~PAIN~
ANONG oras na akong nagising kaya nagmadali akong pumasok at hindi na nakapag-agahan. Mabuti na lang may mga dala akong mga snacks na hindi pweding makalimutan. Wala pa naman si Miss ng pumasok ako kaya naghihinayang tuloy ako kong bakit nagmadali ako at hindi man lang nakakain ng kanin!
‘ayaw na ayaw ko pa namang nagugutom!’
Pero ilang saglit lang din ay pumasok na si Miss Rolly at napansin nito ang isang babaing ngayon ko lang nakita pero ang sabi, dati na daw itong kaklase nila. Tumayo ito at nagpakilala. At ng tanongin ito ni Miss Rolly na para bang interview portion, kaya hindi ko na binigyan ng pansin iyon at nilabas na ang mga snacks ko. Nasa likoran naman ako at medjo natatabnan ako ng kaklase kong nasa harapan kaya nilabas ko na talaga lahat ng snacks ko pati ang paborito kong Chucky at cream stick!
‘Sayang hindi ko dinala ang buong garapon!’
“Because my heart is here.”
Natigilan ako ng marinig iyon, hindi ako manhid upang hindi mapuna ang nag-uumapaw na damdamin nito habang binibigkas iyon kaya napatingin ako sa bagong kaklase ko na hindi ko nabigyan pansin kong anong pangalan. May tinitingnan ito sa likoran at ng sundan ko kong saan ito nakatingin.
‘Nakatingin siya kay kamatis!’
Tsk, pinigilan kong matawa dahil naalala ko naman ang biglang pamumula nito kagabi na tulad sa kulay ng hinog na kamatis! Hindi ko alam kong bakit siya namula pero nakakasiguro ako na dahil iyon sa sinabi kong hahalikan ko siya. I’m just only teasing him and effective naman. Iyon na yata ang pinaka-the best na reaksyong nasaksihan sa lalaking iyon. Kagabi lang din ako nakakita ng lalaking namumula. At pahiyang-pahiya talaga siya ng ibuking ko siya sa kaniyang mga kaibigan tungkol sa pamumula niya. Nakakaaliw! hahahaha.
Gusto ko pa sanang ibuking kong anong ginawa nito noong una siyang pumunta sa B.A.C pero nakita kong napapikit ito kaya nakaramdam naman ako ng awa kaya nagsinungaling na lang ako upang iligtas siya sa lalong kahihiyan. Iniwan ko na sila pero ewan ko ba kong bakit ko pa siya nilingon ulit at nakita ko din naman siyang nakatingin sa akin kaya kinindatan ko na lang at tinalikoran na.
Tiningnan ko ang babae at nakatingin parin ito kay kamatis kaya ibinalik ko ang paningin kay kamatis at nasa ibang direksyon ang mga mata nito na tila may iniiwasan. Nakaramdam ako na may something sa dalawa at wala na akong pakialam doon kaya sinimulan ko ng kumain.
Natigil na din naman yung pag-interview ni Miss sa bagong kaklase namin at nagsimula ng mag-discuss. Habang kumakain ako, naramdaman kong may nakatingin sa akin. Sinasabi ko ng malakas ang pakiramdam ko at hindi iyon kapangyarihan, walang fantasy sa genre kaya huwag kayong mag-imagine! Ang abilidad na ito ay natututunan at hindi basta-bastang pagsasanay para tuloyan mong maperpekto ang abilidad na ito upang malaman mong may nagmamasid sayo ng palihim. Ginamit ko ang peripheral view upang makita kong sino iyong nakatingin sa akin at isang pamilyar na mga mata ang nakatingin sa gawi ko. Lihim akong napangisi, tsk. Ang hilig niya tumingin sa mukha ko.
‘Sinasabi niyang hindi ako maganda pero lagi namang nakatingin sa akin’
“Mr. Everton!” narinig kong tawag ni Miss Rolly.
“M-miss.”
“Get out!” sigaw nito.
“Po?”
“I told you already, kapag nahuli kitang nakatingin sa labas automatic ka ng lumabas!”
“Hindi naman po ako nakatingin sa labas Miss.” paliwanag nito.
“Pwes saan ka nakatingin?”
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...