~PAIN~
ANG sumunod na linggo ay mas naging abala ang buong school lalo na't next week na ang school fiest na umaabot sa limang araw. Tapos na din yung praktis namin sa EDC at malaki narin ang naging improvement ng kapareha ko. Ngayong lunes magsisimula ang mga try-outs para sa mga bagong estudyanteng gustong sumali sa mapipiling sports nila, kasabay 'non ay ang simula din ng praktis sa mga dati ng players tulad nila Kamatis, Pyro, at Taki na sa mga oras na ito ay siguradong nag p-praktis na din. Tulad ng unang plano ko ay sasali ako sa baseball team. Ang sports na kailangan ng matinding lakas.
Kinuha ko na ang bag ko at ni-lock ang pinto ng aking maangas na sasakyan. Maglalakad na sana ako ng may isang babaing nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay habang nanlilisik na nakatingin sa akin.
Here comes the fox in a lamb's skin.
"Ang kapal ng mukha mong agawin sa akin si Forest! Hindi mo ba alam na ako lang ang may karapatang maging-girlfriend niya at hindi ang isang katulad mo na pangit, mataba, at may black aura!" mataray na litanya nito sa akin.
I smirk. The purpose of that smirk is to annoy her and she did! What a pathetic fox.
"Don't you ever show me your annoying smirked you bitch!"
Nagkibit balikat lang ako. Enjoying the moment huh? Nakakatuwa naman kasi ang mukha niya. Pulang-pula ang mukha nito dala ng matinding galit na kulang na lang yata ay pumutok ang ugat sa mga ulo nito dahil 'don.
"Hiwalayan mo si Forest kong ayaw mong makakita ng totoong gulo." nagbabantang sabi nito habang nakaturo ang isang daliri sa akin.
Nagkunwari akong natakot sa pagbabanta niya. "Scary!" kunwaring natatakot na sabi ko na dinagdagan pa ng panginginig.
"Arggg! I'm dead serious here! Makikita mo talaga ang tunay na Yein Vendosa kapag hindi mo nilubayan ang Forest ko!" galit at naiiritang singhal nito sa akin.
"That's interesting, I'm excited to see the real you." Tama. Gusto kong makita ang totoong anyo niya saka iyon naman talaga ang plano ko. Ang makilala siya. Ang totoong siya.
Bumuga ito ng hininga sa sobrang frustration. "You'll see bitch! I will send you to hell!"
"Hell? Tsk. I already been there but they send me out. They can't stand me." mayabang na sabi ko habang nakangisi ng nakakaloko na mas lalo niyang kina-irita. Nakita ko yung pag-alsa ng isang kamay nito at aakmang sasampalin nito yung kabilang pisnge ko nang agad kong hinawakan ang kamay nito sabay tingin sa kanya. "Even Lucifer can't stand me. Ikaw pa kaya? na pipitsuging tao lang? Tsk." binitiwan ko na ang kamay nito at nilagpasan ko na lang siya.
"Anong klase kang tao Pain?"
Natigil ako sa paglalakad ng marinig ang pahabol na tanong nito. Muli ko siyang nilingon. Nakita ko yung confused na ekspresyon nito habang nakatingin sa akin. Ipinakita ko sa kanya muli ang nakakalokong ngisi ko.
"Simple lang. Pero hindi simpleng kaaway." Matapos kong sabihin iyon ay tinalikoran ko na siya. Bago ako makapuntang field nadaanan ko pa yung gym at sakto namang lumabas si kamatis na tila kakatapos lang nitong mag-laro. Hindi na ito kailangang mag try-out dahil dating player na ito at sa pagkakaalam ko ay Team captain pa ng seniors team at sa Everton Basketball team.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...