~FOREST~
NGITING-NGITI pa ako habang papuntang classroom ng umagang iyon, sinalubong na naman kasi ako ng magagandang papuri galing sa mga kababaihan pero nawala iyon ng sumalubong sa akin ang isang babae bago pa ako makapasok sa classroom namin. Walang ekspresyong tiningnan ko siya at lalagpasan ko na lang sana siya ng hawakan nito ang isang braso ko.
“Let’s talk Forest.” malumanay na wika nito.
“Wala na tayong pag-uusapan pa Yein, tapos na tayo.” malamig na sabi ko, nakatalikod ako sa kaniya.
“Moriz and I broke up already.”
Doon ako napaharap sa kaniya at tumawa ng pagak. “Pumunta ka rito para sabihin lang 'yon? Wow, effort ha.” wala na akong pakialam kong mabatid nito ang bitterness sa boses ko pero pucha ang sakit parin eh! makita ko lang ang mukha niya, sapat na sapat na iyon upang magdulot ng milyon-milyong sakit sa puso ko.
Napayuko ito. “I want you b-back Forest.”
“Back? are you trying to make me laugh? pagkatapos mong lokohin ako kasama ang tarantadong pinsan ko ay sasabihin mong gusto mo akong bumalik sa'yo? Tss…umalis kana Yein habang may katiting na respeto pa ako sa'yo.”
Tumingin ito sa akin at liham na ng luha ang mga mata nito, wala akong naramdamang awa dito. Wala akong pakialam kong lumuha siya ng ilang balde sa harapan ko, kulang pa ang mga luhang iyon sa pinaramdam niyang sakit sa akin sa panloloko nila ng pinsan kong gago.
Ang lakas sabihin iyon matapos niya akong lokohin? nakakatawa siya! HA-HA-HA!
“I realized that you are the one I truly love, not Moriz.” patuloy nito, si Moriz ang gagong pinsan ko.
“Sa tingin mo ba babalik ako sa'yo ng dahil lang sa sinabi mo? You fooled me once, and that is enough. Umalis kana sa harapan ko Yein, hindi mo na mababago ang tingin ko sa'yo kahit sabihin mo pa na ako ang totoong mahal mo, kahit magmakaawa ka, kahit umiyak o lumuhod ka ay hinding-hindi na maalis sa isipan at puso ko na isa kang manlolokong babae.” may galit sa boses na sabi ko at pumasok na sa loob ng classroom namin. Na upo ako sa aking pwesto at yinukyok ang ulo.
Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko dahil nakakahiyang umiyak sa harapan ng mga kaklase ko, baka isipin nilang nababakla ako. Peste! bakit kasi nagpakita-kita pa ang babaing iyon sa akin! Badtrip!
Unang kita ko palang kay Yein noong 1st year high school palang kami ay na-attract na ako sa kakaibang ganda niya at hindi lang panlabas na anyo ang nagustohan ko dito dahil mabait din ito, kung baga isang anghel siya para sa akin. Kaklase namin siya kaya mas lalo kong nakilala si Yein at mas lalo ko siyang minamahal tuwing araw-araw ko siyang nakikita. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pang ligawan siya because she seems so perfect for me, maganda siya, gwapo naman ako kaya bagay na bagay lang kami. Sinuportahan naman ako nila Pyro at Taki sa panliligaw ko kay Yein.
2nd year high school na ako sinagot ni Yein, matagal pero kinaya ko dahil ganun ko siya kamahal. Handa akong magtiis at laking tuwa ko pa dahil sa wakas ang paghihintay ko ay natapos na din dahil sinagot ako ng babaing pinakamamahal ko! I am the most happiest and lucky man that day because I have my Yein. Mas lalo ko lang siyang minahal hanggang mag-3rd year kami pero hindi ko inaasahan na hanggang doon na lang lahat ang happiness na nararamdaman ko ng mga panahong iyon.
‘Magpapahuli lang sila, sa mismong kaarawan ko pa!’
It was my 19th birthday, hinahanap ko ng mga oras na 'yon si Yein dahil bigla na lang ito nawala at isang kasambahay namin ang nakapagsabi sa akin na nakita niya daw si Yein na pumuntang garden, kilala na nila si Yein dahil ilang beses ko na itong bumisita sa bahay. Nagtatakang pumunta na ako ng garden. Wala akong idea kong bakit naman pupuntang garden ito kong nasa loob ang party. Pero natigilan ako sa aking nasaksihan, pakiramdam ko ay may sumaksak sa aking dibdib, hindi lang isa kundi paulit-ulit na tinaga ang puso ko!
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...