Kabanata 30

21K 330 39
                                        

Kabanata 30

"MABUTI at nagising ka na apo..." salubong na sabi ni Lola Toryang saktong nagmulat ng mga mata si Alegria.

"L-lola..." sagot niya saka nagpumilit na tumayo. "Nasaan po si Lemuel? Kumusta siya?" Agad ay naalala niya ang anak. Huli niya itong nakita ay malubha ang lagay nito.

"O, huwag ka munang magpumilit na tumayo. Okay lang siya, sumailalim din siya sa operasyon tulad mo." Sagot nito habang inaalalayan itong makaupo sa higaan. "Hay naku hija, mabuti at nakaligtas kayong dalawa ng anak mo. Aba'y delikado iyon! Mabuti na lang at niligtas kayo ng mga anghel niyo."

Ngumiti si Alegria. Pero bigla siyang natigilan, bakit parang may kulang pa rin?

"O, uminom ka muna ng tubig..." inabot nito sa kanya ang isang baso. "Si Señorito talaga, kung hindi ko pa siya tinawagan noong isang araw ay hindi ko malalaman itong nangyari sa inyo." Naiiling na sabi nito. "Anong gusto mong kainin? Tatlong araw kang tulog kaya siguradong nagugutom ka."

"Hindi po ako nagugutom Lola..." napahawak siya sa kanyang puson. Nandoon ang pakiramdam niya na tila may nawala sa kanyang kung ano. "Lola, gusto ko pong makita ang anak ko." Muli ay akmang bababa siya ng kama.

"Huwag ka munang magpilit na tumayo at baka ikaw ay—"

"Pero—"

"Tama ang Lola mo, Alegria." Biglang bumukas ang pinto at pumasok roon si Alejandro.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Takang tanong ni Alegria.

"I'm your Doctor."

"Magkakilala ba kayo ng apo ko, Dok?"

"Opo Lola, we met sa anniversary party ng resto ng asawa niya." Sagot ni Zandro. Napatango naman si Lola Toryang. "Anyway, I'm glad na gising ka na." And he patted her head, iyon bang parang sa magkapatid. Lihim ay napailing si Zandro, hindi pa niya napapatunayan iyon at parang ayaw niyang malaman ang katotohanan.

"Talaga? Doktor ka dito?" Zandro smiled at her. "Salamat..." napatingin siya sa mga labi nitong nakangiti sa kanya. Ang mga labi na minsan niyang ninakawan ng halik. Kung totoo ang hinala niyang si Alegria ang anak ng kanyang ama sa labas then, nakakahiya ang ginawa niya noon. Kissing your halfsister? That's humiliating pero bakit wala siyang naramdamang hiya? Bagkus ang naramdaman niya ay panghihinayang. Dahil kung kapatid niya ito, ibig sabihin ay hindi niya ito pwedeng mahalin bilang isang babae. At iyon ang kinakabahala niya. "Dok?"

"Yes! You're welcome, magkaibigan tayo kaya ililigtas ko talaga ang buhay mo." Mabilis niyang sagot. "So, how's your feeling? I know na masakit ang mawalan ng anak kaya—"

"T-teka, akala ko ba okay lang ang anak ko?" Agad ay napatingin siya kay Lola Toryang na naguguluhan din, palibhasa'y hindi rin nito alam ang tungkol sa pagkakalaglag ng anak dapat ni Alegria.

"Well, okay lang ang anak mo. His name is Lemuel, right? Ang sinasabi kong nawala mong anak ay ang nasa sinapupunan mo. You were supposedly two weeks pregnant, but because of the accident, he didn't make it. Namatay siya habang nasa loob mo kaya kinailangan naming kunin siya. I'm sorry."

Napakurap si Alegria sa masanang balita na iyon. Kaya pala may nararamdaman siyang parang kulang, nagbunga pala ang pagmamahal niya kay Rafael pero... muli siyang napahawak sa impis niyang puson, wala na... ni hindi niya nakita ito o kahit man lang naramdaman. Napaiyak siya sa isiping iyon. Bakit ba pagdating sa kanila ni Rafael ay malupit ang kapalaran?

"Naku apo, hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa iyo." Agad namang napalapit si Lola Toryang para aluin ang apo.

"Don't cry, Alegria. Ang mahalaga ay okay kayo ng anak mo."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon