~FOREST~
NATIGILAN ang lahat ng kaklase ko ng pumasok ako ng umagang iyon. Gulat na gulat silang nakatingin sa akin. Hindi din makapaniwala. Ang iba, laglag ang mga panga, si Taki, matalim pa sa kutsilyo ang tingin, loko. Si Pyro naman, nakakunot noo lang ito.
“Thank you Forest.” nakangiting sabi ni Yein sa akin.
“Huwag mo sanang bigyan ng ibang meaning ito Yein, I’m only doing this because of my father’s request nothing more, is that clear to you?”
Nawala ang ngiti nito at isang pilit na lang ang ngiti sa labi nito. “Okay pero hindi ko lang talaga maiwasang maging masaya dahil nasa tabi kita kahit alam kong dahil iyon sa utos ni Tito Harry.”
“Okay.” tugon ko na lang upang hindi na humaba pa ang usapan at inabot na sa kaniya ang bag nito na ako na ang nagdala dahil likas na gentleman ako eh. Walang halong biro. Na upo ako sa aking pwesto at kaagad din namang lumapit ang dalawa na kulang na lang lagyan ng question mark ang mga mata ng mga loko.
“Nan da-yo? Donna imi desu-ka?” nagugulohan habang iiling-iling na tanong ni Taki.
“Loko! mag-tagalog ka!” saway ko sa kaniya.
“What the hell? What does it mean?” nagugulohan paring tanong ni Taki na sinalin sa ingles ang hapong salitang sinabi nito.
“Oo nga dre, bakit ganun? bakit kayo magkasama ni Yein? okay na kayo?” sunod-sunod na tanong ni Pyro.
“Huwag kayong mag-isip na okay na kami dahil hindi kami okay at mukhang hindi na kami magiging okay dahil ayaw ko na siyang pagkatiwalaan pa at obligado ko siyang isama lagi sa akin as my father’s request.” paliwanag ko sa kanila.
“Ah ganun naman pala.”
“Bakit naman ni-request ni Tito Harry ang bagay na iyon?” Tanong ni Pyro.
“You all know wala akong pinagsabihan tungkol sa totoong nangyari sa amin ni Yein, ang sabi ko lang ay nag-break kami dahil we just realized that were not for each other at wala ng iba kaya wala silang alam tungkol sa panlolokong ginawa ni Yein sa akin kaya walang nagbago sa turing nila kay Yein lalo na si dad na alam 'nyo namang botong-boto sa kaniya, that’s why he requested me to take care of Yein matapos niyang malaman ang gulong nangyari kahapon at huwag ko daw hayaang mapag-isa baka gulohin o awayin ulit siya. That’s why I need to be in her side at obligado ko ding sunduin at ihatid siya.”
“It’s obvious dre na Tito Harry is trying to get back your old relationship with Yein.”Si Pyro.
“Maybe dre but it won’t happen, Yein and I is already over and there is no chance to be together again.”
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...