~FOREST~
NAPATINGIN ako sa bumukas na pinto at kaagad na lumabas si Mommy kasama ang isang kasambahay na tumulong sa kanya upang mabihisan si Baki. Pinaliwanag ko din kay Mommy kong bakit ito lasing at naintindihan naman niya.
"You can check her now son." nakangiting sabi ni Mommy ng tuloyang makalabas sa guest room na pinagdalhan kay Baki. Iyon din ang kwartong ginamit nito noong unang natulog siya sa bahay.
Nginitian ko si Mommy at humalik sa pisgne. "Thanks Mom."
"Ikaw na bahala sa future-daughter-in-law ko ha." nanunudyong wika ni Mommy at kumindat pa sa akin. Natawang napailing na lang ako. Pumasok na ako sa loob ng mag-paalam na sila Mommy. Kaagad na natuon ang paningin ko sa babaing mahimbing na natutulog sa malaking kama. Pakiramdam ko na-ulit lang yung gabing nag-sneak-in ako sa kwartong ito. Maingat na umupo ako sa edge ng kama, malapit kay Baki. Hindi ko na naman napigilang haplusin yung pisnge niya.
"Good night, dream of me Baki." nakangiting bulong ko saka marahang dinampian ng halik ang noo niya. Tila binuhosan ako ng malamig at nag-yeyelong tubig ng matignan ko yung mukha ni Baki at kitang-kitang nakamulat na ang dalawang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Walang ekspresyon ang mga mata nito kaya hindi ko mabasa kong anong nasa isip niya sa mga sandaling ito. Unconsious na napalunok ako at kaagad na nag-iwas ng tingin.
Hindi natuloy yung pagtayo ko ng pigilan ng isang kamay ang braso ko. Muli kong ibinalik ang tingin kay Baki.
"Stay."
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ko inaasahan iyon. Automatic din yung paglakas ng tibok ng puso ko.
"Uh..." pakiramdam ko ng mga sandaling ito ay nawalan ako ng kakayanang makapag-salita. Speechless!
Naiwan akong nakayuko habang nakatingin kay Baki na umusog na sa kama, senyales na binibigyan niya ako ng space at seryuso talaga siya sa kanyang sinabi! Hindi pa ako nakakapag-desisyon kong hihiga ba o hindi ng biglang hatakin nito ang isang kamay ko at napasubsob na lang ako sa kama. Narinig ko pa yung mahinang bungisngis nito na tila tuwang-tuwa sa nangyayari habang ako ang lakas na ng tibok ng puso ko at bakit ba kinakabahan ako na tila ba may mangyayaring...
Don't think like that Forest! saway ko sa aking sarili at kaagad na inalis iyon sa isipan ang maduming ideya. What the heck! Hinding-hindi ko magagawa iyon sa Baki ko!
Tatayo na sana ako ng muli itong magsalita.
"Please don't leave."
Natigilan ako sa aking plano. Napatingin ako kay Baki at nabigla ako sa aking nakita sa mga mata nitong nangingi-usap. Tila nahipnotismong tumango na lang ako at huli ko na iyon mapansin. Napabuntong hininga na lang ako saka umiling. Wala naman kaming gagawing masama kaya hindi naman yata masamang matulog kami sa iisang kama? Nagkibit balikat pa ako bago umayos ng higa.
Delikado pala kong malasing si Baki. Napailing na lang ako sa aking naisip.
"I won't leave but promise me you'll behave Baki." malumanay na sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kisame.
"Okay."
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sagot nito. "It's already late, we should sleep now and take a rest."
"Hmm..."
Doon ko lang tiningnan si Baki at nakita kong nakapikit na ito at mukhang bumalik na sa pag-tulog. Nakangiting umiling na lang ako at inayos pa yung kumot nito bago ko pinikit ang mga mata ko. This is the first time we'll spent the night together without malice. We just sleep together.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...