Chapter 20 - Welcome Party

112 5 2
                                    

Salamat sa mga votes kaya i-dedicate this for you. Nylinad. ♥♥♥♥♥ 


~FOREST~

SINIGURADO ko munang maayos ang aking buhok at aking neck tie bago lumabas ng kotse ko. Pagkababa ko, tiningnan ko yung entrance ng Everton Convention Center kong saan dinaraos ang Welcome Party 2015 for freshmens at sa mga transferee na din. Naglakad na ako papuntang entrance. Nakangiti lang ako habang naglalakad dahil naririnig ko na naman ang mga papuri ng mga estudyante sa akin.


"Ang gwapo ni Papa Forest!"

"He looks so perfect in that white suit!"

"Kahit ano namang ipasuot mo kay Forest nababagay iyon sa kaniya."

"Kahit hindi na siya mag-effort eh gwapong-gwapo na."

"I hope maisayaw ko siya mamaya lalo na sa sweet dance!"

Lumapit ako sa may registration area, their's no need to pay for this party.

"Good evening Mr. Everton." bati ng babaing naka-assign sa registration area, may kasama pa itong dalawang babae na titig na titig din sa akin. Nginitian ko lang sila at namilipit sila sa...

KILIG! syempre ano pa bang in-expect 'nyo? hehehe

 May registration lang para sa attendance o di kaya malaman kong sino-sino ang mga dumalo sa party. May plus points kasi 'pag nag-attend ka. Habang nag-t-type ako ng pangalan sa computer, kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga tingin ng mga babae na malapit doon sa registration area. Rinig na rinig ko din ang tili-an nila kahit mahina lang. Kilig na kilig eh?

Tss sa gwapo ko ba naman ngayong gabi, sinong hindi kikiligin? hahahahaha

Bago ako umalis ay iniwanan ko sila ng kay tamis na ngiti ng isang Forest Vance Everton na hindi nila malilimutan habang buhay! Pagpasok ko sa loob ay may tumapat na isang spotlight sa akin.

"Let's welcome Mr. Forest Vance Everton!" habang sinasabi iyon ng lalaking M.C ay nagsigawan na ang mga kababaihan sa loob.


"Yaaaaaahhh!! ang gwapo-gwapo mo talaga Forest!"

"He looks so handsome and yummy tonight!"

"Be mine tonight Forest!"

"Maisayaw lang talaga ako ni Forest ngayong gabi! Naku! kompleto na ang buhay ko!"

Kaya hindi na natanggal ang ngiti ko sa mga labi ko at kumaway lang na mas lalong kinalakas ng sigawan ng mga babae. Naglakad na ako at kaagad ko namang nakita sina Pyro kasama si Yami. Alam kong mapapasagot ni Pyro si Yami, sigurado ako 'don dahil nakikita ko naman kay Yami na may pagtingin din ito kay Pyro. Mahiyain nga lang ito. Ganyan naman talaga ang mga babae, hindi katulad sa isang kakilala ko na dinaig pa ang lalake kong kumilos. Tsk!

Napatingin naman ako kay Taki na kay haba ng nguso habang nakapalumbaba pa. Na upo na ako sa pwestong pina-reserved talaga namin para amin.

"Ang gwapo ah." nakangising sabi ni Pyro.

"Naman! kailan pa nagkulang sa kagwapuhan si Forest Vance Everton." mayabang na sabi ko habang nakangisi pa.

"Hi Forest." nakangiti namang bati ni Yami.

"Hi Yami, siguradong ginamitan ka nitong Adamson ng mga cheesy lines na alam niya kaya ka napapayag no?" birong tanong ko.

Yami let out a soft chuckle. Babaing-babae ito kumilos. Hindi katulad niya! tsk.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon