~FOREST~
NAGISING ako sa bagay na nakakakiliti sa paa ko. Pagbukas ko ng mga mata ko ay dapat titignan ko sana kong ano iyon pero hindi iyon ang nangyari kundi napako na ang tingin ko sa babaing katabi ko na halos ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Napangiti ako sa aking nakikita ngayon lalo na't nakayakap ang isang kamay nito sa beywang ko.
How I wish na ganito lagi araw-araw na pagmulat ko palang ng mga mata ko sa umaga ay siya na ang unang mukhang magigisnan ng mga mata ko. Ang saya lang sa pakiramdam! Hindi ko na inalam pa kong ano ang bagay na kanina pa nangingiliti dahil halatang si Baby Maki lang iyon na kanina pa dinidilaan ang paa ko.
Mamaya na Baby Maki, ang Mommy mo muna ang pagtutuonan ko ng pansin sa ngayon. Gusto kong matawa sa aking naisip.
Maingat na hinaplos ko yung pisnge ni Baki. Gusto kong suntokin ang sarili ko ng maalala yung mga pintas na pinagsasabi ko kay Baki noon. Hindi naman talaga totoo ang mga iyon, inis lang ako sa kanya kaya ko nasabi iyon dahil siya ang kauna-unahang babae na hindi daw interesado sa akin. Dahil sa naapakang pride ko ay nasabi ko lang iyon. Ganun naman talaga diba? Ngunit nag-sorry na ako kay Baki noong nasa Baguio kami.
Hindi ko sinasadiyang mabaling ang tingin ko sa labi ni Baki. Muli kong naalala ang nangyari kagabi. Mabuti na lang talaga tumahol itong si Baby Maki kundi nabastos ko na si Baki. Hindi ko alam pero pumasok na lang bigla sa isipan ko na halikan siya kaya ngayon ay mag-iingat na talaga ako lalo na sa labing ito na nakakaakit halikan.
Napapitlag ako ng bigla na lang itong nagmulat ng mga mata. Bakas sa mga mata na inaantok pa ito dahil namumungay parin ang mga ito.
"Good morning Baki!" mabilis na bati ko sa kanya na pilit tinatago ang pagkailang dahil sa posisyon namin.
Tuloyan ng nagising ang diwa nito at kaagad na napansin ang posisyon namin. Mabilis nitong inalis ang kamay na nakayakap sa akin at nag-iwas ng tingin. Saglit pa akong napangiti ng makitang namula ang magkabilang pisnge nito bago tumayo sa pagkakahiga.
"Siguro ang sarap ng tulog mo Baki kasi may katabi kang gwapo na katulad ko." nakangising biro ko na lang para alisin ang kahit ano mang pagkailang nito. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari kagabi dahil ang awkward lang mga dre. Nakaya kong tumahimik habang kasama siya. Nakakapanibago lang.
"Asa ka." mahinang sabi nito bago mabilis na tumayo sa kama at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto. Ngingiting iiling-iling na lang ako bago lumabas na din ng kwarto kasama si Baby Maki na kanina pa nagpapansin para lambingin.
~PAIN~
MATAPOS ang halos isang buwan na paghahanda para sa Golden Quiz bee ay lumipad na kami papuntang New York kasama si Miss Del Monte na siya paring adviser namin. Hindi na sumama pa si Dean dahil meron itong seminar na kailangan daluhan at sinabi naman nitong si Mr. Everton na lolo ni Kamatis na ang bahala sa amin dito sa New York.
One day before the Golden Quiz Bee ay narito na kami sa New York. Dapat dalawang araw lang kaming mananatili dito sa bansang New York pero dahil nakiusap si Mr. Everton na e-extend pa namin ng isang araw tutal narito na din kami at Sabado naman pagkatapos ng Golden Quiz Bee kaya hindi iyon makaka-apekto sa klase. Gusto kasi ng lolo ni Forest na dumalo kami sa opening party ng bagong tayong hotel nito dito sa New York.
Nasabi ko na kay Kamatis na hindi ako pupunta dahil hindi ako sanay sa mga party, nagpumilit ito na sumama ako para daw may partner siya sa gabing iyon pero nagmatigas ako dahil ipapahiya ko lang siya kong sakaling sumama ako. Ano ba namang alam ko sa mga ganung okasyon?
Pagdating namin sa Everton Grand Hotel ay sinalubong kami ng maiinit na welcome ng mga empleyado. Karamihan sa kanila ay mga banyaga pero may ilan ding mga pinoy, sa gitna ng mga empleyado ay naroon si Mr. Everton na nakangiti pero nanatiling maawtoridad ang postura.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...