~PAIN~
"SIGURADO ka bang safe si Baby Maki sa taong pinag-iwanan mo sa kanya?"
Napailing na lang ako kay kamatis dahil pangatlong beses na niyang tinatanong iyon sa akin. Sinara ko na yung Physics textbook na binabasa ko at pinasok sa loob ng backpack bago siya hinarap.
"I told you she will be fine there, there's nothing to worry about Baby Maki, kamatis." saad ko at isang malapad na ngiti na naman ang nakita ko sa mga labi niya.
"Napaka-sarap pakinggan kapag tinatawag mong Baby si Maki, feeling ko isa na talaga tayong pamilya." nakangiting wika nito habang nasa daan ang paningin, bakas sa mukha na masaya nga ito.
"Gusto mo ba i-record ko pa para may pakinggan ka oras-oras?" biro ko.
"Puwede din." may nakakalokong ngiting sagot nito.
Napailing na lang ulit ako. "You look sick kamatis, okay ka lang ba talaga?"
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito. "Huwag ka nga pabigla-bigla Baki!"
"Anong pinagsasabi mo 'jan?" nakakunot noong tanong ko.
"Hindi mo ba alam na pinapakilig mo ako dahil sa concern mong 'yan, hindi mo lang alam kong gaano ka tinde ang epekto niyan sa akin at sa puso ko, matinde pa sa alak na ininom ko noong Biyernes."
"Tss. Hindi ka parin ba nag-sasawa 'jan kamatis, you should stop already." sabi ko saka humalukipkip at tumingin sa labas ng bintana.
"Saan naman ako mag-sasawa Baki?"
"Stop liking...loving me, idiot." naiilang at naiiritang turan ko.
"Bakit naman ako mag-sasawa o titigil kong ito ang nagbibigay ng kakaibang saya at kulay sa buhay ko and it's making me complete Baki...for loving you."
"You'll end up getting hurt again Kamatis." I remind him in my flat tone.
"Tsk. I know you will learn to love me Baki."
Napapantastikuhang napalingon ako sa kanya dahil sa nababakas kong kompiyansa sa boses niya na tila sigurado siya sa kanyang sinabi. Saktong paglingon ko ay siyang pagtingin sa akin, gusto ko pang mapailing dahil sa mga emosyon sa mga mata nito na hindi na kailangan pang sabihin dahil isinisigaw na iyon ng mga mata niya. Bago nito ibinalik ang paningin sa daan ay isang napakatamis na ngiti pa ang ipinakita nito sa akin. Naiwan naman sa naka side-view na mukha ni kamatis ang mga mata ko.
What if...
Hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko sa aking isipan ng mapansin kong nakatigil na yung kotse ni kamatis sa parking area ng EHS. Bubuksan ko na sana yung pinto sa gawi ko ng pigilan ako niya ako at tulad ng dati, siguradong siya na naman yung magbubukas nito at sasabihing 'gentleman 'to Baki' nakangiting napailing na lang ako ng pumasok sa akin yung facial expression ni kamatis tuwing sinasabi niya iyon.
Sinundan ko na lang ng tingin si kamatis na patakbong umikot sa harap ng kotse upang pumunta sa may pintong nasa passenger seat.
What if I really do learn to love him?
Natigilan ako ng sa wakas ay na-kompleto ko yung pangungusap na iyon. That sentence really hit me so badly. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot dahil lahat ng pinaghirapan ko mula sa pagsasanay ko noon para lang maabot itong meron ako ngayon ay may posibilidad na mawala kapag tinanggap ko sa aking sistema ang bagay na iyon.
Kong normal lang yung buhay ko na tulad sa mga babaing walang iniisip kong paano sila gaganda, paano sila mapapansin ng mga crushes nila, paano sila makakabili ng mga bagong damit o kong ano-anong naiisip ng mga normal na teenagers ay masasabi kong hindi naman mahirap mahulog ang loob mo sa isang katulad ni kamatis. Walang pag-aalinlangang tatanggapin ko siya sa buhay ko kong normal lang ang buhay ko, alam kong hindi ako makakaramdam ng ganitong kaba ng mga sandaling ito kong hindi lang miserable ang buhay ko na napapalibutan ng karahasan at walang seguridad ang iyong buhay na may posibilad kang mamatay sa oras na hindi mo inaasahan.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...