~FOREST~
*ehem* pangalan ng tao po iyan d^-^bV
TINIGNAN ko munang maigi ang aking napaka-gwapong mukha sa rairview mirror ng aking kotse. Napangisi pa akong makita ang sarili kong kagwapuhan.
'Wala talagang mintis ang kagwapuhan mo Forest Vance Everton'
Binuksan ko na yung pinto ng kotse ko at lumabas na. Naglakad na ako papuntang school building ng mapansin ko ang isang babaing nakasandal sa pader. Nakasuot ito ng itim na shirt na may print pang-DEATH, naka jeans din ito na tinernuhan ng itim na sneakers. Ang pangit ng fashion niya. d-__-b Matangkad ito pero mas matangkad ako, nakalugay din ang medjo may kahabaang buhok nito, my katabaan din, singkit ang mga blangkong mga mata at...
'hindi 'din maganda'
Hindi siya pangit pero hindi din maganda. Hahahaha Aalisin ko na sana ang tingin ko sa babaing iyon pero natigilan ako ng makita ko kong anong hawak nito sa isang kamay na umuusok pa!
"Hoy Miss bawal manigarilyo sa loob ng campus, this is a smoke free place." sigaw ko sa kaniya. Kababae eh naninigarilyo. Tsk. Oo! Naninigarilyo ang babaing 'yon!
Sa kabila ng pag-saway ko sa kaniya ay humithit parin ito sa sigarilyo saka ibinuga ang usok at tinapon sa lupa. Nagulat pa ako ng tumingin ito sa akin, hindi ko mabasa ang iniisip nito dahil napaka-blangko talaga ng mga mata nito. Hindi din naman ako malayo sa kaniya kaya napansin ko yung mala-abo nitong mata. Ibang klase!
Hanggang gumalaw ang isang sulok ng labi nito. Ngumisi ito ng nakakaloko at hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa...
dO_Ob
Pinakyuhan ako ng loko!
Habang ngising-ngisi pang naglakad palayo. Napamaang na lang ako. Hanep, unang araw ng eskwela may nag-pakyu sa'ken, itong gwapong to?!. Ibang klase! iiling-iling na lang akong naglakad papasok ng school building, ng makapasok ako ay rinig ko na yung maingay na tilian ng mga kababaihan.
'tsk..tsk..tsk..wala ka talagang kupas Forest! Gwapo!'
Taas noo akong naglakad, dahil walang rason upang yumuko ang isang tulad ko na nagtataglay ng ganitong kagwapuhan habang ngingiti-ngiti sa mga girls.
"ANG GWAPO NIYA!"
"NA MISS KO SI FOREST!"
"KOMPLETO NA ANG ARAW KO DAHIL SAYO HONEY FOREST!"
"YAAAAAHH MAKITA LANG ANG GWAPONG MUKHA MO, OKAY NA! SOLVE NA ANG ARAW KO!"
"WEW, WALANG KUPAS, IKAW PARIN ANG GWAPO"
"SAGOTIN MO NA AKO FOREST!"
"BE MY HUSBAND!"
d-_-b
tsk...minsan nakaka-rindi din sila pero anong magagawa ko kong masyado lang talaga akong gwapo at nabibighani sila sa akin kaya wala akong magagawa at pabayaan na lang silang humanga, managinip ng gising, mabaliw at maghabol sa pinakagwapong nag-iisang FOREST VANCE EVERTON!
bwahahahahahahahah.
Nakarating na ako sa second floor kong saan yung unang subject namin na Physics. 4th year high school na pala ako sa Everton High School, Yeah, we own this school, this exclusive school. Pagpasok ko sa loob ng room ay may nagtilian na naman pero hindi ko na lang sila pinansin. Sinalubong ako ng mga tropa kong sina Pyro Adamson at Aotaki Aoi. Bahala na kayo mag-pronounce sa pangalan ng hapon na ito, masyadong mahirap bigkasin. d-__-b
"Iba na naman ang ningning ng ngiti ni Everton oh!" nakangising sabi ni Pyro.
"Malamang sinalubong na naman ng tilian at papuri ng mga chickz kaya ganyan at hindi na napapansin na nagmumukhang 'engot' na hahahaha." dagdag pa ni Taki. Masyadong mahirap ang pangalan ng lecheng to kaya shortcut ang solusyon.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...