Kabanata 19
SIMULA nang pinakilala ni Rafael si Alegria bilang asawa ay nagbago naman ang pakitungo nito sa babae. Bumalik ito doon sa pagiging malambing, hindi na rin siya nito sinasabihan ng mang-mang at walang pinag-aralan.
Nakakatakot tuloy. Sa tuwing may magandang bagay itong pinapakita sa kanya ay lagi na lang may kapalit na pasakit at sama ng loob. Naisip niya tuloy, ano na naman kaya ang magiging dahilan para bumalik ito sa dati?
Napabuntong-hininga siya. Dapat yata ay hindi siya makuntento sa ganito—na ngayon ay malambing ito tapos bukas ay talo pa ang dragon kung magpabuga ng apoy. Lalo at hindi pa alam ni Lola Toryang at Lemuel ang pagiging mag-asawa nila. Naisip niya, dapat ay gumawa na siya ng paraan bago pa dumating ang kinakatakutan niyang mangyari.
Napatingin siya sa hawak na tarheta. Ito ang binigay na calling card ni Althea nang magkita sila sa sementeryo. Tatawagan niya ito. Gusto niya na ipaalam kung ano talaga ang nangyayari sa kanya. Nagsusumbong ba siya? Hindi. Ang gusto lang naman niya ay may makausap, isa pa ay mas kilala nito si Rafael dahil dati itong mag-asawa. Baka makakuha siya ng payo kung—
"What's that?" Bigla ay dumating si Rafael.
"W-wala..." agad ay tinupi niya ang papel at ibinulsa. "A-ano pala ang dala mo?" Tukoy niya sa plastic na dala nito.
"Ito ba? Reading and writing material ito. Dapat ay sumabay ka kay Lemuel na mag-aral, and since nasa school siya ngayon so I will be your personal teacher today."
"T-teacher? Guro iyon, 'di ba?"
"Yeah. Alegria..." saglit niya itong tinitigan pagkuway hinawakan ang kamay. "I want to say sorry kung sinabihan kitang walang pinag-aralan. I was dissapointed dahil sa nalaman ko sa iyo pero kahit na ganoon ay wala pa rin akong karapatan para sabihin iyon so I'm sorry..." nagsisising sabi ni Rafael.
Gusto nga niyang batukan ang sarili. Bakit ba ngayon lang niya na realized ang mga iyon? Kung hindi pa dahil sa nangyari kaninang umaga ay hindi pa niya ito mararamdaman.
Kanina kasi ay naabutan niyang binibihisan ni Alegria si Lemuel...
"O, isuot mo na ito para mamaya pagkatapos mong kumain ay hindi ka na hihintayin ng school bus mo." Sabi niya habang binibihasan ito, nilagyan din niya ng polbo ang likod nito tapos ay sinuklay ang buhok na parang kay Jose Rizal.
"'Nay, bakit po hindi mo na lang ako ihatid? Bakit ko po kailangan na sumakay ng school bus?" Tanong nito habang nakanguso.
"E, kasi iyon ang gusto ni Tito Rafael mo. Saka hindi ko pa kasi kabisado itong lugar natin, baka maligaw tayo kapag ako ang naghatid sa iyo."
"Pero bakit si Lola, alam niya agad ang pasikot-sikot dito? Saka sa tingin ko naman po madali lang na kabisaduhin itong lugar natin basta alam niyo po kung paano basahin ang mga karatula po."
"Basahin?"
"Opo. Bakit po, 'Nay?"
"Ang totoo kasi niyang, anak. Hindi marunong magbasa ang Nanay. Hindi kasi ako nakapag-aral kaya wala akong alam. Kaya ikaw, Lemuel galingan mo sa klase mo mamaya para matataas ang mga grado mo. Saka mag-aral ka ng mabuti para hindi ka matulad sa akin."
"Bakit po ganoon? Hindi po kayo pinag-aral?"
"Parang ganoon na nga." Mapait siyang ngumiti. "Nagtrabaho na kasi ako noon para may makain ako... basta! Ang dami mo namang tanong." Natatawang pinisil niya ang pisngi nito.
"Kasi po, sabi ni Lola kapag may hindi daw ako alam magtanong daw po ako. Tatalino daw po ako kapag ganoon ang ginawa ko."
"Talaga?"
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)