-aralan. Umaasa siyang may amnesia lang ito at kailangan lang ng isang bagay para ma-trigger ang memory nito pero wala.

Until one day, naanyayahan sa isang interview si Alegria...

"I never been in the Philippines before but I would like to visit..."

Sa narinig na interview dito, he tried to dig deeper about Cassandra. At doon nalaman niya na pinanganak si Cassandra Zullega sa Los Angeles, California. Napailing na lang siya nang malaman niya iyon. It seems that Zandro also made an identity for Alegria to be Cassandra. But then, he was wondering kung bakit agad na naniwala si Alegria na siya si Cassandra. Alam niya na ang mga taong nagkakaroon ng amnesia ay nakakaalala pa rin lalo na kapag nakakita ito ng taong pamilyar dito. Pero sa kaso ni Alegria, hindi talaga siya nito kilala.

"That's my son. Sana naman ngayon ay hindi na maulit ang nangyari noon."

"Yeah... and I will take Alegria back to me..."

Napangiti na lang si Philip sa sinabi ng anak.

Samantala ay pinatay na ni Rafael ang TV saka kinuha ang cellphone at nag-compose ng message.

Hi, I'm glad you're back...

Napangiti na lang siya nang ma-send na niya ang message. Syempre ay alam na niya agad local number ni Alegria dito. Ano pang silbi ng pera niya kung ganitong kailiit na detalye ay hindi niya malalaman? Muli siyang napangiti. Hanggang text lang ang magagawa niya dahil alam niyang nagba-block ito ng mga unknown number. Nalaman niya iyon dahil noong minsang nagtangka siyang tawagan ito ay unattended na.

"That's my son." Mayamaya ay sabi ni Philip saka tinapik ang balikat ng anak. "Anyway, I feel awful for Lemuel. Nasa poder na siya ng kanyang biological father. At kung totoo ang mga kwento mo tungkol sa ginawa ni Adolf kay Alegria, kawawa ang batang iyon. You legally adopted him right? Wala ka bang laban para mapunta sa poder mo ang bata?"

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon