~PAIN~
"PERO huwag ka sanang umasang masusuklian ko kong ano mang nararamdaman mo sa akin kamatis." sa malumanay na boses na sabi ko kay kamatis, ayaw ko siyang saktan lalo na't napuna ko kaagad ang sobrang saya sa mga mata niya ng marinig ang sinabi ko kaya pinilit kong ayusin ang pagkakasabi ko sa kadugtong ng sasabihin kong iyon upang maiwasang saktan siya.
Tiningnan ko ng maigi si kamatis para malaman kong anong naging reaksyon niya. Nakatingin lang ito sa akin na tila prinoproseso pa ng kanyang utak ang sinabi ko.
"Can I court you Baki?"
Napaigtad ako sa aking kinauupuan matapos niyang sabihin iyon. Kaagad akong umiling. "Masasaktan ka lang."
"I know, but I'm willing to risk even though there's a chance of hurting again." may mapait na ngiting sumilay sa labi niya.
"Tsk. Why the heck did you love me anyway? I remember you told me before, I'm not your type, why you suddenly love me kamatis?" nagtatakang tanong ko dahil wala naman akong maalalang ginawa ko upang magustohan niya ako.
"Hindi ko naman talaga ginustong ma in-love sa'yo ng una dahil napakalayo mo sa tipo ng babae ko, ngunit sadiyang dumating lang talaga yung araw na ikaw na itong hinahanap ng puso ko Baki at nalaman kong sa kabila ng imperfections mo ay handa kong tanggapin iyon ng buong puso, kahit ano kapa, kahit ano pa ang tinatago mo sa pagkatao mo, lahat ng tungkol sa'yo ay tatanggapin ko ng buong puso."
Pakiramdam ko kumirot yung dibdib ko ng marinig ang sinserong sinabi ni kamatis sa akin. Kumirot iyon dahil imposibleng masuklian ko yung nararamdaman niya at kong sakali mang magkagusto nga ako sa kanya ay hindi din puwede dahil sa anong meron akong buhay. Narinig ko ang sinabi niyang tanggap niya ako pati na ang pagkatao ko ngunit hindi ganun kadali iyon. Maging kaibigan ko pa nga lang napakahirap na, paano pa kaya na magkaroon kami ng romantikong relasyon na sa tanang buhay ko ay hindi ko naranasan kaya siguradong mauuwi din sa wala iyon kaya hinding-hindi ako susugal sa laro ng 'pag-ibig'
"Huwag mong hayaan na mahulog ng todo ang puso mo sa akin kamatis kong ayaw mong masaktan ng husto sa huli." paalala ko sa kanya.
"Ayaw mo bang subokang buksan ang puso mo Baki? sumubok mag-mahal?"
"No." diretsong sagot ko at kitang-kita ko yung lungkot na bumakas sa mukha ni kamatis ng mga sandaling iyon.
"I just want to tell you this, love is a wonderful feeling Baki."
"Paano mo nasasabing wonderful feeling parin iyon sa kabila ng sakit na dulot ng panloloko sa'yo ng unang babaing minahal mo?"
"Sa pag-ibig na'riyan na ang pagkakataong masaktan ka, kakambal 'yon ng pag-ibig eh. Ngunit kahit nasaktan ako, meron tayong tinatawag na 'move-on' at dahil sa'yo, hindi ako nahirapang mag-move on sa sakit na iyon and the same time, you also open my heart for second chance to love someone new at nagkataong ikaw din iyon Baki."
Nakakailang ang sandaling ito dahil harap-harapang sinasabi ni Kamatis ang pagmamahal niyang nararamdaman sa akin at nakikita kong sinsero talaga siya sa mga sinasabi niya.
"Hindi ko expected na ma in-love sa'yo Baki dahil nasabi ko na sa'yo noong una palang na hindi ka naman kaakit-akit kaya imposible talaga, pati sila Pyro at Taki, sinasabing may gusto daw ako sa'yo dahil lapit ako ng lapit sayo kahit ilang beses ko ng sinabing interesado lang ako sa'yo dahil napaka-misteryuso mong tao hanggang isang araw na-realized ko na lang talaga na may gusto ako sa'yo, hindi mo alam kong gaano ako nahirapan bago ko ma-realized ang bagay na iyon Baki hanggang nagkasundo na ang puso't isipan kong gusto nga talaga kita
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...