Kabanata 10

35.8K 514 31
                                        

Kabanata 10

"KUYA Adolf! You're late na! Nakakainis ka!" Parang batang sabi ni Lorraine sa kapatid.

"I'm sorry," sagot nito saka naupo na.

Nasa restaurant sila ngayon at dahil almost two weeks ng nandito si Adolf ay nangako ito sa mga kapatid na iti-treat ng dinner.

"Saan ka ba kasi galing, Kuya? Sabi mo kanina nasa parking lot ka na pero inabot ka pa rin ng half hour," sabi ni Elaine sabay kuha ng menu na binibigay ng waiter nila. "Thank you."

"Yeah. Don't tell me na nakakita ka ng something interesting sa parking lot?" Biro ni Lorraine.

Bigla namang napangiti si Afolf.

"Actually, yes. Meron nga. But I'm not sure kung siya nga iyon. Anyway, forget about that."

"Oh! I smell something fishy." Komento ni Elaine.

"Yeah."

Napailing na lang si Adolf. Saka muling inalala ang babaeng nakita niya kanina sa restroom.

Is it Alegria? Hindi talaga siya sigurado kung ang babae nga ang nakita niya kanina. Gusto nga niyang i-check by entering the women's room, well, okay lang kung pumasok man siya. Wala naman kasing ibang tao roon bukod sa babaeng nakita. Pero nang papasok na siya ay bigla namang tumunog ang cellphone niya, tinawagan na siya ng kanyang mga kapatid. Hindi na tuloy siya nagkaroon ng pagkakataon para kumpirmahin ang nakita.

Lihim siyang napabuntong-hininga. Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin siya ng kanyang konsensya. Alam niyang ginahasa niya si Alegria. Tuwing gabi na lang ay palagi niyang naririnig ang pag-iyak nito pero wala siyang magawa. Sa panaginip niya ay gustong-gusto niyang pigilan ang sarili sa pananakit rito but he was drunk and under the influence of drug. Noong umagang nahimasmasan na siya ay agad niyang hinanap si Alegria para humingi ng tawad at pananagutan niya ang ginawa niya rito pero wala na ito, nagtago na ito sa kanya. Kaya nga siya umalis ng pilipinas ay para makalimutan na ang ginawa niya pero ngayong nagbalik siya rito ay parang may remote control sa kanyang utak na paulit-ulit na pinipindot ang replay button kaya lagi-lagi ay naaalala niya ang gabing ginahasa niya si Alegria.

"Kuya Adolf? Are you with us?" Tanong ni Elaine.

"Yes." Dahil sa kakaisip kay Alegria ay sandali niyang nakalimutan na tapos na pala ang pangyayaring iyon. Pero ang sundot ng konsensya ay nandoon pa din. Bigla niya tuloy naisip, paano pala kung nagbunga ang ginawa niyang iyon? Paano kung may anak na pala siya kay Alegria? Nahulog na naman siya sa malalim na balon. I need to find Alegria... kailangan na niya itong makita para makahingi na rin ng tawad.

"Kuya! You are not listening to us naman, e!" Nakasimangot na sabi ni Lorraine.

"I'm sorry..." natawa na lang si Adolf dahil sa nakitang hitsura ng kapatid. "Anyway, ano nga ulit ang sinasabi mo?"

"I said na kausapin mo si Raffy para makipagbalikan sa akin. You know, I still love him so please, Kuya, kausapin mo siya. You're still bestfriends until now, 'di ba?"

"Well, I think hindi na niya ako kaibigan since nakulong siya. I don't make friends with criminals." Natatawang sagot ni Adolf na hindi naman ikinasiya ni Lorraine. "But don't worry, I'll try to talk to him."

"Oh! Thank you, Kuya. Anyway, there will be a party at his Italian Restaurant sa Makati. Maybe, that's the best place para magkausap na kayo and well, baka magkabalikan na rin kami. Remember, doon ko siya unang nakilala before and we also had sex at his private room there." Proud na sabi nito. Ni hindi ito nahiya kahit na malakas ang pagkakasabi niya niyon at kahit na nasa harap ng nakatatandang kapatid. Well, bakit pa ba siya mahihiya? She's a liberated woman at wala siyang pakialam kung may makarinig man ng sinabi niya.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon