I dedicate this to Dhalyn03, THANK you sa mga votes hope you like this simple dedication :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~FOREST~
♪♫ ♥♥♥ Dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sa'yo,
Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago!
Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.
Bad trip talaga! Na-i-inlab ako sa'yo!
Tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti,
Para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi ♥♥♥ ♪♫
Nakangiting pinapakinggan ko sa loob ng classroom ang kantang ito at hindi iyon naka-earpods o naka headphone kundi loudspeaker iyon kaya rinig na rinig iyon ng mga kaklase ko at lahat sila nakatingin lang sa akin. Maaga pa naman at wala pa si Miss Rolly. Halos ginawang ringtone ko na nga itong kantang ito dahil napakasarap lang pakinggan. Nakaka-good vibes mga dre!
Pati puso ko ay nakiki-awit din sa kanta kaya hinayaan ko lang na sumunod siya sa magandang kantang ito.
Dahil sa'yo ito Baki! Ikaw ang may kasalanan nito hahahaha napalingon ako sa bakanteng pwesto nito. Wala pa siya. Bigla Kong naalala ang nangyari kagabi, lalo na iyong mga sinabi ng lalaking iyon na halos ikagulantang ng aking sistema dahil hindi talaga ako makapaniwala na may ganun. May patayan. Pero sapat na iyong narinig ko kay Baki na hindi siya pumapatay ng tao, may tiwala ako sa kanya. Alam ko namang may tinatagong bait ang Baki na 'yon, hindi lang nag-papahalata hehehe. Hanggang ngayon gusto kong malaman ang buong pagkatao niya pero ayaw ko siyang pilitin lalo na’t mukhang hindi pa siya handang mag-open ng ganung kwento. Hindi ako pweding magkamali sa aking nakita kahapon sa mga mata niya. I saw pain and sarrow through her eyes. That was the second time I saw emotion in her eyes. Ang mahalaga sa ngayon alam kong wala siyang kinalaman sa patayang sinasabi ng lalaking iyon. That’s enough for now and I’ll trust Baki’s words. Ilang saglit lang ay dumating na din yung dalawang mga gwapong kaibigan ko.
“Good morning mga dre!” nakangiting bati ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa sabay tingin sa akin. Na upo sila sa tabi ko habang punong-puno ng pagtataka ang mga mukha nila.
“Good mood ah.” nakangising sabi ni Taki.
“Napano yung mukha mo?” tanong naman ni Pyro.
“Ah ito.” sabay turo sa gilid ng labi ko. “Nasuntok kagabi eh.”
“Wow ha, nasuntok kana’t lahat, nakangiti ka parin, I didn’t expect your reaction dre.” iiling-iling si Taki habang sinasabi iyon.
“Bakit? anong in-expect mo na reaksiyon ko?”
“Yung magwawala ka dahil nabangasan ang iniingat-ingatan mong gwapong mukha.”
Nagkibit balikat ako. “Hindi ko yun naisip kagabi eh.” nakangiting sagot ko.
Mas lalong nagtaka ang dalawa.
“That’s not the Forest we knew.” patuloy ni Taki.
Ilang saglit lang ay pumasok na ang babaing kanina ko pa hinihintay. “Baki!” tawag ko sa kanya sabay taas pa ng isang kamay. Napatingin ito sa gawi namin pero blangko parin ang ekspresyon nito at dumiretso sa upuan. Nakangiti lang akong sinundan siya ng tining at narinig ko yung pagtikhim ni Taki kaya muli kong binalik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...