Kabanata 27
"O, mabuti na lang naayos ko agad. Ingatan mong huwag masira ulit, ha?" Sabi ni Alegria sa anak matapos ibigay ang bag.
"Opo," sagot ni Lemuel habang lihim ay kinakamot ang kanyang harapan. Nangangati kasi ang balat niya doon dahil sa cellphone na nasa loob ng brief niya.
"Ayos ka lang ba? Anong makati sa iyo?" Puna ni Alegria sa anak. Hindi pala siya ligtas sa mata ng ina.
"Okay lang po ako, 'nay!" Nakangiwi niyang sabi, pakiramdam niya ay may sugat na siya roon; ramdam na ramdam niya ang pamamawis sa loob ng brief niya.
"Are you really okay, Lemuel?" Naninigurong tanong ni Rafael sa bata nang tingnan niya ito mula sa review mirror. Nasa back seat kasi ito habang sila ni Alegria ay nasa font seat.
"O-opo. Okay lang po ako..."
"Fine. Anyway, we're here." Sabi niya matapos i-park ang sasakyan. Nagsibabaan na rin sila.
"Lemuel, tulad ng sabi ko sa iyo ay mag-aral ka mabuti, ha? Tapos palagi kang makinig sa—"
"Opo. Alam ko na po iyon." Iritableng sabi ni Lemuel. "Araw-araw na lang palagi iyon ang sinasabi." Mahina niyang bulong. Alam niyo ang batang nag-mumur-mur kapag pinapagalitan ng matanda? Ganoon ang ginagawa ni Lemuel ngayon.
Na ikinagulat naman nina Rafael at Alegria, lalo na ng huli. Hindi niya pinalaki ng ganito ang anak. Hindi niya ito tinuruang sumagot ng papilosopo o pabalagbag.
"Bakit ba, anak? May problema ka ba? Bakit ganyan ka na makipag-usap sa akin?" Mahihimigan ang tampo sa boses ni Alegria.
"S-sorry po. H-hindi ko po sinasadya..." hindi naman niya gustong sumagot ng ganoon. Naiirita na kasi siya dahil sobrang kati na ng balat niya roon, gusto na niyang umalis para makuha na niya ang cellphone roon.
"I think there is something wrong with you." Naniningkit ang mga matang sabi ni Rafael habang nakatitig rito. "You look irritated."
"W-wala po. 'Nay, sorry na po. Hindi ko po sinasadyang—"
"Kung wala kang problema then bakit ka nagkakamot dyan? Akala mo ba hindi namin napapansin iyon?"
"W-wala naman—"
"No. I know there is something inside your denim. Check him out, Alegria."
"Ha?" Napaawang siya ng bibig. Hindi niya kasi naiintindihan ang sinabi ni Rafael.
"Tingnan mo kung anong meron sa loob ng pantalon niya."
Napatingin si Alegria kay Lemuel. Sa kislap ng mata ng kanyang anak ay parang sinasabi nito na huwag niyang sundin ang utos ni Rafael. Pero wala naman sigurong masama kung tingnan niya iyon, wala naman sigurong mangyayari.
"Anak, titingnan ko lang kung anong meron dyan. Sandali lang naman, e."
"A-ayaw." Bahagya siyang lumalayo sa ina. Hindi nito pwedeng makita ang cellphone na tinatago niya. Natatakot siyang baka pagalitan nito.
"Sige na, anak..." pero mapilit si Alegria. Marahan niyang kinakabig ito palapit sa kanya ang kaso ay mapilit naman itong lumalayo, tinutulak pa nga siya nito. At dahil malikot si Lemuel ay di sinasadyang nahulog ang cellphone na tinatago niya.
"What's that?" Si Rafael na ang kumuha ng nahulog na phone. "Saan galing itong phone mo?"
Tila naman umurong ang dila ni Lemuel. Paano ba niya sasagutin ang tanong nito na hindi siya mapapagalitan? Wala yatang paraan. Kung magsalita man siya o hindi ay ganoon pa din.
"Lemuel, saan galing ito? Sino ang nagbigay sa iyo?" Si Alegria naman ay nagulat dahil nagawa ng kanyang anak na maglihim.
"K-kay Daddy Adolf. Binigay po niya sa akin..."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
