Kabanata 47
NAPANGITI na lang si Cassandra saktong marinig niya ang palakpakan ng mga tao, naririnig din niya na may tumitiling babae habang panay ang picture sa kanya. Sa tuwing naririnig niya ang mga palakpakan at ilang mga papuri sa kanya ay nawawala ang kaba niya.
Kahit naman kabi-kabila ang mga projects niya sa pagmomodelo ay hindi pa rin maiiwasan na kabahan siya, ganito naman lagi. Akala siguro ng iba, porque sikat ang isang tao ay hindi na tinatablan ng kaba. Natural lang itong maramdaman lalo na kung maraming mga tao na kailangang pasayahin mo.
"We love you, Cassandra!"
Narinig niyang sigaw ng isang bisita. Nginitian lang niya ito at kinawayan saka naglakad na sa rampstage. Nang makarating sa unahan ay binaba na niya ang hawak na maskara at kinawayan ang mga tao. Ngumiti siya nang matamis saka kumaway sa mga ito.
Ilang saglit siyang nasa unahan. Mayamaya lang ay umalis na siya roon, kailangan na niyang bumalik sa backstage dahil meron pa siyang limang damit na imo-model. Naglakad siya pero noong nasa kalagitnaan na siya ng stage ay bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya ay nanlambot ang isang paa niya. Pero nang tingnan niya iyon ay bali pala ang isang takong.
God...
Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayon dahil hirap din siyang tanggalin iyon, ang dami kasing lace na nakatali roon sa sapatos na nakatali sa paa niya—it was a white lace actually, personaly design by her. Kung alam lang niya na maaaring mangyari ito sa kanya ay sana hindi na lang siya nagsuot ng ganitong sapatos.
Pero wala na, huli na ang lahat. Kailangan pa rin niyang ituloy ang paglalakad kahit na paika-ika. Mahalaga sa kanya ang professionalism at hindi siya mag-iinarte sa harap ng maraming tao. Nagpatuloy siyang maglakad pero noong pahakbang siya ay bigla namang nanginig ang paa niya dahilan para ma-out of balance siya.
Mariin na lang siya napapikit at hinintay na sumayad ang katawan niya sa sahig pero hindi ganoon ang nangyari dahil may mga bisig na sumalo sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang isang lalaking naka-maskara. Mga mata lang nito ang nakikita niya pero ramdam niyang tumatagos ang mga titig nito sa kalamnan niya.
"Are you okay?"
Napasinghap siya nang marinig ang boses nito. His voice sounds familiar. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. There is something about this man na para bang may kakayahan itong patigilin ang oras. Tulad ngayon, parang silang dalawa lang ngayon ang narito. Walang iba. Walang istorbo.
"Something wrong? May masakit ba sa iyo? Tell me." Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Bakit ba natitigilan siya? Bakit parang may iba siyang nararamdaman? Bakit ba parang may hinihintay siyang gawin nito? Napailing siya. Nababaliw na yata siya. Para naman siyang ngayon lang nakakita ng lalaki. She shouldn't act this way. Nakakahiya. Ang dami pa namang mga tao.
"Y-yes. I-i'm fine..." sabi na lang niya saka nag-iwas ng tingin rito. Oh God! Bakit nag-stammer ang boses ko?
"I think you are not okay. Ihahatid na lang kita, okay lang ba?" Sabi nito at nagsimula ng maglakad. Hindi na siya hinintay na sumagot kung payag ba siya o hindi.
"No. Wait. Let me go and—" wala na siyang nagawa dahil ngayon ay naglalakad na sila ngayon paakyat roon sa may rampstage.
Nang nakatungtong na sila ay tumutok sa kanila ang spotlight. Para tuloy silang bagong kasal sa ayos nilang iyon. Nakawhite suit kasi ang lalaki at siya naman ay long white gown. Ang kulang na lang ay pari at kumpleto na ang set-up.
Napayuko na lang siya. Hindi naman siya nahihiya sa sitwasyon niya ngayon. Naiilang siya dahil sa pakiramdam na tila napapaso siya sa init na nagmumula rito. She swear, gustong-gusto niya ang nararamdamang init mula rito at sa totoo lang parang ayaw na niyang mawala itong kakaibang nararamdaman niya. At ang lalaking-lalaki na amoy nito, gustong-gusto niya iyon. Napaka-swabe at masarap samyuhin.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Ficción GeneralWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
