Kabanata 56
"IT'S me, Seran Zullega. Cassandra's cousin."
Sa narinig na pangalan ay agad na napatingin si Rafael kay Alegria. Tinatansya niya ba kung tulog ba ito o gising. Nang mapagtantong tulog ay kinumutan niya ito ulit at siya naman ay bumaba ng kama at lumabas ng kwarto.
"Anong kailangan mo? Kung si Alegria ang pakay mo, ngayon pa lang wala na kayong mapapala. I already told her that she's Alegria." Madiin ang bawat salitang sabi niya pero tinawanan lang siya ng kausap.
"Sinabi mo na pala sa kanya. Mas mabuti atleast hindi na ako mahihirapan pa magpaliwanag sa kanya."
Biglang nangunot ang noo ni Rafael.
"What do you mean?"
"Hindi mo pa ba makuha, pare? Kakampi niyo na ako. Gusto ko na rin na bumalik ang mga alaala ng pinsan ko kaya nga hinayaan ko siyang pumunta sa teretoryo mo. Alam ko kasi na ikaw lang ang makakatulong sa kanya."
"Do I need to trust you? Kasama ka ni Zandro na nanloko kay Alegria. Alam kong alam mo kung ano ang ginawa ni Zandro sa kanya."
"Yeah. May alam nga ako sa kung ano ang ginawa ni Zandro kay Cassandra pero kasi ng panahon na iyon ay mas makakabuti sa kanya ang walang maalala pero mali pala ang ginagawa namin. Kaya nga ako nandito."
Bahagyang nakuyom ni Rafael ang kamao. Ano ngayon ang gustong palabasin ni Seran? Gusto ba nito na pagkatiwalaan niya ito at pagkatapos ay ano? Muli na naman nitong ilalayo si Alegria sa kanya? And God knows na kapag nagawa ng mga ito na mabawi si Alegria, baka kapag muli siya nitong makita ay wala na talagang itong maalala.
"Alam kong iniisip mo, pare. Basang-basa na kita pero mali ang iniisip mo. Kung tutuusin puwede kong kunin ang pinsan ko ngayon din. May kakayahan akong gawin iyon. Kung gusto mo pa ay kukunin ko siya na hindi mo namamalayan." Sabi nito saka pagak na tumawa. "She's sleeping, right? Look at her, baka wala na siya sa tabi mo."
Sa narinig na sinabi nito ay agad na napabalik si Rafael sa kwarto para nga tingnan si Alegria.
"Gago ka! Tinatakot mo ba ako?" Galit na sabi niya. Paano ay nagpauto siya. Hindi nito makukuha si Alegria. There's no other way out kundi ang pintuan ng kwarto nila.
"Relax, pare! Sinasabi ko lang ang mga possibility na pwede kong gawin kung hindi mo ako kakampi."
"Ulol!" Malutong na mura niya rito pero tinawanan lang siya nito.
"Kidding aside pare, nasa malapit lang ako."
"What?!" Bigla ay napasilip si Rafael sa bintana pero wala siyang ibang nakita kundi ang kadiliman lang ng lugar.
"Huwag ka ng sumilip sa bintana niyo. Hindi naman literal na nasa tapat ako ng bahay niyo. What I mean is, nasa isang hotel ako malapit sa kinaroroonan niyo."
"Tinatarantado mo ba ako? Kung wala ka rito, paano mo nalaman na sumilip ako sa binata? At paano mo nalaman na natutulog si Alegria?"
"C'mon! It's just an instinct. Siguro alam mo naman ang trabahong meron ako. Anyway, I'm here dahil bukas ay susunduin ko na siya dyan."
"Hindi mo siya makukuha."
"Bakit ayaw mo? Gusto mo ba na hanggang dyan na lang kayo? Ayaw mo ba na maging tahimik kayo?"
"I just don't trust you. That's all." Malamig niyang tugon.
"Sinong kausap mo?"
Bigla ay napalingon si Rafael sa nagsalita.
"Kanina ka pa dyan?"
"Yes. Narinig kasi kitang parang galit sa kausap. So, sino ang kausap mo? Si Kuya Zandro ba o si Kuya Seran?"
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
